GINATAANG LANGKA na may HIPON ni TIYA GLORIA
Isa sa mga dish na inihanda para sa amin nitong huling pagdalaw namin sa aking Tiyo Lando sa Daraga, Albay sa Bicol ay itong Ginataang Langka na may Hipon. Hindi ako ang nagluto niyang picture na nasa itaas kundi ang aking Tiya Gloria. Iyan ang mismong inihain sa amin sa unang araw namin sa kanila.
Hindi ako madalas makakain nitong ginataang langka pero masarap pala. May iba pang ulam na inihanda pero itong dish na ito ang marami akong nakain. Malinamnam yung gata at tamang-tama lang ang anghang. Talagang nagpasarap yung hipon sa kabuuan ng dish.
Tuwing may nagugustuhan akong pagkain, pimipilit kong i-reconstruct yung dish at niluluto ko sa bahay. At eto sa ibaba ang recipe ng sa palagay ko ay kung papaano ito niluto. Please feedback your comments kung nagustuhan ninyo.
GINATAANG LANGKA na may HIPON ni TIYA GLORIA
Mga Sangkap:
1 kilo Ginayat na Murang Langka
1/2 kilo Hipon
3 cups Kakang Gata
Siling Pang-sigang
1 tsp. Maggie Magic Sarap
1 head Minced Garlic
1 thumb size Ginger (cut into strips)
1 pc. Large Onion (sliced)
3 tbsp. Cooking Oil
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika.
2. Sunod na ilagay ang hipon,ginayat na murang langka at 2 cups ng kakang gata. haluin ng bahagya.
3. Timplahan ng asin at paminta at takpan. Hayaang maluto ang langka. About 10 minutes
4. Kung luto na ang langka, ilagay na ang 2 cups pa ng kakang gata, siling pang-sigang at maggie magic sarap.
5. Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments