CREAMY BEEF MUSHROOM and POTATOES


Bihira lang kami kumain ng baka.   Medyo may kahalan din kasi ang presyo nito at bukod pa sa mahabang oras na nagugugol sa pagpapalmbot nito.   Pero kahit papaaano basta may pagkakataon ay nagluluto ako nito at sinisigurado kong espeyal ang pagkakaluto nito.

Kagaya nitong dish natin for today.   Simple lang ang pagkaluto nito pero punong-puno ng flavor at sarap.   Talaga namang nagustuhan ito ng aking mga anak at ni-request pa nila na ito ang baunin nila the following day sa school.   Di ba nakakatuwa naman talaga sa damdamin kung ganitong nagugustuhan ng ating mga anak ang ating niluluto para sa kanila.



CREAMY BEEF MUSHROOM and POTATOES

Mga Sangkap:
1 kilo Beef Cubes
2 tbsp. Butter
2 pcs. Potatoes (cut into cubes)
1 can Whole Button Mushroom
1 tetra brick Alaska Crema
1/2 tsp. Dried Basil
1 tsp. Maggie Magic Sarap
5 cloves minced Garlic
1 large Onion (sliced)
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, i-brown ang karne ng baka sa butter hanggang sa medyo mag-brown ang mga side nito.
2.   Sunod na igisa ang bawang at sibuyas.  Halu-haluin.
3.   Lagyan ng tubig.   Takpan.   At hayaang lumambot ang karne.
4.   Kung malambot na ang karne, ilagay na ang patatas , whole button mushroom, dried basil at timplahan ng asin at paminta.   Isama na din yung sabaw ng mushroom.   Takpan muli at hayaang maluto ang patatas.
5.   Ilagay na ang alaska crema at hayaan lang na bahagyang kumulo.
6.   Timplahan ng maggie magic sarap.    Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!!

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE