Posts

Showing posts from June, 2009

CHEESY CHICKEN BALLS

Image
First time ko lang gumawa ng bola-bola na ang gamit ay giniling na manok. Actually, dalawang lutuin ang nagawa ko sa giniling na manok na ito. Yung isa, yung pumpkin ang chicken soup at pangalawa ay ito ngang chicken balls. Sa recipe na ito marami kang pwedeng gawin na lutuin. Pwedeng gawin mo itong chicken siomai, o kaya naman chicken lumpiang shanghai. Pwede din na sahog sa iyong almondigas o kaya naman ay fried wanton. Pwede din ang sweet and sour chicken balls. All these kinds of food pero isa lang ang base recipe. Try nyo lang at marami talaga kayong magagawa sa recipe na ito. Share nyo na lang sa akin yung iba pa ninyong nagawa. hehehehehe CHEESY CHICKEN BALLS Mga Sangkap: 1/2 kilo Ground Chicken 1/2 cup finely chopped dried shitake mushroom soak in water 1 medium carrots finely chopped 1 large red onion finely chopped 2 egg 2 tbsp. corstarch 1 tbsp. sesame oil salt and pepper to taste 1 8g sachet maggie magic sarap cheese cut into cubes cooking oil for frying All purpose flour ...

GINISANG MUNGGO na may TINAPA

Image
Ito ang isa sa mga ulam na gulay na gustong-gusto ko. Kahit na bawal sa akin ito ay nagluluto pa rin ako kahit paminsan-minsan lang...hehehehe. Medyo nagsasasakit na kasi ang aking mga rayuma at atritis kaya naman bawal ang mga mabubutong pagkain...hehehehe. Ang tanong, bakit kapag Biyernes nakagawian natin munggo at pritong isda ang ulam? hehehehe....hulaan nyo. Itong recipe nating ito ay ayos na ayos naman sa mga nagbabawas sa pagkain ng baboy. Wala kasi itong sahog na baboy. Sa halip, hinimay na tinapang isda ang aking nilagay. Masarap. Kasi nandun yung smokey taste at langhap ng tinapa. Bukod sa matipid itong ulam, masasabing masustansya ito at masarap. Try nyo ito. At syempre, masarap na ulam ito kasama ang piniritong isda na may sawsawang calamansi, suka at toyo. Panalo ang kain nyo sa ulam na ito. hehehehehe GINISANG MUNGGO na may TINAPA Mga Sangkap: 250 grams Green Monggo beans 2 pcs. medium Tinapang isda (Himayin ng maliliit) 2 taling Dahon ng Ampalaya 4 cloves minced garlic 1...

ARROZ ALA CUBANA

Image
Arroz ala Cubana ang ibig sabihin ayon sa Wikepedia ay Cuban Style Rice. It's a complete meal na may kanin giniling na beef na may tomato sauce, fried egg at pritong saging na saba. Dito sa atin, ganito ito i-serve. Hindi ko alam kung sa Cuba nag-originate ang dish na ito. Pero ito ata ang common food ng mga Cuban. Ito ang dinner namin nung isang gabi at ito din ang baon namin ng mga bata the following day. Masarap siya. Mas okay nga kung may fried saba at itlog. Nasira na naman ang diet ko sa ulam na ito....hehehehehe. Try nyo..another simple and delicious viand for you and your family.....pang baon na din....hehehee ARROZ ALA CUBANA Mga Sangkap: 1/2 kilo Ground Beef 2 pcs. medium size potato diced 1 large carrots diced 1 large green bell pepper diced 2 cans green peas 1 pouch Del monte tomato sauce 1 8g. sachet Maggie magic sarap 3 cloves minced garlic 1 large red onion chopped 2 large toamtoes chopped 5 pcs. Saging na saba hatiin sa gitna 5 pcs. egg 2 tbsp butter salt and pepper...

TURBO BROILED or FRIED PORK LEG

Image
I think may nai-post na akong recipe na ganito din. Yun lang pata talaga yung ginamit ko dun. Dito naman yung part above the knee kaya mas malaman ito. May nakita kasi ako sa supermarket na magandang cut ng leg ng baboy kaya eto agad ang naisip ko na gawing luto. masarap siya....para ka na din kumain ng lechon na may malutong na balat....hehehehe. Actually dapat pang-fathers day ko ito lulutuin, kaso wala na palang kaming pwedeng iluto sa fridge kaya eto hindi na umabot ng fathers day....hehehehehe. TURBO BROILED PORK LEG Mga Sangkap: About 2 kilos of pork leg 4 na tangkay ng tanglad or lemon grass 2 large onion quartered 1 whole head garlic chopped 1 tsp. whole pepper corn 3 pcs. dried laurel leaves 1 8g sachet maggie magic sarap 1/2 cup rock salt Paraan ng pagluluto: 1. Pagsamahin lahat ng sangkap sa isang kaserolang may tubig. Dapat lubog ang pata sa tubig. Hayaang kumulo hanggang sa lumambot. A.1 Kung sa turbo broiler lulutuin, i-set ang temperature sa 350 degrees at lutuin ng mga ...

PUMPKIN and CHICKEN SOUP

Image
Last June 20, nag-celebrate ng 20th Anniversary ang kumpanyang pinapasukan ko. Ito ay ang Megaworld Corporation. Syempre kapag ganitong mga okasyon hindi mawawala ang kainan. Ang nag-cater ng food namin ay ang sister company din ng company na Shanghai Bistro. Masarap naman ang lahat ng food (Chinese dishes) at isa sa mga nagustuhan ko ay yung pumpkin and chicken soup nila. Sabi ko sa sarili ko, mukhang kaya ko namang lutuin ito. At yun nga ang ginawa ko the following day. Ito ang soup na niluto ko kasama ang main dish na shrimp & vengie tempura. Try nyo ito, masarap at kakaiba. PUMPKIN and CHICKEN SOUP Mga Sangkap: 1 cup grated Kalabasa (or pwede din i-blender) 1 cup giniling na manok 1 pc. Knorr Chicken cube 2 cloves minced garlic 1 medium size red onion finely chopped 3 tbsp. butter 1/2 cup cornstarch salt and pepper Paraan ng Pagluluto: 1. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa butter 2. Ilagay ang giniling na manok at halu-haluin hanggang sa pumuti ang kulay ng manok...

SHRIMP & VEGIE TEMPURA in Mayo-Garlic Dip

Image
Here's another dish na masasabi kong espesyal talaga. Actually, hindi naman masyadong komplikado ang pagluluto nito, pero dahil na rin sa mahal ng hipon o sugpo kaya ito mas naging espesyal. Kagaya nitong niluto ko, 1/2 kilo ito for P200. Sa loob-loob ko, baka mabitin ang asawa ko at mga anak sa pagkain kung konti lang. Ang ginawa ko, nilagyan ko ng extender. Hindi para sa hipon ha kundi mga gulay na pwedeng i-prito din. And you know what? Masarap pala ang vegetable tempura. Sa masarap na timpla ng batter mix, masarap ang kakalabasan. Yun lang ang problema ko hindi ako marunong gumawa ng sawsawan ng tempura. Wala ako nung mga sangkap. So ang ginawa ko, mayo-garlic na lang. At masarap din pala ito dito. Try nyo ito, masarap talaga lalo na pag-bagong luto. SHRIMP & VEGIES TEMPURA in MAYO-GARLIC DIP Mga Sangkap: 1/2 kilo Hipon o Sugpo (alisina ang ulo at balat) Sliced carrots, kalabasa, patatas, kamote or baguio beans (dapat manipis lang ang hiwa) 1 cup all purpose flour ice cold ...

BUKO PANDAN

Image
Ang dali-dali lang ng entry natin for today. Isang pang-himagas na pwedeng-pwede na ihain sa mga espesyal na okasyon. Just like me, paborito ko ito....hehehehe Noon ko pa binabalak na gawin ang dessert na ito. Meron pa kasi akong Mr. Gulaman na natira last christmas. Kulay green at ito nga ang balak kong gawin dito. Nung first time kong ginawa ito, medyo hindi maganda ang kinalabasan. Madali kasing napanis. Hindi ko alam kung bakit...Dahil siguro fresh buko ang ginamit ko dito. Ewan ko lang. Dito sa ginawa ko, mga bottled sweet buko ang ginamit ko. Sinamahan ko na din ng sweet nata de coco para mas masarap ang kalabasan. At hindi nga ako nagkamali. At isa pa, fresh pandan leaves ang ginamit ko kaya natural na natural ang lasa ng pandan. BUKO PANDAN Mga Sangkap: 2 cups. of bottled sweet coconut strips 2 cups. of bottled sweet nata de coco 1 sachet Green Mr. Gulaman powder mix 1/2 cup of sugar 6 cups of water 2 pcs. Fresh Pandan Leaves 1 small can all purpose cream 1 small can alask...

ARROZ VALENCIANA

Image
Matagal ko nang binalak na magluto ng valenciana. Sa totoo lang first time ko itong niluto at masarap naman ang kinalabasan. Salamat na din sa mga nabasa ko na sa net at sa aking kapatid na masarap ding magluto nito. Gustong-gusto ko nito kasi nga malasa ang kaning malagkit dahil sa flavor ng mga sangkap. Ang Arroz Valenciana ay parang Paella din. Yun lang ang Paella ay seafoods ang sahog, samantalang ito Valenciana ay laman at atay ng manok. Pero ang paraan ng pagluluto nito ay halos pareho lang. Sa ibang lugar naman ang tawag dito ay Bringhe. Pero ang pagka-alam ko luyang dilaw ang ginagamit nila para magkakulay ang kanin ng bringhe. Napag-pasyahan ko palang magluto nito dahil birthday ng aking biyenan na si Inay Elo. 85 years old na siya at naipangako ko sa kanya na ipagluluto ko siya nito. At eto nga, natuloy din ang noon ko pa binabalak na lutuin. ARROZ VALENCIANA Mga Sangkap: 2 cups Bigas na Malagkit 2 cups Ordinaryong Bigas (Jasmin na bigas ang ginamit ko dito) 1/2 kilo chicken ...

Chicken, Mushroom & Potatoes in Creamy White Sauce

Image
Eto na naman ang isang dish na masasabi kong experimental.....Basta inilagay ko lang kung ano ang available sa fridge and presto may ulam na kami. At puring-puri ng mga anak ko ha. Hehehehehe....Walang nang herb or spices akong inilagay. Kung baga basta gisa-gisa lang siya and ayun. It's a simple dish na napaka-daling lutuin. Try nyo! Masarap din itong pambaon ng mga kids at tayo na din. Yung picture sa itaas ay nung niluluto ko ito at wala pa yung milk. CHICKEN, MUSHROOM & POTATOES in Creamy White Sauce Mga Sangkap: 1 kilo chicken thigh fillet 3 pcs. patatas (Hiwain ng apat) 1 big can Jolly whole button mushroom (hiwain sa gitna) 1 small can Alaska Evap (Yung red label ha) 3 cloves minced garlic 1 medium size onion chopped 1 thumb size ginger grated 4 pcs. calamansi salt and pepper butter for frying 1 tsp. cornstarch Maggie magic Sarap (optional) Paraan ng pagluluto: 1. I-marinade ang chicken fillet sa asin, paminta, calamansi juice at maggie magic sarap ng mga isang oras. Mas...

BEEF STEW - Simple lang

Image
Wala akong maitawag na pangalan sa entry natin for today. Kasi ba naman up to the last minute hindi ko alam kung papanong luto ang gagawin ko sa beef cubes na ito. Komo ako nga ang naghahatid sundo sa mga anak ko sa school, wala na akong time para makabili pa ng mga rekado na ilalagay sa dinner namin. So ang nangyari, kung ano na lang ang available sa fridge yun na lang ang ginamit ko. Ang ginawa lang ng helper ko ay igisa ang beef sa bawang at sibuyas at saka pinalambot ang karne. So eto nga ang nangyari, 2 luto ang pinag-iisipan kong gawin sa beef cubes na ito. Beef curry o kaya naman Beef with Mushroom in Oyster sauce. Nang i-check ko ang fridge, may nakita akong baguio beans at patatas. Meron din tomato tomato sauce at dried rosemary pa. So ayun, pinag-halo-halo ko lang yun at isang masarap na ulam ang kinalabasan. hehehehe. BEEF STEW - Simple Lang Mga Sangkap: 1 kilo Beef cubes 1 Sachet Del Monte tomato sauce filipino style 2 pcs. medium potato quartered 250 grams. Baguio beans cu...

Fried Chicken with Home made Gravy

Image
Ang mga bata, basta fried chicken ang ulam siguradong taob ang kaldero ng kanin...hehehehe. The same with my 3 kids. Piniprito ko pa lang ang manok, kanya-kanya na silang turo kung alin ang mapupunta sa kanila. Sabagay, kahit sino naman siguro, talagang paborito ang pritong manok. Maraming recipe o pamamaraan sa pagluluto ng pritong manok o fried chicken. Depende na lang siguro sa ating panlasa kung papaanong luto ang gagawin natin. Yung iba gusto walang breadings...parang ala Max ang dating.....yung iba naman mas gusto nila yung fastfood like na crispy ang balat. Well sa mga anak ko kahit na ano basta pritong manok...hehehehe. At syempre pag may pritong manok dapat may sawsawan. Pwedeng ordinaryong catsup o kaya naman ay gravy. Sa entry kong ito, ituro ko din ang simpleng pag-gawa ng gravy para sa ating fried chicken. FRIED CHICKEN with HOME MADE GRAVY Mga Sangkap: 1 kilo Chicken legs (cut into 2 parts) 6 pcs. calamansi salt and pepper Maggie Magic SArap 1 cup all purpose flour 1/4 cu...

Turbo Broiled Pork Barbeque (Liempo)

Image
Noong iang araw pa ako natatakaw na kumain ng inihaw na baboy. Kaso, panay naman ang ulan at saan naman ako mag-iihaw? So dalawa lang ang naiisip ko na gawin. Lutuin ito sa turbo broiler o kaya naman i-pan grilled ko. Mas pinili ko na i-turbo na lang, pero syempre iba pa rin talaga ang luto na inihaw sa baga talaga. Maraming recipe na makikita tayo sa net sa pagluluto ng barbeque. Pero ako, mas pinili ko na i-marinade ito sa paraan na natutunan ko sa aking Inang Lina. Yun bang simpleng timpla lang. Walang kung ano-anong herb and spices. Kaya eto ang kinalabasan. Take note ang sekreto sa masarap na barbeque ay yung pagma-marinade ng karne. TURBO BROILED PORK BARBEQUE (Liempo) Mga Sangkap: 1 Kilo Pork Liempo thinly slice and cut into half (Yung di masyading makapal ang taba) 1 head of minced garlic 6 pcs. calamansi (juice) 1/2 cup chopped lemon grass or tanglad (White lower portion) 1 cup of soy sauce 1 tbsp. pamintang durog 1/2 cup brown sugar salt Paraan ng Pagluluto: 1. Paghaluin ang ...

Tokwa at Kalabasa in Oyster Sauce

Image
Eto ang isang pagkain na ayos na ayos sa mga nagda-diet o kaya naman sa mga taong nagbabawas sa pagkain ng baboy. Bukod pa sa napakadali nitong lutuin, simple lang ito pero masarap. At matipid din...hehehe. Magkano lang naman ang kalabasa at tokwa? Masarap ito sa pritong isda o pritong porkchop. Pero pwede din itong kainin as isang ulam. Try nyo masarap ito. Ano ba naman ang hindi sasarap pag may oyster sauce na kasama? hehehehe. TOKWA at KALABASA in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1/4 kilo Kalabasa cut into small cubes 3 pcs. Tokwa cut also into small cubes 3 tbsp. Oyster Sauce 1 clove minced garlic 1 small red onion chopped salt and pepper Maggie Magic Sarap (Optional) Paraan ng Pagluluto: 1. I-prito ang tokwa sa kumukulong mantika. Hanguin sa isang lalagyan. 2. Sa isang kaserola o kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika o butter. 3. Ilagay ang kalabasa... timplahan ng asin at paminta...lagyan ng kaunting tubig at takpan. 4. Kung malapit ng maluto ang kalabasa, ilagay ang t...

Crispy Liempo with Rosemary

Image
Isa na namang simpleng lutuin pero punong-puno ng lasa at linamnam......hehehehe. Okay ba sa intro? Actually, ganun ko gustong i-describe ang lutuing ito. Simpleng prito pero masarap. Sabi nga, hindi kailangang gumastos ng mahal para makakain ka ng masarap. At ito yun....hehehehe. Nung isang araw, nag-ka-chat kami ng kumare kong si Kate Avila. Mukhang disidido talaga siyang matutong magluto ng masasarap na putahe...hehehehe. At nabanggit din niya na mag-post daw ako ng mga ulam na pwedeng pambaon ng mga bata. At eto ang isa sa mga pwedeng pambaon ng mga bata at ng mga matatanda na din....hehehehe. CRISPY LIEMPO with ROSEMARY Mga Sangkap: 1 kilo Pork Liempo (Piliin nyo yung hindi makapal ang taba) hiwain ng mga 2 to 3 inches na haba 2 tbsp. dried rosemary 5 pcs. calamansi salt and pepper 1 8g sachet maggie magic sarap 2 cups all purpose flour 1/2 cup cornstarch cooking oil for frying Paraan ng pagluluto: 1. I-marinade ang liempo sa asin, paminta, dried rosemary, maggie magic sarap at ca...

Fish Fillet with Creamy-Mayo-Herbed Sauce

Image
Gustong-gusto ko ang Cream of Dory na fish. Masarap ang laman niya lalo na sa mga lutuing may sauce. Hindi ko alam kung mayroon nito sa mga palengke pero marami nito sa mga supermarket kagaya ng SM, Shopwise o kaya naman sa Rustans. Medyo may kamahalan ng kaunti pero sulit naman kapag natikman nyo na...hehehehehe Eto ang isang recipe na hindi ko alam kung mayroon na talaga. So inilagay ko ang recipe kong ito as experimental. Nung una kasi dapat i-pi-prito ko siya na may harina at itlog, pero naisip ko masyadong matrabaho. So isip-isip at eto nga ang kinalabasan. Masarap siya. Nagustuhan nga ng anak ng kapitbahay kong si JR. Kung ganun daw kasarap ang ulam niya araw-araw ay baka lumobo daw siya....hehehehe. FISH FILLET with CREAMY-MAYO-HERBED SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Fish Fillet (Cream of Dory ang ginamit ko dito. Pwede din ang kahit anong white meat fish) 3 pcs. calamansi 1/2 cup mayonaise 1/2 cup Alaska Evap (yung red ang label) a bunch of spring onions (cut into 1 inch long) 2 t...

Sinampalukang Manok: My childhood version

Image
Maraming pagkaing Pilipino ang mayroong maraming version. Katulad ng sinigang, may sinigang sa sampalok, mayroon naman sa kamyas, yung iba nga sa bunga ng santol o kaya naman sa calamansi. Siguro nangyayari ito depende na lang sa kung ano ang marami sa lugar na pinaglulutuan. Salamat at nauso ang mga instant sinigang mix..hehehehe. Pero syempre, iba yung lasa kung sa tunay na sangkap ito manggagaling. Katulad ng recipe natin for today. Nung bata pa ako, natatandaan ko, laging nagluluto nito ang aking Inang Lina lalo na kung tag-ulan. Marahil ay dahil sa pa-usbong ang mga puno ng sampalok dahil sa ulan. Inuutusan ako ng Inang ko na manguha ng usbong nito para ilagay niya sa sinampalukang manok bilang pang-asim. At alam nyo, ang sarap-sarap nito lalo na kung mainit na mainit ang sabaw. Masarap din ito kung native na manok ang gagamitin. SINAMPALUKANG MANOK Mga Sangkap: 1 whole Chicken cut into serving pieces 100 grams. Usbong ng Sampalok (Gayatin ng pino) 1 taling sitaw 2 thumb size Ging...

Beef Steak / Bistek with a Twist (Pambaon)

Image
Dito ako sa Makati nag-wo-work. Mag-10 years na din ako dito. Alam naman natin at medyo mataas ang standard of living dito. Ang isang kain nga sa jollyjeep P55 pesos na. Isang kanin lang yun at ulam di pa kasama ang softdrinks. Kaya naman mas mainam siguro na magbaon na lang. Ganun ang ginagawa ko. Yung niluluto kong ulam for dinner, dinadagdagan ko na lang para may pambaon sa kinabukasan. Itong recipe natin for today ay ulam namin nung isang gabi. At eto nga baon ko naman the following day. Nung kinukuhanan ko nga ng picture sabi ng asawa ko ang pangit daw na pinaglagyan ko, sabi ko naman yun ang theme nung entry ko na ito, pambaon na food. Hehehehe. Kagaya nung nasa title, may twist akong ginawa sa recipe na ito. Actually it's an ordinary bistek recipe pero nilagyan lang ng fresh basil leaves. And you know what? Mas sumarap ang ating ordinaryong bistek. Try nyo..... BEEF STEAK / BISTEK with a TWIST Mga Sangkap: 1 kilo Beef thinly sliced 6 pcs. calamansi (juice) 1/2 cup soy sauce ...

Fish and Tofu in Oyster Sauce version 2

Image
Hindi ko akalain na ganito kasarap ang kakalabasan sa luto kong ito. Wala kasing gisa-gisa akong ginawa. Basta tambog-tambog lang and presto tapos ang ulam namin for dinner. Sa tingin ko dalawang bagay lang kung bakit ito naging masarap. Una syempre ay ang sangkap na pagmamahal....hehehehe. At pangalawa, ay ang oyster sauce na ginamit ko. Mama Sita na brand pala ang ginamit ko (walang bayad to ha...hehehe). Sa pagluluto kasi, dapat ang unang nasa isip mo ay ang kakain ng iyong niluluto. Dapat nasa puso mo na dapat ay masarapan sila o masiyahan sa iyong ihahain. Sa pamamagitan nito, mas sumasarap ang lutuin kahit pa kulang-kulang ang mga sangkap na ginagamit. At sa palagay ko ay ito ang nangyari sa recipe natin for today. FISH & TOFU in Oyster Sauce Mga Sangkap: 250 grams Fresh Tuna Fillet hiwain na pa-triangulo 2 tbsp. flour 1 egg 4 pcs. Tofu or Tokwa - hiwain na pa-triangulo 1/2 cup Oyster sauce 1/2 cup spring onions cut into 1 inch long 3 pcs. calamansi salt and pepper 1 tbsp sug...

PASTA with HAM and BASIL

Image
Remember yung posting ko about sa na-udlot na get together ng mga classmates ko nung high school? Eto ang isa sa dapat iluluto ko para sa kanila. Kaya ayun, naging breakfast namin ito last Saturday at may kasamang mainit na pandesal. Sarap....hehehehehe. PASTA with HAM anf BASIL Mga Sangkap: 500 grams. Spaghetti pasta 250 grams Sweet Ham cut into strips 1 cup Fresh basil Leaves chopped 1 cup grated cheese 3 tbsp. minced garlic 1 large onion chopped 1/2 cup olive oil 1/2 cup butter salt and pepper 1 8gram sachet maggie Magic sarap (optional) Paraan ng pagluluto: 1. Iluto ang pasta ayon sa tamang paraan. Huwag i-over cooked. 2. Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa butter 3. Ilagay ang ham at chopped basil leaves. Halu-haluin 4. Ilagay ang gibisang sangkap sa nilutong pasta. 5. Lagyan ng asin, paminta, maggi magic sarap at olive oil. Halu-haluin hanggang sa kumalat sa pasta ang mga sahog. 6. Tikman. Lagyan pa ng asin at paminta kung kinakailangan. Ihain na may grated cheese sa ...

ADOBONG MANOK na may Tanglad (Aksidente lang)

Image
RN-0609-008 Nag-plano ng get together ang mga classmates ko nung high school at sa bahay namin napagkasunduan nila itong gawin. Magdadala sila ng mga pagkain at syempre ako din kailangan kong mag-luto ng share ko. Dalawang dish lang ang naisip ko na i-share. Pasta with ham & basil at Turbo broiled chicken. Bisperas pa lang, binili ko na ang mga gagamitin at nag-marinade na rin ako ng 2 manok na itu-turbo ko (Please check entry for Antons Chicken for the marinade mix). Sa di inaasahang pangyayari, hindi natuloy ang get together. May kalakasan kasi ang ulan nun at marami sa a-attend sana ay manggagaling pa ng Bulacan. Yung isang manok natuloy na i-turbo at yun ang dinner naming nung isang gabi. Ano naman ang gagawin ko sa isang manok pa? At dun nauwi ang recipe natin for today. Adobong Manok sa Tanglad at aksidente lang…..hehehehehe. ADOBO MANOK na may Tanglad (Aksidente lang) Mga Sangkap: 1 whole chicken cut into serving pieces 1/2 cup soy sauce 8 pcs. calamansi (juice) 3 tbsp. min...

TALANGKANIN (Aligue Rice)

Image
RN-0609-07 Nanonood ba kayo ng teleseryeng Only You sa Channel 2? Yung ang bida ay sina Angel Locsin, Sam, Milby at Diether Ocampo. (Showbiz ano po? Hehehehehe). Doon ko nakuha ang recipe natin for today. Actually, wala naman talaga exact recipe na pinakita dun. Basta ang ginawa ko lang kinuha ko yung pangunahing sangkap at yun ay ang taba ng talangka. Natatandaan ko nung araw, kapag ganitong tag-ulan, usong-uso ang talangka sa aming bayan sa Bocaue. Ito yung maliliit na crab na masarap ang aligue at inilalamas sa mainit na kanin. Burong talangka ang tawag sa amin dito. Binubuhusan lang ng kumukulong tubig ang talangka at presto yun na ang ulam naming. Ganito din ang ginawa ko sa recipe na ito. Madali lang, pero masasabi ko at maipagmamalaki ko na masarap talaga. TALANGKANIN (Aligue Rice) Mga Sangkap: 4 cups na lutong kanin (Jasmin rice ang ginamit ko ditto) ½ cup taba ng talangka (Yung bottled na nabibili sa supermarket) 1 tbsp. minced garlic 1 medium size onion chopped 2 tbsp. butter...

BEEF with BASIL in COCONUT MILK

Image
Isa na namang lutuin na hindi ko alam kung may ganito talaga. Hehehehe. May nabasa kasi ako sa isa ding food blog. Doon naman chicken ang ginamit. So why not sa beef? Nakakasawa na din kasi ang nilaga o kaya naman caldereta o afritada sa beef. So bakit hindi natin gawan ng kakaiba para naman hindi nakasawa. Subok ko na ang dahon ng Basil sa aking mga lutuin. Kahit sa mga pasta o kaya naman lutuin may tomato sauce, panalo ang nagiging lasa nito. Ewan ko ba, na-inlove na nga ata ako sa dahon na ito....hehehehehe. Try nyo ito at tiyak kong magugustuhan ninyo at ng inyong pamilya.... BEEF with BASIL in COCONUT MILK Mga Sangkap: 1 kilo Beef cut into cubes 2 pcs. potato quartered 1 carrots cut into cubes 1 cup fresh basil leaves 1 can green peas or guisantes 1/2 cup celery chopped 2 cups pure coconut milk 1 tbsp. minced garlic 1 medium onion chopped 1/2 cup butter salt and pepper Paraan ng Pagluluto: 1. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa butter 2. Ilagay ang baka, lagyan ng ...

SISIG PASTA

Image
Ito ang mainam sa pasta, napaka-flexible niya na lutuin. Ibig kong sabihin, marami kang pwedeng isahog o i-mix dito. Kung baga, endless ang sangkap na pwede mong ilahok dito. May nabasa nga ako sardinas ang inilagay. Minsan naman tinapang isda. Well, nasa sa atin na yun kung gaano ka wild ang imagination natin.....hehehehe. Kagabi, may natira pa kaming sisig, so naisip ko lang bakit hindi ko isama ito sa pasta? At eto na nga ang kinalabasan. Sisig Pasta. Try nyo ito. Kung may pizza na sisig flavor why not pasta with sisig? Masarap ito....promise. SISIG PASTA Mga Sangkap: 250 grams. spaghetti pasta 1 cup cooked Pork Sisig 1 tsp. minced garlic 1 small onion chopped 1 tsp. chopped fresh basil leaves 1/2 cup grated cheese 1 tbsp. butter olive oil salt and pepper Maggie magic sarap (optional) Paraan ng Pagluluto: 1. Iluto ang pasta sa naayong paraan. I-drain at ilagay sa isang lalagyan. 2. Sa isang kawali, igisa sa butter ang bawang at sibuyas. 3. Ilagay ang sisig at chopped basil leaves at...

BATCHOY TAGALOG

Image
Kapag sinabing batchoy, ang una agad nating naiisip ay yung la paz batchoy ng Ilo-ilo na isang uri ng pagkain na may noodles, chicharon sa ibabaw, itlog at masarap na sabaw. Masarap na kainin ito lalo na ngayon maulan ang panahon. Pero alam nyo ba na sa amin sa Bulacan ang batchoy ay isang ulam na may sabaw. Ang pangunahing sangkap nito ay lomo o porkloin at mga lamang loob ng baboy katulad ng lapay, atay at bato. Nilalahukan din ito ng dugo ng baboy pero yung mga buo-buo lang. Kung hindi kasi magiging dinuguan ang batchoy nyo...hehehehe. Sa recipe nating ito for today, hindi ko nilagyan ng dugo at ibang lamang loob. Lomo lang at atay ang aking ginamit at nilagyan ko ito ng misua at sayote. Masarap ito talaga. Isa ito sa mga paborito kong ulam lalo na pag niluto ito ng namayapa kong Inang Lina. BATCHOY TAGALOG Mga Sangkap: 3/4 kilo Pork lomo cut into strip 1/4 kilo Pork liver cut into strip also 1 large sayote cut into cubes 2 pcs. misua dahon ng sili 2 tbsp. ginger cut like match stic...

TAPUSAN SA BATANGAS

Image
Taun-taon, tuwing sasapit ang buwan ng Mayo, ipinagdiriwang sa buong Pilipinas ang tinatawag nating Santa Krusan at Flores de Mayo. Ito ay ang pagbibigay puri sa ating Inang si Maria. Pero marami ang nagkakamali sa pagtawag sa pagdiriwang na ito. Akala nila ay pareho lang ito. Ang Santa Krusan sa pagkakaalam ko ay ang prusisyon ng matagumpay na pagkakatagpo ni Reyna Elena sa krus na pinagpakuan kay Hesus. Ang prusisyong ito ay binubuo ng mga sagala na may mga titulo katulad ng Reyna Banderada, Reyna Hustisya, Reyna Delos Flores at marami pang iba. Ang Flores de Mayo naman ay sagala ng mga naggagandahang dalaga ng baryo na may dalang mga bulaklak na iniaalay nila sa imahen ng Birheng Maria. Sa lugar ng aking asawa sa Lapo-lapo 2nd, San Jose, Batangas, taun-taon ay ginagawa nila ang katulad nitong pagdiriwang ngunit ang tawag nila dito ay Tapusan. Di katulad sa amin sa Bocaue, Bulacan, 9 na araw na novena ang ginagawa at sa ika-9 na araw dun ginagawa ang sagalahan. Dito sa Batangas iba. ...

TUNA FILLET with CHEESY ALIGUE Sauce

Image
Hindi ko alam kung may kapareho ang recipe natin for today. Tuna Fillet with Cheesy Aligue Sauce. Ewan ko basta naisip ko lang na gawin ito. Nakabili kasi ako ng fresh na fresh na tuna fillet at naisip ko na masarap ito na i-prito sa butter at kailangan ng masarap na sauce. Nung una, cheesy herbed sauce ang naisip ko. Although masarap talaga yun, pero nagawa ko na ito at nai-post ko na din dito sa ating blog. So, ng makita ko ang bottle ng aligue na gagamitin ko sana sa aking Aligue Rice, bakit hindi ito na lang ang gamitin ko? Masarap at malasa ito lalo na kung lalagyan mo ng cheese. At ito na nga ang kinalabasan. And you know what? Nagustuhan talaga ng mga anak ko lalo na ang panganay kong si Jake. Try nyo ito at tiyak kong magugustuhan nyo din. TUNA FILLET with CHEESY ALIGUE Sauce Mga Sangkap: 1 kilo Tuna Fillet cut into serving pieces 1/2 cup Aligue ng Talangka 1/2 cup grated cheese 1 cloves minced garlic 1 small onion chopped 1/2 cup butter 1 tsp. dried rosemary salt and pepper 1...

PORK STEAK with Dried Basil

Image
Lagi kong sinasabi (para sa akin ha), walang eksaktong recipe sa mga pagkaing ating niluluto. Kung baga, ang recipe ay guide lamang kung ano ang mga kinakailangan at kung papaano ito lulutuin. Di ba nga marami tayong pagkain na maraming version? Depende kasi ito kung nasaan kang lugar at kung ano ang available na sangkap sa lugar na yun. At lagi ko ding sinasabi, kailangan natin ng kaunting imahinasyon at eksperimento para makabuo tayo ng isang masarap na lutuin. Mainam ito para maiba naman ang ating kinakain sa araw-araw. Ikaw nga, ordinary food with a twist. Ganito ang ginawa ko sa recipe natin for today. Instead na ordinaryong prito o bistek ang luto na gawin ko sa porkchop, bakit hindi ko lagyan ng twist. At eto nga ang nangyari. Isang masarap na pork steak na hindi pangkaraniwan ang sarap. PORK STEAK with Dried Basil Mga Sangkap: 1 kilo Pork chop Juice from 6 pcs. calamansi 1/2 cup soy sauce 1 tbsp. Dried Basil 1 tbsp. minced garlic 1 large red onion chopped 1 large red onion cut...

PASTA CARBONARA version 2

Image
Nung isang araw ni-request ng kapitbahay kong si Ate Joy na ipagluto ko siya ng Pasta Carbonara. Birthday kasi ng kapatid niyang madre na si Sister Mercy. Dadalhin daw niya sa kumbento. Komo ang supiryorya ni sister ay isang Italyana, minarapat kong sarapan talaga ang lutuing ito syempre para hindi naman tayo mapahiya. Pinakumpleto ko talaga ang mga sangkap. So eto nga ang kinalabasan. PASTA CARBONARA version 2 Mga Sangkap: 1 kilo Spaghetti Pasta 250 grams smoked ham cut into strip 250 grams bacon cut into small pieces 2 cans Nestle all purpose cream 1 tall can Alaska Evap (Red label) 1 tall can Sliced mushroom 1 bar cheddar cheese grated 1/2 cup butter 2 large red onion chopped 1 cloves minced garlic salt and pepper Maggie Magic Sarap (Optional) olive oil Paraan ng pagluluto: 1. Iluto ang pasta ayon sa tamang paraan. Huwag i-over cooked. Hanguin sa isang lalagyan. 2. Sa isang kawali o non-stick pan, i-prito ang bacon hanggang sa pumula. Hanguin sa isang lalagyan 3. Ilagay ang butt...

CHUNKY DINUGUAN

Image
Pinoy na pinoy ang recipe natin for today. Dinuguan. Sa amin sa Bulacan ang tawag dito ay tinumis. At katulad ng isa sa nauna kong nai-post na, Pinalabuan naman ang tawag dito sa Batangas. Bakit may Chunky pa sa pangalan? Kasi ba naman nung pinagayat ko sa palengke ang karne na gagamitin ko, napalaki ang hiwa. Sabagay, okay na din ito para maiba naman....hehehehe. CHUNKY DINUGUAN Mga Sangkap: 2 kilos Pork Liempo cut into cubes 3 cups of pigs blood 2 cups of vinegar 3 pcs. tomatoes 2 large onion 1 cloves minced garlic 6 pcs. sili pang sigang salt and pepper Maggie magic sarap (optional) Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang malaking kaserola, igisa sa kaunting mantika ang bawang, sibuyas ay kamatis. 2. Ilagay ang hiniwang baboy, lagyan ng asin at paminta, halu-haluin at hayaang masangkutsa. 3. Lagyan ng tubig at takpan. Hayaan ng mga ilabng minuto. 4. Ilagay ang suka at takpan muli. Huwag hahaluin para hindi mahilaw ang suka. 5. Hayaan kumulo hanggang sa maluto ang karne. 6. Kung luto na ang...

Ate Jo's Despedida Party

Image
Last May 28, isinama ako ng aking wife na si Jolly sa despedida party ng ka-officemate nilang si Ate Jo. Mag-ma-migrate na kasi sila sa Canada and sa June 5 ata ang alis nila. Ito ang nakakatuwa sa kanila, talaga pinahahalagahan nila ang bawat isa sa kanila lalo na sa mga pagkakataong kagaya ng ganito. Ayun nag-contribution sila para sa pagkain, at nakakatuwa naman dahil dumating kahit yung nasa malayo nilang branch sa Alabang. Siyanga pala, sa Perez Optical sila nag-wo-work. Yung picture pala sa itaas ay sina from left, Jors, si Ate Jo, my wife Jolly, Bheng, Jena at yung nasa itaas naman ay si JL. Yung guy na naka-gray na t-shirt ay si Kuya Willy. Siya ang husband ni Ate Joe. Ofcourse masasaya ang lahat..at masarap ang food. Also in the pict...from left... Mareng Kate, Helen and Josie. Ang pagkaing pinagsaluhan pala ay: Shrimp in Sprite, butter and garlic, pancit malabon, barbeque, menudo and syempre cake from red ribbon. Nagustuhan ko yung menudo. Masarap ang pa...