Ready to eat Food

Notice ang last posting ko pa ay nung Sunday. Kasi ba naman dalawang araw na kaming bumibili ng lutong ulam. Ganito kasi yun. May gift check ng McDonald na binibigay sa aming office every quarter. 1 thousand worth of GC din yun. So nung Monday naisip ko na sa halip na magluto pa bakit hindi ko na lang gamitin ang GC kong ito for our dinner. Mahilig pa naman ang mga anak ko ng chicken sa fastfood. So ganun na nga, Mc Chicken ang dinner namin ng Monday. Nagluto na lang ako ng Knorr Crab Soup para naman may sabaw. Enjoy ang mga bata kasi ang malalaki ang chicken na naibigay sa akin...hehehehe

Tuesday naman, nakaligtaan kong magbilin sa helper namin na ilabas sa ref yung pork na lulutuin ko sana for the dinner. Kaya ayun lutong ulam na naman kami that night....hehehehe. Ok lang naman kasi ang nabili kong lutong ulam ay pork barbeque na nabili ko sa kanto malapit sa tinitirhan naming condo. 14 pesos ang isa. But you know what? masarap ang barbeque nila....pwede mong ihambing ang lasa sa barbeque ng Inengs. Masarap talaga with matching sukang maanghang. Ofcourse nagluto din naman ako ng instant sotanghon soup ng Lucky Me....hehehehehe. Bundat sa kabusugan na naman ang mga anak ko.....hehehehehe

Promise, mag-post uli ako ng mga luto ko.....baka bukas....abangan!

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE