Beef Steak o Bistek Tagalog



Pasensya na kung medyo madalang ang posting ko ng mga bago kong lutuin. Wala kasi sa bahay ang mga anak ko. Nasa probinsya sila at doon nagbabakasyon. So dalawa lang kaming mag-asawa sa bahay at madalas bumibili na lang kami ng lutong ulam for dinner.

Pero isang araw, ni-request ng asawa ko na magluto ng beef steak. So eto na nga ang kinalabasan. Sa sobrang mahal ng beef dinagdagan ko na lang ng patatas as extender. Masarap naman talaga ang kinalabasan.


BEEF STEAK O BISTEK TAGALOG


Mga Sangkap:

1/2 kilo Beef tenderloin (Hiwain ng manipis)

Juice from 8 pcs. calamansi

1 large potato

1/2 cup soy sauce

1 medium onion

1/2 cloves garlic

salt and pepper

Maggie magic Sarap

1 tbsp. cornstarch


Paraan ng Pagluluto:

1. I-marinade ang beef sa asin at paminta. Hayaan ng mga ilang minuto

2. Sa isang kawali o non-stick pan, i-prito ang beef hanggang sa pumula ng kaunti ang mga gilid nito. Hanguin sa isang lalagyan.

3. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas.

4. Ilagay ang piniritong beef. Lagyan ng toyo at tubig. Hayaan kumulo hanggang sa lumambot. Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.

5. Kung malambot na ang karne, ilagay ang patatas at calamansi juice. Timplahan pa ng asin, paminta at maggie magic sarap kung kinakailangan.

6. Kung luto na ang patatas, lagyan ng tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.

7. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng onion rings sa ibabaw.


Ihain habang mainit.

Comments

Cool Fern said…
sarap nito,dennis..ang sa akin naman is my brown sugar ..medyo manamis namis naman ang aking beef steak...
Anonymous said…
alam nyo pa mang dennis dapat i charge nyo un maggie magic sarap ng fee eh. kc po lahat ng recipe nyo meron nun.Free advertisement nila to.
Dennis said…
Brown sugar? pwede din sa halip na seasoning ang ilagay.

Dennis
Dennis said…
Thanks Anonymous. Sabi ko nga optional naman ang paggamit ng Maggie Magic Sarap. Pero sa totoo lang ang laki ng sinasarap ng lutuin pag gumagamit ng ganito. Basta eto lang ang tip. Pag nilagyan mo ng sugar ang lutuin mo, di na kailangan lagyan ng kahit anong seasoning.

Dennis
shamiel said…
hello po!
ump!
paborito ko kasi yong beef steak:)
minsan lang kasi yan niluluto ni papa kc aalam nyo naman ang mahal ng bilihin ngayon..
taga kalibo, aklan po ako.. 20 years old..
gusto ko talaga na magluto ng ganyan.. tinitingnan ko naman kung pano magluto ung papa ko eh.. kasi maraming thanks kasi nakita ko ung blog mo na to at yun nga kinapy ko na lang ung mga ingredients at baka sakaling matutunan kong lutuin..:)
salamat po.. sa picture pa lang mukhang masarap na!
yummm!
Dennis said…
Hi Shamiel,

Ang bistek siguro ang isa sa pinakamadaling lutuin na pagkain. basta lagyan mo lang ng toyo at calamansi ang sliced beef..presto may bistek ka na. Pero ang sikreto sa masarap na bistek ay ang tamang dami ng toyo at calamansi na ilalagay mo. It's for you to find out.


Dennis
Anonymous said…
thanks dennis gsto ko ksing i surprise ung mom ko kya naghanap ako ng madaling paraan kung paano mgluto ng bistek
Unknown said…
Thank s po sa mga recipe nyo ..it helps me a lot ..

Dennis said…
Thanks Michelle....may mga bagong version ang recipe na ito. Just check it under the label BEEF.

Popular posts from this blog

Sinigang na Baboy

Tinolang Manok

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW