Paksiw na Lechon
Ang paksiw ay isang lutuing Pilipino na nilalahukan ng suka. Maaring itong baboy, isda o maging sa manok man. Masarap ang paksiw kung kakainin mo ito ng kinabukasan pa pagkatapos mong lutuin.
Last Wednesday, um-attend ng wedding anniversary ng kapatid niya ang aking asawa sa Batangas. Maraming handa, at isa na dito ang lechong baboy. Inuwian niya ako ng ulam. May afritada, pinalabuan, adobo, hipon at lechon nga. Masarap ang lechon kung kakainin habang mainit pa. Pero kung lumamig na, paksiw na ang kakauwian nito. At ito nga ang ginawa ko sa lechon na ito. Napakadali lang...tingnan nyo....
PAKSIW NA LECHON
Mga Sangkap:
1/4 kilo Lechong Baboy
1 cup Mang Tomas Sarsa ng lechon
1 tbsp. minced garlic
2 tbsp. vinegar
1 medium onion
salt and pepper
sugar
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, ilagay ang lahat ng sangkap
2. Hayaang kumulo. Huwag hahaluin
3. Makaraan ang mga 15 minuto, tikman at timplahan pa ng asin, paminta at asukal. Ang tamang lasa nito ay yung nag-aagaw ang asim, tamis at alat.
4. Ihain habang mainit.
Note: Sabi ko nga mas mainam kainin ito 1 day after na maluto. Mas malasa ang sauce at ang lechon mismo.
Enjoy!!!
Comments
more power to you Dennis!!
Dennis