TORTANG ALIMASAG (Crab Meat)


Nitong nakaraan kong pamamalengke may nakita akong himay na na laman ng alimasag (crab) na ibinebenta sa parte ng mag-iisda.   Kahit hindi ko pa itinatanong kung magkano ang kilo nito at napabili na ako agad at ang nasa isip ko lang ay masarap itong gawing torta.  Masarap ito na ang kasamang sawsawan ay patis na may calamansi o kaya naman ay toyo na may calamansi.   Pwede din naman ang sweet-chili sauce or ordinaryong catsup.   Try nyo din po.


TORTANG ALIMASAG (Crab Meat)

Mga Sangkap:
1/2 kilo Crab Meat / Hinimay na laman ng alimasag
2 pcs. medium size Potatoes (cut into small pieces)
1 cup Green Peas
1 pc. large size Red Bell Pepper
4 pcs. Calamansi
3 tbsp. Soy Sauce
5 cloves Minced Garlic
1 pc. White Onion (chopped)
2 pcs. Tomatoes (diced)
3 tbsp. Canola Oil / more for frying
Salt and pepper to taste
1 tsp. Maggie Magic Sarap
5 pcs. Fresh Eggs (beaten)

Paraan ng pagluluto:
1.    Sa isang kawali igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa mantika.
2.   Ilagay na din ang patatas at red bell pepper.   Halu-haluin at hayaang maluto ang patatas.
3.   Sunod na ilagay ang crab meat, green peas at timplahan ng katas ng calamansi, asin, paminta at toyo.   Halu-haluin.
4.   Tikman at i-adjust ang lasa.   Patayin na ang apoy.
5.   Sa isang bowl, batihin ang itlog kasama ng Maggie Magic Sarap.
6.   Ihalo sa binating itlog ang ginisang crab meat.
7.   Sa isang non-stick na kawali i-prito ang pinaghalong sangkap sa nais na laki.
8.   Lutuin din ang kabilang side.  Para gawin ito, kumuha lang ng plato na mas malaki sa sukat ng kawali.   Itaob ang plato at saka paligtarin ang kawali.   Ibalik ang niluluto sa kawali.

Ihain habang mainit pa.








Comments

Unknown said…
Nangungumusta lang kasi last post mo is Feb 7 pa. Hope everything is fine especially your health 😊
Dennis said…
Salamat po sa pangungumusta. Medyo nagkaroon nga po ako ng problema nitong mga nakaraang buwan at hindi ko na din nabigyang pansin ang munting food blog kong ito. Hayaan nyo po at makakabalik din po ako sa dati kong gawi. Maraming salamat po sa patuloy nyong pag-tangkilik.

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy