Pancit Lomi Guisado



Sa probinsya ng Batangas paborito ng sino mang tao donn ang lomi. Mapa may sabaw o kaya naman ay guisado hit na hit ito sa kanila. Kaya naman mula ng makapag-asawa ako ng taga Batangas, nakagiliwan ko na din na kumain nito lalo na kung ako ay nauuwi dito.

Pero ang recipe natin for today ay dito ko sa Manila niluto....hehehehe. Actually madalim lang itong lutuin at ilan lang ang sangkap na kailangan. Gusto ko sana ay may sabaw kaso eto nga sa pancit guisado ito nauwi. Pero masarap naman din ang kinalabasan. Kinain nga pala namin ito as breakfast.

PANCIT LOMI GUISADO

Mga Sangkap:
400 grams Miki or egg noodles (yung matataba ang hibla)
250 grams chicken fillet cut into strips (i-marinade sa asin at paminta
4 tbsp. oyster sauce
1 tbsp minced garlic
1 large onion chopped
2 eggs
kinchay o cilantro
1 8gram sachet Maggie magic Sarap
salt and pepper
cooking oil

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali o non-stick pan na may kaunting mantika, i-prito ang binating itlog. Ikalat ang itlog sa kawali para manipis ang kalabasan. Hanguin sa isang lalagyan.
2. Dagdagan ng kaunti pang mantika at i-prito ang chicken fillet hanggang sa pumuti na ang laman.
3. Ilagay sa gilid ng kawali ang manok at igisa ang bawang at sibuyas
4. Halu-haluin ang ginisang sangkap at ilagay ang miki o ang lomi noodles
5. Lagyan ng kaunting tubig, timplahan ng asin at paminta at hayaang maluto
6. Ilagay ang oyster sauce at maggie magic sarap. Timplahan pa ng asin at paminta ayon sa inyong panlasa
7. Hanguin sa isang bandihado at ilagay sa ibabaw ang ginayat na itlog at kinchay

Masarap kainin kasama ang mainit na pandesal.

Note: Kung mapapansin nyo walang gulay na kasama maliban sa kinchay. Niluto ko kasi ito bago mag-holy week so walang laman ang fridge namin kaya ganito lang ang ginawa ko. Kung gusto ninyo ng may gulay maari din naman itong lagyan.

Enjoy!!!1

Comments

Cool Fern said…
di ba pwedeng lagyan to ng kaunting shrimps,dennis?
i think kung may kaunting shrimps eh ma e-enhance ang kanyang flavor..
just asking
Dennis said…
Yup, pwede naman...sabi ko nga in any kinds of food wala naman talagang exact recipe. Nung niluto ko ito, wala ng iba pang laman ang fridge namin...kaya ito lang ang kinalabasan. Hehehehe.

Dennis
Dennis said…
Isa pa pala....maha ang hipon dito sa 'Pinas.....ang lowest price is P380 a kilo.....hehehehe

Dennis
Cool Fern said…
pag nagluluto ako eh mga 5 pcs lang naman ang ginagamit ko and then didikdikin ko na ang ulo to get the juice..yong juice niya kasi ang magpapasarap lalo sa mga pansit,chopsuey and any food siguro...
Dennis said…
Correct ka dyan Cool Fern! Masarap talaga sa pancit ang hipon. Pero kung mga 5 pcs. lang ang ilalagay ko, di bale na lang....hehehehe....pagaawayan lang naming mag-asawa ang isa....hahahahahaha.

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

Sinigang na Baboy

Tinolang Manok