ALIMASAG at KANGKONG sa GATA

Bihira lang din kami makapag-ulam ng shell fish o seafoods kagaya ng alimasag.   Una, medyo mahal din ito at pangalawa hindi masyadong click sa aking mga bagets ang pag-kain nito.   Pero sa aking asawa, gustong-gusto niya itong alimasag.   At ano ang masarap na luto dito?   Syempre sa gata.   Nilagyan ko din ng talbos ng kangkong para may gulay naman at makadagdag ng kulay sa kabuuan ng dish.  Idagdag mo pa yung siling pang-sigang na nagbigay ng kaunting kick sa kabuuan ng lasa.   Winner ang dish na ito.



ALIMASAG at KANGKONG sa GATA

Mga Sangkap:
1 kilo medium size Alimasag (yung babae o bakla para mataba)
3 cups Kakang Gata ng Niyog.
Talbos ng Kangkong
2 thumb size Ginger (cut into strips)
5 cloves Minced Garlic
1 large Onion (sliced)
2 tbsp. Cooking Oil
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola o kawali, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika.
2.   Ilagay na agad ang alimasag at timplahan ng asin at paminta.
3.   Ilagay na din ang kakang gata ng niyog at takpan at hayaang maluto ang alimasag.
4.   Timplahan ng Maggie Magic sarap at tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
5.   Huling ilagay ang kangkong.   Haluin ng bahagya.   Takpan at hayaang maluto ang gulay.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE