HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE
Ito yung isang dish na niluto ko nitong nakaraang birthday ng aking kaibigang si Pareng Franny.
Maaga kasi kaming dumating sa bahay nila that day. Mas ginusto naming maaga para kako mas mahaba ang kwentuhan. Sa tagal ba naman ng huli kaming nagkita.
Nag-volunteer na din ako na tumulong sa pagluluto at isa nga sa dish na hindi pa naluluto ay itong hipon. Yung ibang handa ay ipinaluto na lang nila sa Dampa. Malapit lang kasi ang bahay nila dito.
Nai-suggest ko na mas mainam na halabos o simpleng luto na lang ang gawin sa hipon. Nag-agree naman ang may bahay at sinabi kong ihalabos na nga lang ito sa sprite, bawang at margarine. At yun na nga ang ginawa ko. Masarap ang kinalabasan at hindi natabunan ang tunay na lasa ng hipon.
HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE
Mga Sangkap:
2 kilos Hipon (yung medyo malaki ang size)
3 tbsp. Margarine or Butter
1 head Minced Garlic
1 bottle (12oz) Sprite or 7-Up
1 tbsp. rock Salt
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin at Sprite ang hipon. Hayaan ng ilang sandali
2. Sa isang kawali o kaserola, i-prito ang bawang sa margarine o butter hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Ilagay na ang hipon kasama ang pinagbabaran nito. Takpan at hayaang maluto. Maaring haluin ng bahagya para maging pantay ang luto ng lahat ng piraso ng hipon.
4. Hanguin sa isang lalagyan at ibudbod ang toasted garlic sa ibabaw.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments
Thanks Mommy Marie
Dennis
oh uuwi ako nxt year with my daughter..hope ma meet ko family mo sir.GOD bless
Dennis
Dennis
Dennis
Also, ano pala name mo para hindi Anonymous ang tawag ko sa iyo? hehehehe
Regards
Dennis
Good day!
One of the great food blogs I've seen. :D
Thank you
Salamat sa pag-bisita.
Dennis
Regards,
Dennis
Dennis
Thanks
Dennis