Posts

Showing posts with the label seafoods

TORTANG ALIMASAG (Crab Meat)

Image
Nitong nakaraan kong pamamalengke may nakita akong himay na na laman ng alimasag (crab) na ibinebenta sa parte ng mag-iisda.   Kahit hindi ko pa itinatanong kung magkano ang kilo nito at napabili na ako agad at ang nasa isip ko lang ay masarap itong gawing torta.  Masarap ito na ang kasamang sawsawan ay patis na may calamansi o kaya naman ay toyo na may calamansi.   Pwede din naman ang sweet-chili sauce or ordinaryong catsup.   Try nyo din po. TORTANG ALIMASAG (Crab Meat) Mga Sangkap: 1/2 kilo Crab Meat / Hinimay na laman ng alimasag 2 pcs. medium size Potatoes (cut into small pieces) 1 cup Green Peas 1 pc. large size Red Bell Pepper 4 pcs. Calamansi 3 tbsp. Soy Sauce 5 cloves Minced Garlic 1 pc. White Onion (chopped) 2 pcs. Tomatoes (diced) 3 tbsp. Canola Oil / more for frying Salt and pepper to taste 1 tsp. Maggie Magic Sarap 5 pcs. Fresh Eggs (beaten) Paraan ng pagluluto: 1.    Sa isang kawali igisa ang bawang, sibu...

HALABOS na HIPON sa GATA

Image
Ito ang isa pa sa mga dish na niluto ko para sa aking nakaraang kaarawan.   Halabos na Hipon sa Gata. Ang paghahalabos ang pangkaraniwang luto na ginagawa natin sa hipon.   Madalas asin lang ang inilalagay natin at kaunting tubig at pakukuluan o steam lang ng kaunti.   Pero pwede din na maglagay pa tayo ng kung ano-anong pampalasa pa para sumarap ito. Yung iba ginigisa pa ito sa butter at nilalagyan ng 7Up o Sprite,   Yung iba naman maraming bawang o mga herbs na pampalasa. Sa version kong ito, gata ng niyog naman ang aking ipinang-halabos.   Nilagyan ko din ng chili-garlic sauce para may kaunting sipa sa bibig ang lasa.   For me, ito ang panalong luto sa hipon. HALABOS na HIPON sa GATA Mga Sangka: 1 kilo Medium size Shrimp 2 cups Kakang Gata ng Niyog 1 tbsp. Chili-garlic sauce 1 thumb size Ginger (cut inti strips) 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Onion (sliced) 2 tbsp. Cooking Oil or melted Butter Salt and pep...

SINIGANG na HIPON sa KAMIAS

Image
Nitong huling uwi ko sa aming bahay sa Bocaue, Bulacan, napansin ko itong puno ng kamias sa bakuran ng aking Tita Melda na hitik sa bunga. Naalala ko tuloy noong araw na maliliit pa kami, katu-katulong kami ng aming Mama Tinay na mamitas ng bunga nitong kamias at pagkatapos ay pinipiga namin yung katas at ginagawa namang minatamis.   Yes.  Ganun na katanda ng puno ng kamyas na ito. Kaya naman hiniling ko sa aking tita na pipitas ako nito para madala pabalik ng Maynila. Tamang-tama kasi may nabili namang hipon na suahe ang aking asawang si Jolly at ayos na isigang ko ito sa kamias nga. Ang sarap.   Tamang-tama lang yung asim.   Ang tagal ko na ding hindi nakatikim ng sinigang sa kamias.   Madalas kasi ay yung instant sinigang sa sampalok mix ang aking ginagamit. SINIGANG na HIPON sa KAMIAS Mga Sangkap: 1 kilo Hipon (Suahe) Kamias (depende sa asim na gusto nyo) 3 pcs. Tomatoes (quartered) 2 pcs. Onion (quartered) Labanos ...

SQUID RINGS in OYSTER SAUCE

Image
May nabiling pusit ang asawa kong si Jolly na medyo may kalakihan.   Ito ata yung pangkaraniwang ginagawang calamares sa mga resto o paluto store. Gusto ng mga anak ko ang calamares pero medyo matrabaho ito at nangangailangan ng medyo maraming mantika sa pagpi-prito. Kaya naisip ko na lutuin na lang ito with oyster sauce.   At hindi naman ako nagkamali, masarap ang kinalabasan ng aking seafood dish.   Sabagay, ano ba ang mamamali kapag nilagyan mo ng oyster sauce?    Hehehehe SQUID RINGS in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo large size Squid (cut into rings) 3 tbsp. Oyster Sauce 1 thumb size Ginger (cut into strips) 5 cloves Minced Garlix 1 pc. large White Onion(sliced) 1 tbsp. Brown Sugar 1 tbps. Cornstarch Salt and pepper to taste 3 tbsp. Cooking Oil Leeks or Spring Onion to garnish Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang non-stick na kawali o kaserola igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika.   Halu-haluin n...

GINATAANG ALIMASAG na may SITAW at KALABASA

Image
Espesyal na ulam sa amin ang mga seafoods kagaya ng sugpo, alimango at alimasag.   Bukod kasi sa masarap naman talaga ang mga ito, yun lang talagang may kamahalan ang presyo nito.    Pero ako naman bastat masisiyahan ang ang pamilya na kakain ay okay lang. Kagaya nitong alimasag na iniulam namin nitong mga nakaraang Linggo.   Maganda kasi yung alimasag na nakita ko sa palengke at tamang-tama kako na lagyan ko ito ng gata ng niyog at samahan na din ng gulay na sitaw at kalabasa.   Tunay nga na nagustuhan ng aking pamilya ang dish na ito lalo na ang asawa kong si Jolly.   Ubos ang kanin.   hehehehe GINATAANG ALIMASAG na may SITAW at KALABASA Mga Sangkap: 1 kilo Alimasag (mas mainam yung babae) 2 cups Kakang Gata Kalabasa (cut into cubes) Sitaw (cut into 1 inch long) 2 thumb size Ginger (cut into strips) 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Onion (sliced) 3 tbsp. Cooking Oil 1/2 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and p...

GINATAANG LANGKA na may TOSTADONG HIPON

Image
First time ko pa lang nakapagluto nitong ginataang langka at masarap pala.   May nakita kasi akong itinitindang nahiwa na  na langka at tamang-tama kako na gataan ito.   Tamang-tama din at may crispy shrimps o tostadong hipon na pasalubong ng asawa kong si Jolly nung nanggaling siya ng Boracay.  Ito kako ang isasahog ko sa ginataang langka.   At ayos naman ang kinalabasan, masarap at malinamnam ang ginataang langka.   Ayos na ayos sa ano mang piniritong isda.    Ubos na naman ang kanin.   Hehehehe GINATAANG LANGKA na may TOSTADONG HIPON Mga Sangkap: 1/2 kilo Hiniwang Murang Bunga ng Langka 2 cups Tostadong Hipon 1 thumb size Ginger (cut ito strips) 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Onion (chopped) 4 pcs. Siling Pang-sigang 2 cups Coconut Milk - Unang piga 3 cups Coconut Milk - Pangalawang piga 3 tbsp. Cooking Oil 1/2 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. ...

SQUID in OYSTER SAUCE

Image
Pasensya na po kung hindi ako nakakapag-post ng recipe nitong mga nakaraang araw at linggo.  Medyo busy lang din po sa work at kung ano-ano pa.   Hehehehe Today, i-share ko po itong simpleng luto sa pusit.   Pangkaraniwan ay ina-adobo natin ito.   O kung medyo may kalakihan ang inyong pusit pwede din ito i-ihaw o i-calamares. Alam ko medyo naumay na tayo sa mga karne na ulam nitong nakaraang Pasko at Bagong Taon.   At sa mga naghahanap ng seafood dish, tamang-tama ang isng ito.   Try nyo din po.   SQUID in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Medium size Squid o Pusit (linising mabuti) 1/2 cup Oyster Sauce 1 cup Chopped Celery 2 thumb size Ginger (cut itno strips) 1 pc. Onion (sliced) 5 cloves Minced Garlic 2 tbsp. Brown Sugar Salt and pepper to taste 3 tbsp. Cooking Oil Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kawali o kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika. 2.  Isunod na agad ang pusit at oyster sauce. 3....

ARROZ VALENCIANA ala DENNIS

Image
Nitong nakaraang kaarawan ng pangany kong anak na si Jake, naisipan kong magluto nitong arroz valenciana.  Ang arroz valenciana ay para din lang paella na nag-origin sa Valencia sa Espanya.  Kinokonsidera na pagkain ito ng mahihirap noong araw komo sama-sama na ang kanin at ang ulam sa isang lutuan.  Butofcourse sa panahon natin ngayon na medyo sosyal kapag sinabing paella.  Para bang mayayaman lang ang nakaka-kain nito. Dito sa atin sa Pilipinas mayroon din tayong bersyon na tinatawag nating bringhe.   Kaning malagkit ito na kinulayan ng luyang dilaw na may sahog ding manok o karne at mga gulay kagaya ng patatas, carrots at iba pa. Sa version kong ito, pinaghalo ko ang paella at ang valenciana.   Bukod kasi sa karne nga baboy at atay, nilagyan ko pa ito ng tahong at hipon.   At for added twist, nilagyan ko din ito ng gata ng niyog para mas maging malasa.   Yan ang natutuan ko naman sa aking Inang Lina. Masarap ang rice dish na ito....

SPICY SHRIMP IN COCONUT MILK

Image
Ito ang isa sa mga dish na niluto ko para sa kaarawan ng panganay kong anak na si Jake.   Spicy Shrimp in coconut Milk. Wala sa original menu ang dish na ito.   Roasted Pork Belly, Fried Chicken at Lasagna lang talaga ang ihahanda ko.   Pero naisip ko na parang bitin yung handa kaya naisipan kong dagdagan nitong hipon nga at gumawa din ako ng paella valenciana. Masarap ang dish na ito.   Cayene powder ang ginamit kong pampa-anghang kaya tamang-tama lang yung anghang ng dish.   Nagustuhan nga ng mga bisita.   Hehehehe SPICY SHRIMP IN COCONUT MILK Mga Sangkap: 2 kilos Medium size Shrimp (alisin yung matulis na sungot at balbas) 2 cups Kakang Gata 1/2 tsp. Cayene Powder 2 thumb size Ginger (cut into strips) 5 cloves Minced Garlic 1 pc. large Onion (sliced) 3 tbsp. Cooking Oil 1/2 tsp. Maggie Magic Sarap (optional) Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kawali o kaserola, igisa ...

GINATAANG LANGKA na may HIPON ni TIYA GLORIA

Image
Isa sa mga dish na inihanda para sa amin nitong huling pagdalaw namin sa aking Tiyo Lando sa Daraga, Albay sa Bicol ay itong Ginataang Langka na may Hipon.   Hindi ako ang nagluto niyang picture na nasa itaas kundi ang aking Tiya Gloria.   Iyan ang mismong inihain sa amin sa unang araw namin sa kanila. Hindi ako madalas makakain nitong ginataang langka pero masarap pala.   May iba pang ulam na inihanda pero itong dish na ito ang marami akong nakain.    Malinamnam yung gata at tamang-tama lang ang anghang.   Talagang nagpasarap yung hipon sa kabuuan ng dish. Tuwing may nagugustuhan akong pagkain, pimipilit kong i-reconstruct yung dish at niluluto ko sa bahay.   At eto sa ibaba ang recipe ng sa palagay ko ay kung papaano ito niluto.   Please feedback your comments kung nagustuhan ninyo. GINATAANG LANGKA na may HIPON ni TIYA GLORIA Mga Sangkap: 1 kilo Ginayat na Murang Langka 1/2 kilo Hipon 3 cups Ka...

CRABS in SWEET CHILI-GARLIC-BUTTER SAUCE

Image
Ito ang isa pang dish na niluto nitong nakaraang birthday ng bunso kong anak na si Anton.   Crabs in Chili-Garlic Sauce. Kagaya ng hipon ang alimango ay espesyal din na ulam sa aming pamilya.   Bukod kasi sa may kamahalan din ang presyo nito e masarap naman talaga lalo na kung mataba o ma-aligue ang alimango.   Swerte naman at naka-jackpot ako nito sa Farmers Market.   Matataba at ma-aligue ang nabili kong alimango. CRABS in SWEET CHILI-GARLIC-BUTTER SAUCE Mga Sangkap: 1.5 kilos Alimango (female..linising mabuti) 2 tbsp. Chili-Garlic Sauce 1/2 cup Melted Butter 2 tbsp. Brown Sugar 2 thumb size Ginger (cut into strips) 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Large Onion (sliced) 1 tbsp. Cornstarch Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto:  1.   I-steam muna ang alimango sa isang kaserola na may tubig at asin ng mga 10 minuto.   Palamigin at saka hatiin o biyakin sa gitna. 2.   Sa isang kawali, igis...

SHRIMP in ZESTO ORANGE and OYSTER SAUCE

Image
A shrimp dish is always a treat for me and my family.  Kaya naman nitong nakaraang kaarawan ng bunso kong anak na si Anton ay ito ang isa sa mga niluto ko. Marami-rami na din akong shrimp dish sa archive pero ang isang ito ay nilagyan ko pa ng twist.  Ang ginawa ko yung Zesto Orange na nasa tetra pack ang isinabaw ko para maluto ang hipon.   At para dagdag na sarap nilagyan ko din ng oyster sauce. Winner ang dish na ito.   Nagustuhan nga ng mga bisita namin.   Try nyo din po. SHRIMP in ZESTO ORANGE and OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Medium to large size Shrimp (alisin yung sungot o balbas) 1 tetra pack Zesto Orange Juice Drink 1/2 cup Oyster Sauce 1/2 cup Melted Butter 2 tbsp. Brown Sugar 2 thumb size Ginger (cut into strips) 1 pc. Onion (sliced) 1 head Minced Garlic 1 tsp. Cornstarch Salt and pepper ot taste Paraan ng pagluluto: 1.   I-prito ang bawang sa butter hanggang sa ma-tusta.   Hanguin sa isang lalagyan...

SHRIMP in CHILI-GARLIC SAUCE

Image
Basta hipon ang ulam sa bahay, it's always a treat.   Kahit naman siguro sa ibang bahay.   Hehehehe.   Bakit naman?   Bukod kasi sa masarap ito, masarap di kasi ang halaga.   In other words, medyo mahal ang kilo nito.   Hehehehe.   Kaya nga yung suahe na lang ang biibili ko.   Yung sugpo kasi nasa P400+ ang per kilo.  Itong suahe nasa P300 lang. Kaya ng nung birthday ng aking asawa nagluto ako nitong hipon na ito na nilagyan ko ng chili-garlic sauce.    Alam ko kasi paborito niya itong hipon kaya kahit isang kilo ay nagluto ako.  Di ba ganun naman ang ginagawa ko palagi tuwing kaarawan ng aking mga mahal sa buhay?   Kung ano ang gusto nila yun ang niluluto ko. SHRIMP in CHILI-GARLIC SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Medium to large size Shrimp 1 tbsp. Chili-Garlic Sauce 1/2 cup Sprite Soda 1 thumb size Ginger (cut into strips) 1 head minced Garlic 1 pc. Onion (choppe...

BAKED TAHONG

Image
Ito ang appetizer na niluto nitong nakaraang kaarawan ng asawa kong si Jolly.  Baked Tahong. Dapat sana sasabawan ko lang ito pang-terno sa barbeque belly na niluto ko.   Pero nung sinabi ng may birthday na may darating nga daw siyang guest, naisipan kong i-bake ito at lagyan ng kaunting palaman para maging appetizer. Actually madali lang naman talagang gawin ito.   Basta ang pinaka-base na palaman ay butter o kaya naman ay cheese.   Pwede nyo ding lagyan ng mga herbs o spices na gusto nyo.   In this version of mine cheese, onions, tomatoes at red bell pepper ang aking inilagay.   Yummy talaga!!! BAKED TAHONG Mga Sangkap: 1 kilo large size Tahong 1 thumb size na Luya (pitpitin) 1 cup Grated Cheese 2 pcs. tomatoes (cut into small cubes) 1 pc large size White Onion (chopped) 1 pc. Red Bell Pepper (cut into small cubes) Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Pakuluan angtahong sa isang kaserol...

CALAMARES with BARBEQUE SAUCE

Image
Masarap talaga ang calamares o crispy pusit.   Di lang ito masarap na pulutan o appetizer, masarap din itong pang-ulam.   Yung iba pa nga ginagawa itong meryenda sa hapon kasama ang masarap na palamig.   Hehehehe. Pangkaraniwang ginagamit na sawsawan dito ay suka na may bawang at sili.   Pero na ty nyo na ba na barbeque sauce naman ang gamitin dito.   Sinubukan kong gawin ito nung minsang nagluto ako ng calamares sa Batangas.    Dahil pang-ulam ito barbeque sauce nga ang aking ginawang sawsawan.   At okay naman, masarap pa rin ang paborito nating calamares. CALAMARES with BARBEQUE SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Squid Rings 2 cups All Purpose Flour 4 pcs. Fresh Eggs (beaten) 1 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste Cooking oil for frying For the Barbeque Sauce: 1 tetra pack Clara Ole Hickory Barbeque marinade 5 cloves Minced Garlic 1 small White Onion (chopped) 1/2 cup Brown Sugar 1/2 Cup...

CRISPY SQUID RINGS (CALAMARES)

Image
Minsan talaga yung mga hindi inaasahang problema sa kitchen ay nagrere-resulta pa sa mas maganda at masarap na version g inyong niluluto. Kagaya nitong calamares na ito na aking niluto last Saturday.  Hindi ko alam na naubusan na pala ako ng harina at cornstarch na gagamitin ko nga para gumawa ng batter para sa calamares na ito.   Yung natira na harina ay parang 2 kutsara na lang at kulang na kulang talaga para sa aking lulutuin.   Naisip ko bigla yung natira ko pang glutinous rice flour na gagamitin ko sana sa pag-gawa ng palitaw o mga kakanin.   At yun nga ang aking ginamit.   Ang resulta?   Mas crispy ang kinalabasan ng aking calamares.  Try nyo din po. CRISPY SQUID RINGS (CALAMARES Mga Sangkap: 500 grams Frozen Squid Rings (available ito sa frozen section ng mga supermarket) 2 pcs. Fresh Eggs 2 cups or more Glutinous Rice Flour Cold Water 1 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste Cooking oil for fr...

CRABS and BOK CHOY in OYSTER SAUCE

Image
Sa mga panahon ng kuwaresma, pinipilit talaga naming hindi kumain ng karne para isang maliit na sakripsiyo sa mga mahal na araw.   Kaya lang, sakripisyo bang matatawag kung ito namang alimangong ito ang aking ipapakain sa aking pamilya?    Tingnan nyo naman ang aligue at taba ng alimango na ito.....hehehehe.   Huh!   Minsan lang naman...hehehe.   Gusto kasi ito ng aking asawang si Jolly kay ito niluto ko.    Hehehehe. CRABS and BOK CHOY in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1.5 kilos Female Crabs 250 grams Bok Choy 1/2 cup Oyster Sauce 1 tbsp. Brown Sugar 2 thumb size Ginger (cut into strips) 1 pc. large Onion (sliced) 5 cloves Minced Garlic Salt and pepper to taste 2 tbsp. Cooking Oil Paraan ng pagluluto: 1.   Linising mabuti ang mga alimango.   Gumamit ng brush kung kinakailangan para maalis yung mga putik at dumi sa katawan ng alimango. 2.  I-steam ito sa isang kaserolang may...

ALIMANGO HIPON at KALABASA sa GATA - Our Valentines Day Lunch

Image
Ang mga seafoods kagaya ng alimango at hipon ay mga pangulam na masasabi nating espesyal.   Bukod kasi sa masarap naman talaga ito medyo may kamahalin din ang presyo.   Kaya naman nitong nakaraang Valentines Day, ito ang ulam na aking inihanda para sa aming tanghalian. Niluto ko ito sa kalabasa at gata ng niyog.   Niluto ko muna ang kalabasa sa kaunting gata hanggang sa madurog na naging pinaka-sauce ng alimango at hipon.   Ang sarap talaga ng kinalabasan.   Sauce pa lang ay ulam na kung baga.   Hehehehehe.   Try nyo din po. ALIMANGO HIPON at KALABASA sa GATA - Our Valentines Day Lunch Mga Sangkap: 1 kilo Alimango (yung babae ma mainam) 1/2 kilo Medium to large size na Hipon (alisin yung sungot o balbas) 250 grams Kalabasa (cut into cubes) 4 cups Pure Coconut Cream 2 thumb size Ginger (cut into strips) 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Large size Onion (sliced) 1/2 stp. Maggie Magic Sarap 3 tbsp. Cooking O...

CRABS in COCO-CHILI-GARLIC SAUCE

Image
Mahaba-haba din itong nakaraang bakasyon natin kung saan walang pasok ang mga opisina at mga eskwelahan dahil sa pagdalaw ng Santo Papa sa ating bansa. Komo wala ngang pasok, naisipan kong magluto ng espesyal na tanghalian para sa aking pamilya.   Maaga akong pumunta sa Farmers market sa Cubao para mamalengke.   Hindi ko alam nung una kung ano ang lulutuin ko utnil makita ko itong alimango na punong-puno ng aligue.   Bumili ako ng mahigit isang kilo nito mga 4 na malalaking piraso at yun nga ang naisip kong lutuin.   Naisip ko ding masarap kako na gataan ito at lagyan ng chili garlic sauce.   At ito na nga ang kinalabasan.   isang masarap na pananghalian para sa mga mahal ko sa buhay. CRABS in COCO-CHILI-GARLIC SAUCE Mga Sangkap: 4 pcs. large size Female Crabs 2 cups Pure Coconut Milk 1 tbsp. Chili Garlic Sauce 2 thumb size Ginger (cut into strips) 1 pc. Onion (sliced) 5 cloves Minced Garlic Salt and pepper ...

ALIMASAG at KANGKONG sa GATA

Image
Bihira lang din kami makapag-ulam ng shell fish o seafoods kagaya ng alimasag.   Una, medyo mahal din ito at pangalawa hindi masyadong click sa aking mga bagets ang pag-kain nito.   Pero sa aking asawa, gustong-gusto niya itong alimasag.   At ano ang masarap na luto dito?   Syempre sa gata.   Nilagyan ko din ng talbos ng kangkong para may gulay naman at makadagdag ng kulay sa kabuuan ng dish.  Idagdag mo pa yung siling pang-sigang na nagbigay ng kaunting kick sa kabuuan ng lasa.   Winner ang dish na ito. ALIMASAG at KANGKONG sa GATA Mga Sangkap: 1 kilo medium size Alimasag (yung babae o bakla para mataba) 3 cups Kakang Gata ng Niyog. Talbos ng Kangkong 2 thumb size Ginger (cut into strips) 5 cloves Minced Garlic 1 large Onion (sliced) 2 tbsp. Cooking Oil 1/2 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kaserola o kawali, igisa ang luya, bawang at sibuyas...