2014 NOCHE BUENA Suggestion #1


Alam ko na halos lahat tayo ay abalang-abala na para sa nalalapit na Kapaskuhan.   Bukod sa mga regalong ating ipamimnigay sa ating mga mahal sa buhay at inaanak ay iniisip din natin kung ano ang masarap na ihanda para sa Noche Buena.

Every year nagpo-post ako ng Noche Buena suggestion para sa masugid nating tagasubaybay ng food blog kong ito.   At ito ang aking #1 na suggestion:


http://mgalutonidennis.blogspot.com/2014/10/camaron-rebosado.html

Para sa appetizer, I think masarap itong Camaron Rebosado.   Although, masarap din itong pang-ulam winner ito sa mga kids and adults.


http://mgalutonidennis.blogspot.com/2014/10/pumpkin-soup-with-coconut-milk-winning.html

Komo may kalamigan ang panahon, okay din na maghanda tayo ng sabaw o soup.   The best siguro itong Pumpkin soup with coconut milk na winning soup ko sa nakaraang Alaska Kitchen Challeng.



http://mgalutonidennis.blogspot.com/2014/09/kimchi-fried-rice-my-own-version.html

For the rice dish, panalo itong Kinchi Fried Rice na ito.   Kakaiba ang lasa na tiyak kong magugustuhan ng lahat.


http://mgalutonidennis.blogspot.com/2014/03/pork-morcon.html

For the main course pwede nyong i-consider itong Pork Morcon.   Kung gusto nyo ng beef winner pa rin sa lasa ito.


http://mgalutonidennis.blogspot.com/2014/11/macaroni-bacon-cheese-overload.html

Syempre, mawawala ba ang pasta dish sa ating menu.   The best itong Macaroni-Bacon and Cheese Overload.   Pwede din po nyong gamitin ang inyong keso de bola para sa dish na ito.

http://mgalutonidennis.blogspot.com/2014/09/mango-panna-cotta.html

For the dessert, may hihigit pa ba dito sa Mango Panna Cotta na nagawa ko na may pinaka-maraming likes at hits sa FB page ko?    Panalo ito talaga.

Marami pang pwedeng i-consider na dish sa ating archive.   Paki check na lang po.

Pero syempre huwag sana nating kakalimutan ang pinaka-importante sa ating pagdiriwang.     Si Hesus na siyang dahilan kung bakit may Pasko.   Secondary lamang ang mga damit, pagkain at mga materyal na bagay na ating pinaghahandaan.   

Maligayang Pasko sa inyong lahat!!!!

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE