Pork Hamonado ala Lina



Eto na naman ako.....Syempre may bago na naman akong i-she-share sa inyo na niluto ko kagabi. Actually ito ang dinner namin. Isa ito sa mga pagkain na inihahanda sa mga special na okasyon. Natutunan ko ito sa aking Inang. But ofcourse, wala pa ding tatalo sa luto niya kumpara sa akin. Pero syempre lagi ko naman ini-improve yung version ko....hehehehe. Hamonado ang tawag dito kasi parang ham din ang lasa. Pwede ding gawin ang lutong ito using chicken....at masarap din....hehehehe.

Ito ang putahe natin for today. 'Pork Hamonado ala Lina'.

Simple lang ang lutong ito....at matitityak ko na magugustuhan ito ng mga bata. Kagaya na lang ng mga anak ko na nag-enjoy sa dinner namin kagabi.

Eto ang mga kailangan:

1 kilo - Pork kasim yung di masyado makapal ang taba...buo pero pahaba ang hiwa

1 can - Delmonte Pineapple juice....yung sweetened mas mainam...mas marami mas mainam

sibuyas

bayang

paminta

asin

asukal

toyo

Paraan ng pagluluto:

1. Ibabad o i-marinade ang karne ng baboy sa pineapple juice, ginayat na sibuyas, bawang, asin, paminta at asukal. Mas mainam kung mga ilang araw ito ibababad. Para mas lalong pumasok sa laman yung flavor.

2. After ilang araw o oras ng pag-marinade, pakuluan ito hanggang sa lumambot. Laging i-che-check at baka matuyuan ng sabaw. Pwedeng lagyan ng tubig kung kinakailangan.

3. Kung malambot na, i-prito ang laman sa kaunting mantika. Mainam sa non-stick pan para di manikit ang karne.

4. Pag medyo mapula na, hanguin at palamigin.


Note: Huwag masyadong malambot na malambot ang karne. Pag hiniwa kasi nadudurog. maganda yung tamang-tama lang.

Habang pinapalamig ang karne, gawin ang sauce toppings

1. Mag-gayat muli ng 1 sibuyas at ilagay sa pinaglagaan ng karne

2. Lagyan ng corn starch na may tubig at toyo para lumapot ang sauce

3. Timplahan muli ng asin, asukal at paminta ayon sa inyo panlasa. Masarap yung naglalaban ang alat at tamis at yung flavor ng pineapple juice.

Hiwain ang pinalamig na karne at ilagay sa ibabaw ang ginawang sauce. Enjoy!!!!


Comments

foodtvfanatic said…
Hello! More food blogs the better! It's very heartening na makita ang husbands like yourself (IT pa!) na mahilig magluto. Your wife and kids are so lucky. Gusto ko pong i-try itong recipe pero ano po yung pork "kasim" in english? Di po ako familiar sa mga parts eh. But reading your blog inspires me to cook. Kakahiya naman to my geeky husband (comp sci din) kasi siya lang ang nagluluto. So I want to surprise him. Thanks po and God bless.
MyGoodFinds said…
Hello Kuya Dennis,
Sa mga kasal ko lang natitikman ang pork hamonado. I will follow your recipe and hopefully I will be able to serve pork hamonado for my family.

Ano po ba ang kasim? Anong parte ng baboy?

It's great to see cooking geeks.

Tina of MyGoodFinds.Org
Dennis said…
Actually di ko din alam....hahahaha....pero sa shoulder part ata ang kasim. Pwede din yung sa pigue.

Yung nakikita natin sa mga handaan, slice yung pork nun...tapos nir-roll siya. Nilalagyan dun yun ng hotdog na palaman sa loob. Yung nasa picture, whole meat yun na pahaba ang hiwa.

Thanks for you positive feedback...
Unknown said…
It's Tyrone Ulet.. Natutuwa ako sa blog na eto.. Naiskipan ko eto last time.. Excited akong iluto to Sir Dennis... khit na ko lang muna sa ngaun ang nakakatimkim, I live alone e, nagprapractice palang magluto for future use..Hehehe... Ayos Sir Aside of being IT din e nakakaaliw na mag karoon ng hobby sa paluluto.. Keep posting sir.. I Highly Appreciate your blog. IT really Helps!

Popular posts from this blog

Sinigang na Baboy

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

Tinolang Manok