Ginisang Amplaya at Pritong Isda with Magic


Last week, may nag-comment sa akin kung pwede daw di gumamit ng Maggie Magic Sarap sa recipe. Kasi daw halos lahat ng recipe na na-post ko dito sa blog ay may ganung sangkap. Ang sagot ko naman, optional ang pag-gamit nun. In-advised ko din siya na i-try tikman yung walang Maggie Magic Sarap at yung meron, malalasahan niya ang pagkakaiba.

Lahat naman ng seasoning sa lutuin ay optional. Yun lang sa experience ko, malaki talaga ang naitutulong nito para pasarapin ang lutuin. Na-e-enhance nito ang natural flavor ng lutuin. Na-try ko na din ang maraming klase ng seasoning maging yung bagong labas ngayon, at sa totoo lang ito talagang magic ang nagustuhan ko. Kahit anong klaseng lutuin pwede siyang gamitin. Mapa prito, may sabaw, may sauce at kahit nga mga inihaw lang, napapasarap talaga. At kung tutuusin, mas makakatipid ka kung gagamit ka nito. Halimbawa, sa ginisang gulay, sa halip na magsasahog ka pa ng baboy o hipon, pwedeng ito na lang at malasa na ang ginisang gulay mo.

Ofcourse in moderation ang pag-gamit. Lahat naman ng sobra ay masama. Again, hindi ko ito pino-promote, sinasabi ko lang kung ano ang na-experience ko.

Try it!!!

Comments

Cool Fern said…
miss na miss ko yong klase ng isda na pinirito mo,dennis..
ang gustong gusto namin sa isdang yan ay yong medyo maliliit para ma kain mo yong ulo once pinirito..at masrap din siya ipaksiw..i like the small ones na isda na yan..ewan ko kung anong name ng isda na yan sa inyo..wala pa akong nakikitang ganyan na isda dito...
nagluluto din ako ng ampalaya dito kasi meron niyan dito sa mga asian stores or filipino stores
Dennis said…
Itong isdang niluto ko is hasa-hasa. Ito kasi ang common na isda sa palengke bukod pa sa tilapya, bangus at galunggong.

Ang sinasabi mo atang isda ay yung tawilis. Sa Batangas marami nito. Dito sa Manila meron din kahit na sa supermarket. Masarap nga ito na i-prito ng tostado o kaya naman pangat na nakabalot sa dahon ng saging.

Dennis
Unknown said…
May side effect kasi kung lagi kang ggagamit ng magic sarap masama sa katawan

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy