Sinarabasab - An Ilocano Dish





Nung isang araw hindi ko malaman kung anong luto ang gagawin ko sa 1 kilong liempo na nasa fridge namin. First, adobo sana...ayaw naman ng asawa ko. Inisip ko, iihaw. Komo di nga ako maka-decide, nag-check ako sa internet ng mga recipe na para sa karne ng baboy. And presto! eto nga ang nahanap ko. Bukod sa madali itong lutuin, meron ang mga sangkap na kailangan para dito. Nung una medyo duda ako sa kakalabasan. Pero alam nyo nung kinakain ko na, nawala sa isip ko ang diet....hahahahaha. Try nyo ito. Ang nagpapasarap sa dish na ito ay yung side dish na kasama.


SINARABASAB - An Ilocano Dish

Mga Sangkap:

1 kilo Pork Liempo (Piliin nyo yung di masyadong makapal ang taba)

1 20grams Knorr sinigang mix

1 tbsp. brown sugar

1 tsp. salt

For the side dish:

3 large tomato

1/2 red onion

5 tbsp. bagoong balayan

1 calamansi


Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang lalagyan, paghaluin ang knorr sinigang mix, asukal at asin

2. I-kiskis ito sa laman ng liempo

3. Hayaan muna ng mga 30 minuto

4. I-prito sa mantika sa mahinang apoy. Take note na mahina dapat ang apoy, kung hindi masusunog agad ang labas ng karne pero hilaw pa ang loob.

5. Hanguin sa isang lalagyan at hiwain ng pa-cube.

6. Para sa side dish, paghaluin lamang ang lahat na sangkap

7. Ihain ito kasama ng piniritong liempo


Try it! Kakaiba talaga ang lasa nito. One more tip, maari din siguro itong i-ihaw. Mukhang masarap din ito sa ganoong luto.

'Till next.....

Comments

MaMely said…
Part Ilocano ako from Pangasinan pero hindi ko pa narinig itong putaheng ito....sa pag discribe mo, nasasarapan ako. siguradong i-try ko ito! 'saka madali lang, yun ang gusto ko....masarap na, madali pang lutuin!
Dennis said…
Tama ka MaMely madali lang itong lutuin at masarap. Hindi mo maa-appreciate yung sarap nito kung wala yung side dish especially the bagoong balayan. Panalo talaga ang magiging kain mo with this...hehehehehe

Dennis
Confession Nook said…
nakakamiss back home while looking at your blog..nakakagutom....pero feels like home...=)tagal ko nang gustong mg grill ng liempo pero laging napiprito..maganda tong recipe na to..ill make this one and let u know..=) cheers and God bless to you and your family! keep cookin'
Dennis said…
Thank you acdee for visiting my blog. May lalo akong nai-inspire kapag may mga bagong visitor intong food blog ko.

Yup...try mo ito...madali lang lutuin at masarap talaga.

Regards,

Dennis
Anonymous said…
Dennis and Family... am glad to have found your blog. I really miss this food and a lot of our foods... But i would like a recipe for crispy pata... been decades since I had that. Thanks and good luck, God bless.
paul said…
May recipe ng insarabasab at dinakdakan sa www.myfilipinorecipes.com. Looks very delicious!

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy