Posts

Showing posts from July, 2016

HIGADILLO (Pork and Liver Stew)

Image
Nung una kong nakita at nabasa ang recipe na ito dito sa net, nag-isip ako kung ano ang pagkakaiba nito sa higado na isang Ilokano dish.  At nang basahin ko ang recipe yung lechon sauce ang nakita ko na naiba. Madali lang lutuin ang dish na ito as in madali lang talaga.  Bukod ba sa kakaunti lang ang mga sangkap na gagamitin dito sa pagluluto. HIGADILLO (Pork and Liver Stew) Mga Sangkap: 1 kilo Pork Lomo (cut into strips) 1/2 kilo Pork Liver (cut into strips) 1 pc. Carrot (cut into strips just like  the size of the pork) 1 pc. large Potato  (cut into strips just like  the size of the pork) 1 pc. large Red Bell Pepper (cut into strips just like  the size of the pork) 1 cup Green Peas 2 cups Lechon Sauce 1 head Minced Garlic 1 pc. Onion (chopped) 1 tsp. Freshly Ground Black Pepper 1 tsp. Maggie Magic Sarap 3 tbsp. Cooking Oil Salt to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang non-stick na kaserola o kawali, igisa ang bawang at si...

PAN-FRIED PINK SALMON with BARBEQUE SAUCE

Image
Sunday is always a special day for our family.   It's a family day at sa araw na ito lang kami nakaka-kain ng sabay-sabay.   Kaya naman ginagawa ko talagang espesyal ang mga ulam na aking inihahanda. Ni-request ng asawa kong si Jolly na bumili namn daw ako ng isdang salmon.   Kahit na medyo may kamahalan ng isdang ito ay pinagbigyan ko na din ang aking asawa komo paminsan-misan lang naman din akmi nakaka-kain nito. Sa mga masarap na isda kagayan ng pick salmon, hindi na kailangan ng kung ano-ano pang pampalasa.  Salt and pepper lang the i-pan-grill sa non-stick na kawali ay okay na. In this recipe, sinamahan ko na din ng barbeque sauce.   Hindi ko siya isinama sa isda at baka kako ayaw ng ibang kakain na may sauce pa.    Masarap!   Try nyo din po. PAN-FRIED PINK SALMON with BARBEQUE SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Pink Salmon (fillet) 1/2 cup Salted Butter Salt and pepper to taste For the Sauce:1 cup Barbe...

JOLLY'S 2016 BIRTHDAY CELEBRATION

Image
Last Sunday July 17 nag-celebrate ng kanyang kaarawan ang aking asawang si Jolly.  Good thing may nagbigay sa kanya ng free overnight stay sa Solaire Resort and Casino at July 16 nga ay nag-check-in na kami. Yun nga lang pala walang kasamang free breakfast ang room na nakuha namin.    So sa day ng dinner pumunta pa kami ng MOA para kumain ng aming hapunan.    Hindi ko na idi-detalye ang aming dinner kung hindi itong aming kinainan ng breakfast. Dapat sana sa room na lang kami kakain ng breakfast pero nang makita ko ang price ng home service nila ay nagbago ako ng isip.   Mahal eh.   Hehehehe. Naisip ko na may food court nga pala ang hotel na nasa ground floor na malapit din sa casino.    Kaso nung nandun na kami, isang stall lang pa lang ang open.   Iniisip ko kung punta na lang kami ng MOA ulit o maghanap ng malapit na fastfood. Nang madaanan namin naman itong Fresh Restaurant sa loob din ng ...

PORK BASIL BOLA-BOLA

Image
Narito po ang isang dish na pwedeng i-ulam sa kanin o kaya naman ay ihalo sa ano mang klase ng pasta.   Pork Basil Bola-bola. Dapat sana lumpiang shanghai ang gagawin ko sa nabili kong giniling na baboy kaso nakalimutan kong bumili ng lumpia wrapper.   Buti na lang at may natira pang fresh basil leaves at pasta sauce na ginamit ko sa isang pasta dish at naisip kong gawin na nga lang itong bola-bola.   Ayos naman ang kinalabasan at masarap talaga. PORK BASIL BOLA-BOLA Mga Sangkap: 1/2 kilo Giniling na Baboy 2 cups Fresh Basil Leaves (chopped) 2 pcs. White Onion (chopped) 1 pc. Carrot (cut into small cubes) 2 pcs. Fresh Eggs (beaten) 1 cup Flour Salt and pepper to tasteCooking oil for frying For the Sauce: 2 cups Pasta or Spaghetti Sauce 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Onion (sliced) 2 tbsp. Butter or Cooking Oil  1 cup grated Cheese Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang bowl paghaluin ang lahat ng angkap para sa bola-bola maliba...

PORK ADOBO using DATU PUTI PININYAHANG ADOBO SAUCE

Image
Natatandaan nyo po ba yung post ko abount an event na aking in-attend-an several weeks ago ang 25th Anniv ng MasFlex.    During the event may mga items na pina-raffle ang mga sponsor at isa na nga dito ay itong Datu Puti.   Sa kabutihang palad ako ang nabunot para sa Datu Puti gift pack. Maraming laman ang gift pack at isa na nga dito ay itong bago nilang produkto ang Adobo Series nila.   Kagaya ng nasa larawan sa ibaba, may adobo sa pinya, spicy adobo, humba at adobo sa gata.   Sa apat na klase ng adobo na ito, itong adobo sa pinya ang aking nagustuhan.   Tamang-tama kasi yung lasa ang timpla sa karne.   Try yo din po. PORK ADOBO using DATU PUTI PININYAHANG ADOBO SAUCE  Mga Sangkap: 1 kilo Pork Belly (cut into cubes) 1 pack Datu Puti Adobo sa Pinya Sauce 1 head Minced Garlic 1 pc. Onion (sliced) 1 tsp. Ground Black Pepper 1 tsp. Brown Sugar Salt to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa i...

MACARONI CHEESE and LUNCHEON MEAT

Image
May pasalubong sa akin na ibat-ibang klase ng pasta ang pamangkin kong si Christian galing ng Abu Dhabi.  Isa na dito ay itong macaroni pasta na ito na sa tingin ko ay mas malalaki kumpara sa mga elbow macaroni na nabibili natin sa pamilihan. Isa lang ang nasa isip ko na gawing luto dito at ito ay itong ngang mac and cheese.   Hinaluan ko na lang din ng luncheon meat para naman may laman-laman at para  mas sumarap pa.  Try nyo din po.  MACARONI CHEESE and LUNCHEON MEAT Mga Sangkap: 500 grams Elbow Macaroni Pasta 1 can Pork Luncheon Meat (cut into cubes) 1 tetra brick All Purpose Cream 1 small can Evaporated or Fresh Milk 1 tsp. Dried Basil 2 cups Grated Cheese 1/2 cup Melted Butter 1 head Minced Garlic 1 pc. White Onion (chopped) Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Lutuin ang elbow macaroni according to package directions. 2.   Sa isang non-stick na kawali o wok, i-prito ang luncheon meat sa butter hanggang ...

STEAMED BABY LAPU-LAPU

Image
Ito siguro ang isa sa mga pinaka-madaling dish na naluto ko at nai-post sa food blog kong ito.   Itong Steamed Baby Lapu-lapu.   Wala naman kasing ka-effort-effort ang paghahanda at pagluluto nito.   Kahit nga wala kang steamer ay pwede din kagaya nga nitong ginawa ko. Binalot ko lag kasi ng aluminum foil ang tiniplahang lapu-lapu at isinalang ko sa isng kawali na may tubig.   Hinayaang kong lang itong ma-steam doon ng ilang minuto at presto may masarap ka nang steamed lapu-lapu.   Kahit nga siguro hindi marunong magluto ay kaya itong gawin.   Subukan nyo po. STEAMED BABY LAPU-LAPU Mga Sangkap: 10 pcs. Baby Lapu-lapu 1/ 2 cup Oyster Sauce 2 thumb size Ginger (cut into strips) 1 pc. White Onion (sliced) Leeks (cut into strips) 1 tsp. Brown Sugar Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang aluminum foil ilagay ang lahat ng mga sangkap at saka balutin.   Make sure na nab...

LECHON KAWALI ESPESYAL

Image
Sino ang hindi mapaparami ang kain kapag itong lechon kawali ang ulam.   Mapa-mang Tomas man o suka ang sawsawan nito tiyak panalo ang kain mo. Madali lang naman magluto ng lechon kawali.   Ang mahirap na parte lang ay yung pagpi-prito nito.  Kagaya ng madalas ko nang mabanggit dito sa blog, para hindi magpuputok ito habang pini-prito, dapat ilagay muna sa freezer ang pinalambot na karne at saka diretso na sa kumukulong mantika.   Importante din tusok-tusukin ng tinidor ang balat na parte para mag-pop ito hanag pini-prito. Gawin ito bago ilagay sa freezer. Also, mainam na lagyan ng pampalasa ang tubig na pagpapakuluan ng liempo.   Pwedeng mag-lagay ng mga pampalasa kagaya ng laurel,  tanglad, bawang, sibuyas, star anise at iba pa.   Ngayon kung gusto nyo naman ng plain na lasa lang,  asin, bawang, sibuyas at paminta lang ay okay na.   Try nyo din po. LECHON KAWALI ESPESYAL Mga Sangkap: 1.5 kilos Pork...

LEMON-GARLIC FRIED CHICKEN

Image
Maraming klase na ng fried chicken ang nagawa ko at nai-post sa food blog kong ito.   Hindi ko lang matiis na hindi i-post ang isang ito dahil masarap talaga at tiyak kong magugustuhan ng inyong mga mahal sa buhay. Sa pagluluto ng masarap na fried chicken, importante ang marinade mix o ang pampalasa na inyong ilalagay dito.   Mula sa pinaka-simple at yung medyo kumplikado.   In this version, masasabi kong pinaghalo itong western at asian na flavor.   Try nyo din po.   Masarap po talaga. LEMON-GARLIC FRIED CHICKEN Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Legs (cut into thigh and drumstick) 1 pc. Lemon Lemon Zest from the lemon 1 tbsp. Garlic Powder 3 tbsp. Patis 1 tsp. Rock Salt 1 tsp. Fresh Ground Black Pepper 1 cup Cornstarch 1 cup Flour 1 tsp. Maggie Magic Sarap Cooking Oil Paraan ng pagluluto: 1.   I-marinade ang hiniwang manok sa katas ng lemon, lemon zest, garlic powder, patis, asin at paminta.   Overn...

SWEET and SOUR LAPU-LAPU

Image
Kagaya ng madalas kong mabanggit sa aking mga post, madali na na magluto ngayon ng mga paborito nating mga ulam.   Marami na kasing available na mga sauces and mixes ng mga paborito nating ulam sa market.   Mula sa paborito nating kare-kare at maging sa kumplikadong caldereta o menudo man.   Kahit nga iba't-ibang klase ng adobo ay mayroon na din.   At hindi rin nahuhuli itong sweet and sour mix na ito na nakita ko sa market.   Madali at masarap din katulad ng original na paraan ng pagluluto.   Try nyo din po.   (Free advertisement yan Del Monte ha....heheheeh) SWEET and SOUR LAPU-LAPU Mga Sangkap: 10 pcs. Baby Lapu-lapu 1 pack of Del MonteQuick n Easy Sweet & Sour Mix 1 thumb size Ginger (cut into strips) 5 cloves Minced Garlic 1 pc. White Onion  (sliced) 3 tbsp. Melted Butter Cooking Oil for Frying Leeks to garnish Paraan ng pagluluto: 1.   Timplahan ng asin at paminta ang n...

PATA KARE-KARE ESPESYAL

Image
Ito ang isa pa sa mga dish na inihanda ko sa nakaraang fiesta sa aming lugar.   Pata Kare-kare Espesyal. Pangkaraniwang kare-kare na nakikita natin sa mga fiesta o handaan ay yung magkahalo na ang gulay at karne.  Yun din ang aking nakagisnan sa amin sa Bulacan.   Pero dito sa version kong ito, hiwalay kong niluto ang pata at ang gulay at magkahiwalay din ito ng i-serve.   Natutunan ko ito sa aming dating helper na tama din naman para dun sa mga kakain na ayaw ng karne o gulay lang ang gusto. Also, hindi na ako nagpakahirap pa na magluto ng dish na ito from scratch.   Instant kare-kare mix lang ang aking ginamit na okay din naman ang lasa.    Ika nga, wala na tayong rason na hindi tayo marunong magluto ng kare-kare...hehehehe. PATA KARE-KARE ESPESYAL Mga Sangkap: 2 pcs. Pata ng Baboy (cut into serving pieces) 2 sachet Mama Sita Kare-kare Mix 1 cup Dinikdik na Adobong Mani Sitaw Talong Pechay Tagalog o Bok Choi 1 head minced Garl...