Chicken Mushroom in Oyster Sauce



Another chicken disk tayo ngayon. Actually, it's a regular chicken dish na nababasa natin sa mga food blog dito sa internet. Pero itong recipe ko, nilagyan ko ng konting twist. Instead na seasoning, asukal ang inilagay ko to complete the dish. And you know what? Ang sarap ng kinalabasan. Also, I used olive oil instead of regular cooking oil. Ofcourse, you can still use any cooking oil in this dish.


Narito ang mga sangkap:

3/4 kilo Chicken fillet (Kahit anong part okay lang)

1 big can whole button mushroom

3 tbsp oyster sauce

calamansi juice

asin at paminta

olive oil or ordinary cooking oil

2 tbsp. asukal

cornstarch


Paraan ng pagluluto:

1. I-marinade ang chicken fillet sa asin, paminta at calamansi juice. (Overnight mas mainam)

2. Sa isang kawali, i-prito sa olive oil ang mga piraso ng manok. Hintaying mawala ang mapula-pulang kulay at ilagay sa gilid ng kawali. (Papulahin lang ng kaunti ang gilig ng laman ng manok)

3. Igisa ang bawang at sibuyas

4. Ibuhos sa niluluto ang kaunting sabaw ng button mushroom..enough hanggang sa maluto ang karne ng manok.

5. Hiwain sa gitna ang whole button mushroom at ilagay sa niluluto

6. Ilagay ang oyster sauce at haluin ng kaunti

7. Timplahan ng asukal

8. Lagyan uli ng asin at paminta kung kinakailangan.

9. Lagyan ng tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.


Ihain ng may ngiti sa labi....hehehehe







Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE