A NIGHT with GREAT MOMS and DELICIOUS FOOD
Last Sunday May 13, 2012 was Mother's Day. Isang araw bago ito ay umuwi nga kami ng Batangas para sa alayan ng bulaklak para kay Mama Mary. Sunday ng tanghali naunang bumalik ang aking asawang si Jolly sa Manila dahil may work pa siya. Sa hapon naman ako umuwi. Hindi ko sinabi sa kanya na dadaanan ko siya sa work niya para mag-dinner kami in celebration nga ng Mother's Day. Nung malapit na ako sa Makati, tinext niya ako na nagkayayaan sila ng kanyang mga katrabaho na mag-dinner sa labas. At yun na nga ang nangyari, ako ang nalibre sa dinner. hehehehe. Ofcourse hindi ko naman nakalimutan ang flowers para sa kanya. Sa Modern China restaurant sa Glorietta 4 sa Ayala Center sila napagpasyahang kumain. Maganda yung place and puno talaga nung dumating kami. Set-menu ang in-order nila. Kilala din pala sila nung executive chef ng restaurant na yun. Kaya naman bukod...