Kare-kareng Buntot ng Baka
Kapag sinabing Filipino food, hindi maaaring hindi makasama dito ang Kare-kare. Isa ito sa mga pagkaing pilipino na masasabi nating pilipino talaga. Dahil siguro sa mga sangkap nito at sa lasang masasabi nating tama sa panlasang pinoy.
Nung nag-training nga ako sa Hong Kong, tinanong ako nung counterpart namin doon kung ano-ano daw ang mga pagkaing masasabi ko na pilipino. Kare-kare agad ang nasabi ko bukod pa sa crispy pata.
Maraming version sa pagluluto ng kare-kare. Pwedeng ang gamitin ay karne ng baboy...pwede din ang manok, or purong gulay lang. Yung iba, purong dinurog na mani ang ginagamit at yung iba naman nilalagyan pa ng purong gata ng niyog. Siguro yung pinakamadali na lang ang gagawin natin. Lalo pa ngayon na marami ng mga instant mix na pwede nating gamitin.
Simulan na natin....
KARE-KARE Buntot ng Baka
Mga Sangkap:
1 kilo buntot ng baka (pwede ding haluan ng twalya o beef stripe)
1 pack Mama sita kare-kare mix
2 pcs. talong
1 tali sitaw
pechay
1 small puso ng saging
1 cloves garlic
1 medium size onion
salt and pepper
2 tbsp peanut butter
Bagoong
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserolang may tubig at asin, palambutin ang hiniwang buntot ng baka at twalya .
2. Habang pinapalambot ang karne, ihanda ang mga gulay na gagamitin. Hiwain ito ng pahaba. dapat pare-pareho ang haba nito.
3. Sa isa pang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas
4. Isalin ang pinalambot na buntot ng baka, pakuluin.
5. Unahing ilagay ang sitaw at puso ng saging, takpan
6. Ilagay ang tinunaw na kare-kare mix at peanut butter, haluin.
7. Ilagay na ang talong at takpan muli...huwag i-overcooked
8. Panghuli ilagay ang pechay at timplahan ng asin at paminta ayon sa inyong panlasa.
9. Ihain na may kasamang bagoong alamang.
Please take note na hindi dapat maalat ang sauce ng inyong kare-kare. Ang bagoong alamang ang bahala sa alat na gusto ninyo. Also, hindi sasarap ang kare-kare ninyo kung hindi masarap nga bagoong na inyong gagamitin. And, kare-kare is not kare-kare without the bagoong.
Enjoy!!!
Comments
di ba mahal ang buntot ng baka jan sa atin?
Thanks for regularly visiting my blog Cool Fern....
Dennis