Posts

PORK MORCONITO

Image
Ang Morcon ang isa sa mga pagkain o ulam na namana natin sa mga kastila. Karneng baka ang laman na ginagamit dito. Nakikita natin ito sa mga espesyal na handaan katulad ng fiesta o kasalan sa mga probinsya katulad ng Bulacan at Pampanga. Masarap talaga ang espesyal na ulam na ito. Yun lang medyo matrabaho itong lutuin. Ang lutong ito ang ginawa kong luto sa 1 kilong pork butterfly na nabili nitong iang araw. Ang pork butterfly ay yung parte ng karne ng baboy na parang porkchops pero walang buto at hiniwa sa gitna na parang pakpak ng paru-paro. Paraming pwdeng ipalaman sa morcon. Nasa sa inyo na yun kung ano ang gusto ninyo. Basta ang pinaka tip lang dun ay yung malalasang palaman ang inyong gamitin katulad ng chorizo, keso o kaya naman ay red bell pepper. Sa version kong ito, yung available lang sa fridge ang ginamit ko. Basil leaves, chicken hotdog, keso at iba pa. Try nyo ito. Tiyak konbg magugustuhan din ng inyong pamilya. PORK MORCONITO Mga Sangkap: 1 kilo or 7 pcs. ...

PORK STRIPS & SQUID in COCO-CURRY SAUCE

Image
Hindi ko alam kung may ganito talaga dish o original recipe ko ito. Basta lang kasi gumana ang imahinasyon ko at lumabas na lang ang ganitong idea sa dish. Actually, para din siyang chicken curry dish na na-post ko na sa blog kong ito. Yun lang, pork at squid rings ang ginamit ko dito. Dapat sana crispy calamares ang gagawin ko sa 1/2 kilo sa frozen squid rings na ito na nabili the last time na nag-grocery kami. Pero komo nga medyo matrabaho ang ganung luto last minute ay naisip ko na bakit hindi ko lagyan ng curry powder at coconut milk. Pero nung na defrost ko na yung squid laking pagtataka ko kasi kumonte ang tingin ko sa squid rings. Sa loob-loob ko baka hindi ito magkasya sa amin na kakain. Doon ko naisip na may natira pa pala akong boiled pork strips sa freezer. Remember yung pancit miki na niluto ko nung Sunday? At nabuo nga ang napaka-sarap na dish na ito na handog ko sa inyong lahat. Try it! Asian na asian ang dating ng dish na ito. It's rich. Sauce pa lang ay ulam na. Ta...

SARCIADONG GIGI - Tira lang

Image
Una, pasensya na sa picture at nagloloko na talaga ang digicam na ginagamit ko. Palagay ko ay kailangan na talagang palitan. Ang tanong lang ay kung saan ako kukuha ng pambili. Hehehehe. Ito pala ang ulam na ibinaon ko for my lunch today. Actually, tira lang yung pritong gigi na ginamit ko dito at ginawa ko na lang sarciado para naman hindi boring ang hamak na gigi. Kung baga ni-recycle ko yung prito para makagawa ng isa pang bagong dish. Sayang naman kasi kung matataposn lang di ba? Sa mahal ng mga bilihin ngayon, ang masiraan ng pagkain o magtapon ng pagkain is a NO NO. SARCIADONG GIGI Mga Sangkap: 2 pcs. medium size Galungong (fried) 4 pcs. Tomatoes sliced 1 small Onion Sliced 4 cloves minced garlic 2 tbsp. cooking oil 1 pc. Egg beaten salt and pepper to taste 1 tsp. Maggie Magic Sarap (optional) Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kawali, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa kaunting mantika. 2. Lagyan ng tubig at hayaang maluto hanggang sa madurong ang kamati...

CHICKEN EMBOTIDO - Version 2

Image
This is already my second version ng Chicken Embotido. Actually, chicken burger sana ang gagawin ko sa 1/2 kilo na ground chicken an nabili ko, kaso parang sumagi sa isip ko itong chicken embotido nga na nagawa ko na more than a year ago. Pareho lang naman ang sangkap na ginagamit sa pork embotido at sa chicken. Ofcourse yung karne lang ang pinagkaiba. Ang problem lang sa chicken masyado itong matubig at kailangan mo talaga na dagsagan ang binder na gagamitin. Masarap ang chicken embotido lalo na kung kumpleto talaga ang sangkap an gagamitin mo dito. Dun sa una kong version, hindi ko ata nalagyan ng sweet pickel relish. This time komo may natira pa ako dun sa ginamit ko sa caldereta eto ang inilagay ko nga. Also, nilagyan ko ito ng chicken hotdog sa gitna para maganda siyang tingnan kapag hiniwa na. Mas gusto ko itong version 2. Ang sarap kasi yung lasa na naghahalo yung tamis at asim ng pickel relish at yung medyo may anghang ng konti because of cayene powder. Try nyo ito. Pwedeng pan...

PANCIT MIKI

Image
Mahilig ako sa noodles. Mapa pasta man, rice noodles o egg noodles, gustong-gusto ko ito. Lalo na kung maraming sahog na gulay at laman panalong-panalo ito sa akin. Gusto ko din yung medyo may sauce o may sabaw ng konti. Kahit sa mga pasta dishes gusto ko yung saucy talaga. Ganun ang ginawa ko dito sa pancit miki na iniluto ko kanina para almusal namin. Magulay, malaman at masabaw ang pancit miki ko na ito. Sabi nga ng kapatid nga asawa ko na bisita namin this morning, masarap daw at sino daw ang may birthday? Hehehehe. Pinagbalot ko pa siya para madala sa kanyang anak na kanyang dadalawin. PANCIT MIKI Mga Sangkap: 500 grams Miki Noodles (Egg noodles) 300 grams Pork cut nto strips 3 cups Pork broth or 1 pc. Knorr Pork cubes 100 grams Chicharo 100 grams Baguio Beans 1/2cup Chopped Kinchay 1 small Carrot julien 5 cloves minced garlic 1 medium size Onion Sliced 1 cup Oyster Sauce 1 tsp. Sugar 1 tsp. cornstarch Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kawali...

JUICY FRIED CHICKEN FILLET

Image
Na-try nyo na ba yung Crispy Fry Breading Mix ng Ajinomoto? I suggest na i-try nyo. Masarap kasi ito at may kasama pa na gravy mix. Para ka na ring kumain sa isang sikat na fastfood restaurant. Ito ang ginamit ko sa fried chicken fillet na ito na entry natin for today. Ang bago dito ibinabad ko muna ang manok sa gatas at dried rosemary ng overnight at saka ko pinirito using this breading mix nga. Dahil sa pagbabad sa gatas ng manok, nagiging mas juicy ang manok. Lalo na kasi kung breast fillet ang iluluto, wala kasi itong taba bukod sa kung isasama mo ang balat. Ang resulta? Isang masarap na fried chicken fillet. JUICY FRIED CHICKEN FILLET Mga Sangkap: 8 pcs. Whole Chicken Breast Fillet cut into half 1 pack Crispy Fry Breading Mix 2 cups Evaporated Milk 1 tsp. Dried Rosemary 1/2 tsp. Ground Black pepper Cooking oil for frying Paraan ng pagluluto: 1. Ibabad ng overight ang chicken fillet sa evaporated milk, dried rosemary at pamintang durog. 2. Bago i-prito alisin...

HAPPY 2nd ANNIVERSARY SA LAHAT - Kahit Late na.

Image
Dahil sa sobrang busy ko sa aking trabaho, nawala sa loob ko na 2nd year anniversary na pala ng food blog kong ito. January 13 to be exact. Noon ko nasimulan ang libangan ko na ito na naging simula din ng pagkakaroon ko ng mga bagong kaibigan dito mas sa Pilipinas at sa labas ng bansa. Hindi magiging matagumpay ang food blog kong ito kung hindi sa inyong lahat na patuloy na sumusuporta at bumibisita sa araw-araw. Sa lahat ng nag-iiwan ng kanilang mensahe at comment sa bawat post ko, maraming-maraming salamat. Huli man ang pag-bati ko sa inyo sa napaka-importanteng araw sa blog kong ito, taos puso pa rin akong bumabati sa inyong lahat. Sana ay patuloy kayong sumuporta at ibahagi nyo din ito sa inyong mga kaibigan at kamag-anak. Muli, Maraming-maraming salamat. Sa patuloy kayong mag-email sa akin para naman ma-inspire pa ako lalo sa pagpo-post ng mga masasarap na lutuin na alam ko. MABUHAY TAYONG LAHAT!!!!