HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE

Ito yung isang dish na niluto ko nitong nakaraang birthday ng aking kaibigang si Pareng Franny.  

Maaga kasi kaming dumating sa bahay nila that day.   Mas ginusto naming maaga para kako mas mahaba ang kwentuhan.   Sa tagal ba naman ng huli kaming nagkita.

Nag-volunteer na din ako na tumulong sa pagluluto at isa nga sa dish na hindi pa naluluto ay itong hipon.  Yung ibang handa ay ipinaluto na lang nila sa Dampa. Malapit lang kasi ang bahay nila dito.

Nai-suggest ko na mas mainam na halabos o simpleng luto na lang ang gawin sa hipon.   Nag-agree naman ang may bahay at sinabi kong ihalabos na nga lang ito sa sprite, bawang at margarine.   At yun na nga ang ginawa ko.   Masarap ang kinalabasan at hindi natabunan ang tunay na lasa ng hipon.


HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE

Mga Sangkap:
2 kilos Hipon (yung medyo malaki ang size)
3 tbsp. Margarine or Butter
1 head Minced Garlic
1 bottle (12oz) Sprite or 7-Up
1 tbsp. rock Salt

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ng asin at Sprite ang hipon.  Hayaan ng ilang sandali
2.   Sa isang kawali o kaserola, i-prito ang bawang sa margarine o butter hanggang sa mag-golden brown ang kulay.   Hanguin sa isang lalagyan.
3.   Ilagay na ang hipon kasama ang pinagbabaran nito.   Takpan at hayaang maluto.   Maaring haluin ng bahagya para maging pantay ang luto ng lahat ng piraso ng hipon.
4.   Hanguin sa isang lalagyan at ibudbod ang toasted garlic sa ibabaw.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
Sir, i-try ko po yung recipe ng prawns in oyster sauce etc. Thanks po. Pero parang ang sarap din nito!....Mommy Marie
Dennis said…
Yung prawns with oyster sauce ang parang lutong dampa. This version naman I think is the simpliest.

Thanks Mommy Marie
Anonymous said…
wow thank u for this recipe its my fave-
Dennis said…
Salamat din po sa pagbisita sa blog kong ito.

Dennis
Anonymous said…
im gonna try this one sir dennis..
oh uuwi ako nxt year with my daughter..hope ma meet ko family mo sir.GOD bless
Dennis said…
Thats good news Myhoneybunch....saan ka pala dito sa Pinas? I really hope na ma-meet din kita at ang iyong pamilya. regards
Unknown said…
lulutuin nmin sya ngayon..the last time n nagluto kami nito matabang wala kasing butter dpat pala may butter thank u for the delicious recipe sir...
Dennis said…
Thanks Jessica.....Yup butter..malaki ang nagagawa nito sa kabuuan ng dish.

Dennis
Anonymous said…
Salamat po dito sir dennis!!
Dennis said…
Thanks din anonymous.....please continue supporting my food blog.

Dennis
Anonymous said…
Ako kaya Sir Dennis when mo tuturuan mag luto? now ko lang nabisita itong blogs mo.. sarap!!!! Chris Herrera
Dennis said…
Salamat Sir Chris.....Madali lang naman magluto....basta kung para sa mga mahal mo sa buhay...tiyak na masarap ang kakalabasan nun. Hehehehe

Dennis
Anonymous said…
Sir idol na idol ko kau s pagluluto... sobrang madali syNg gawin pag kau ang nagexplain.... thank u po wag po kau magsawa sa pagpopost ng mga recepi nio
Dennis said…
Thanks Anonymous....Basta pag may tanong ka ay mag-post ka lang dito sa blog. Sasagutin ko hanggang sa abot ng aking makakaya.

Also, ano pala name mo para hindi Anonymous ang tawag ko sa iyo? hehehehe

Regards

Dennis
Anonymous said…
Hi Mr. Dennis,

Good day!

One of the great food blogs I've seen. :D

Thank you
Unknown said…
Salamat sir dennis! :) magluluto po ako ngyon sana masarap ang lasa.Hehe First time ko po kase magluto ng hipon.Hehe
Dennis said…
For sure masarap ang kakalabasan niyan. Just follow the procedure.

Salamat sa pag-bisita.

Dennis
Unknown said…
Pwede din ba sa lobster ung luto na to?
Dennis said…
I think pwede naman...dagdagan mo lang siguro yung mga sangkap na pampalasa. Di ko pa na-try na magluto ng lobster. But you gave me an idea ng ihahanda ko sa Noche Buena. Hehehe. thanks
Unknown said…
Nagawa q n po yan bro dennis.. Sau aq natuto magluto haha.. Kdalasan kc kpg nagharvest mga kpatid q s province d pede d aq ppdalan ng sea foods gaya ng hipon sugpo at crab.. Msarap nmAn ang kinalabasan taob ang kaldero.. Haha
Dennis said…
Salamat naman at may natututunan ka sa akin....hehehe. pag nagpadala ulit kapatid mo ng seafoods....bigyan mo ako....hehehehe

Regards,

Dennis
Unknown said…
Sir dennis okay lang po ba kahit walang sprite?
Dennis said…
Pwede din naman pero magiiba na ang lasa. Yung Sprite kasi ang magbibigay ng fruity at sweet flavor sa dish.

Dennis
Anonymous said…
Ilang minutes po pakukuluan unq hipon. Hehe thank u po. ��
Dennis said…
Hanggang sa pumula lang ang balat ng hipon. Huwag mong i-overcooked..titigas at mada-dry ang laman ng hipon.

Thanks

Dennis
Unknown said…
sarapa naman neto sir dennis big help :)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy