Porkchop Aloha


Sobra akong natutuwa sa magandang feedback na natatanggap ko para sa food blog ko na ito. Kaya naman mas lalo akong ginaganahan na mag-luto pa at mag-post pa ng mga lutuin na masarap pero madaling gawin. Sana ipagpatuloy ninyo ang pag-visit sa blog kong ito at i-share nyo din ito sa inyong mga kaibigan.
Kagaya na lang ng isang maybahay na nag-comment, hindi daw siya marunong magluto at ang tagal-tagal na daw niyang naghahanap ng site na madaling sundan ang paraan ng pagluluto at eto nga nakita ang blog natin...hehehehe. Ngayon nagta-try na siyang magluto using our blog.

For today ang lulutuin natin ay Porkchop Aloha. Pangalawang beses ko pa lang ito nagagawang lutuin. Matagal-tagal na din yung last. Kaya eto sana magustuhan ninyo.


PORKCHOP ALOHA

Mga Sangkap:

1 kilo Porkchop

1 medium size can Delmonte Pineapple Slices

Juice from 6 pcs. calamansi

salt and pepper

maggie magic sarap

olive oil or butter

1 small size onion

3 butill na bawang

2 tbsp. brown sugar

1 tbsp cornstarch


Paraan ng pagluluto:

1. I-marinade ang porkchop sa pinaghalong asin, paminta, calamansi juice at maggie magic sarap. Hayaan nakababad ng 1 oras. Overnight marinade mas mainam.

2. Sa isang kawali o non-stick pan, i-prito ang porkchop sa olive oil o butter. Huwag i-overcooked...yung tamang pula lamang ng balat. Ilagay sa isang lalagyan.

3. I-prito din ang pineapple slices

4. Sa parehong pinaglutuan, maglagay pa ng butter

5. Igisa ang kaunting bawang at sibuyas

6. Ilagay ang syrup ng pineapple slices. Halu-haluin

7. Ilagay ang tinunaw na cornstarch. Halu-haluin. Timplahan ng asin at asukal. lagyan ng tubig ayon sa tamang lapot. Ang tamang lasa nito ay naghahalong asim, tamis at alat.

8. Ayusin sa isang lalagyan ang piniritong porkchop, pineapple slices at ibuhos sa ibabaw ang ginawang sauce.

9. Ihain habang mainit.


Enjoy!!!

Comments

Cool Fern said…
hi dennis..sarap naman nitong luto mo...
di ko alam pwede palang i prito ang pineapple..
sarap nito talaga
Hehehehe....pwede naman..kahit nga ihaw pwede din.....hehehehe. Masarap ang lasa..kasi naghlalaban yung tamis, asim at alat. Try mo.

Dennis
Anonymous said…
Hi Dennis! may porkchop ako sa house ngayon pero i dont know what to cook. Lets see if this Recipe works. Good Luck Sakin! lol

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE