LONGA-PENNE PASTA


Na-try nyo na bang gumamit ng longanisa sa inyong pasta dishes?   Actually, nabasa ko din lang ito sa isa pang food blog na madalas kong bisitahin.   Ang Casa Veneracion.

Yung klase ng longanisa ang magdadala sa kabuuan ng pasta dish na ito.   Dapat yung hindi pa steamed o luto yung longanisa na gagamitin.   Ang kakawin lang ay aalisin ito sa casing at medyo ipe-press para hindi magbuo-buo habang niluluto.

Masarap ang pasta dish na ito.  Pwedeng-pwede din na ihanda natin sa ating nalalapit na Noche Buena.


LONGA-PENNE PASTA

Mga Sangkap:
1/2 kilo Penne Pasta (cooked according to package directions)
400 grams native Longanisa (alisin sa casing yung laman)
560g pack Del Monte  Spaghetti Sauce (sweet style)
1 tsp. Dried Basil
2 cups grated Cheese
3 tbsp. Olive Oil
1 tsp. Freshly Ground Black Pepper
1 head minced Garlic
1 large Onion (chopped)
Salt to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Lutuin ang penne pasta according to package direction.   Drain.
2.   Sa isang kawali o heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil.
3.   Sunod na ilagay ang longanisa na inalis sa casing.   I-press ng sandok ang longanisa para madurog at maghiwa-hiwalay.   Haluin ng ilang sandali.
4.   Ilagay na ang spaghetti sauce at timplahan ng asin at paminta.
5.   Ilagay na din ang 1 cup na grated cheese.   Halu-haluin.
6.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7.   Ihalo na ang nilutong penne pasta.
8.   Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang 1 cup pa na grated cheese.

Ihain na may kasamang garlic bread or toasted bread.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE