Posts

Showing posts from May, 2009

BULALO: All Time Paborito ng mga Pinoy

Image
Bukod sa Sinigang, ang Bulalo marahil ang isa sa nangunguna pagdating sa pagkaing may sabaw sa ating mga Pilipino. Dahil sa sarap ng sabaw at sa lambot ng karneng baka talaga namang patok na patok ito sa atin. Lalo pa kung may kasamang inihaw na liempo o isda...hehehehe. Tiyak na bundat tayo sa ating pagkain. BULALO: All Time Paborito ng mga Pinoy Mga Sangkap: 2 kilos Beef Shank with bone marrow 2 large onions quartered 250 grams repolyo 2 tale pechay tagalog 2 tangkay na leeks 2 pcs. yellow corn cut into 4 2 pcs. potato quartered 1 tsp. whole pepper corn salt Paraan ng Pagluluto: 1. Sa isang malaking kaserola, ilagay ng baka at subuyas. Lagyan ng tubig, asin at pamintang buo. 2. Hayaang kumulo hanggang sa lumambot ang laman at litid ng baka. Alisin ang mga namuong dugo na lumulutang sa sabaw ng pinapakuluan. 3. Kung malapit ng lumambot ang karne, ilagay ang mais. 4. Kung luto na ang mais saka ilagay ang patatas. 5. Kung malapit namang maluto na ang patatas ay saka ilagay ang repolyo, ...

Pork Binagoongan

Image
Matagal ko nang gustong lutuin ang recipe natin for today. Yun lang hindi ako maka-hanap ng bagoong na tatama sa lasa na gusto ko. At eto nga, may nagbigay ng bagoong alamang na galing ng Pangasinan. Sabi ko lang, eto na yun. At hindi nga ako nagkamali. Masarap ang kinalabasan ng aking Pork Binagoongan. Ang highlight ng recipe na ito ay nasa bagoong talaga. So, importante na nasa tamang alat at tamis ang bagoong na gagamitin. Try nyo..magugustuhan nyo ito at madali lang gawin. PORK BINAGOONGAN Mga sangkap: 1 kilo Pork Kasim (hiwain ng pang adobo) 1/2 cup Bagoong Alamang 1-1/2 cup Kakang gata 2 pcs. Talong (hiwain ng pa-oblong) 3 pcs. siling pang sigang 2 tbsp. minced garlic 1 large onion Salt & Pepper Paraang ng pagluluto: 1. I-marinade ang karne ng baboy sa kaunting asin at paminta. Hayaan ng mga 10 minuto 2. Sa isang kawali may mantika, i-prito muna ang talong. Hanguin sa isang lalagyan. 3. Isunod na i-prito ang baboy hanggang sa pumula lang ng kaunti ang karne. Ilagay sa isang ...

Overnight @ Richmonde Hotel with My Family

Image
Nakagawian na naming pamilya na mag-swimming tuwing summer. Maliliit pa ang mga bata ginagawa na namin ito. Last year nga sa Boracay pa kami dumayo ng pagswi-swimming....hehehehehe...Kaya nga this year kahit papano ay iniraos ko ito kahit medyo mabigat sa budget. At isa pa, ginagawa namin ito bilang reward sa mga bata. Sinasabi ko sa kanila na kapag maganda ang grades nila sa school mas dadalasan namin ang pagpunta ng sa mga ganitong lugar kahit hindi summer. At dito nga sa Richmonde Hotel sa Ortigas kami nag-check-in. Actually, pang tatlong beses na namin itong mag-check-in dito. Isa pa, sister company ito ng kumpanyang pinapasukan ko, kaya naman kahit papano ay nakakakuha ako ng discount. Nag-check-in kami last May 23 Saturday yun mga 2:30pm. May pasok pa kasi ako ng morning at yun nga sinundo ko muna yung mga anak ko sa bahay at saka kami tumuloy ng hotel. Ang wife kong si Jolly ay sumunod na lang dahil may pasok din siya ng araw na yun. After ng konting pahinga at maisaayos ko ang...

PISTEK (Fish Steak)

Image
Marami tayong mga salita or words na hango sa salitang ingles o kastila. Halimbawa, shorpet. Sa amin sa Bulacan ito ang tawag sa baseball cap. In english, hango ito sa salitang sure fit. Ganun din ang istepin o tsinelas. Hango iyun sa english word na step in. Sa pagkain naman narito ang bistek or in english beef steak. Dito ko kinuha ang recipe natin for today. Tinawag ko siyang Pistek o hango sa salitang ingles na fish steak. Halos kapareho lang ng sangkap at pamamaraan ang pagluluto nito sa bistek. Yun lang nilagyan ko pa ng twist para mas masarap ang kalabasan. Sa itaas pala ang larawan nung isda na pinirito ko na before ko siya nilagyan ng sauce. PISTEK (Fish Steak) Mga Sangkap: 500 grams Bangus back fillet (Hiwain sa nais na laki) Salt and pepper 1 egg 1 cup all purpose flour 1/2 cup cornstarch 1 8gram sachet maggie magic sarap cooking oil For the sauce: 2 large size red onion 1 tbsp minced garlic 1/2 cup soy sauce juice from 6 pcs. calamansi salt and pepper sugar Paraan ng paglu...

Lumpiang Prito

Image
Katulad din ng iba pang pagkaing Pilipino, marami din ang variety ng lutuing ito. Pwedeng kainin ng fresh o kaya naman ay piniprito. Nagiiba-iba din ang pinapalaman dito. Mayroong sari-saring gulay, meron naman na giniling na baboy lang....yung iba naman nilalagyan pa ng sotanghon. Kung baga ang sangkap na pwedeng gamitin ay endless. Depende na sa ating gusto at sa ating imagination. Ang inspirasyon nga pala sa lutuing ito ay ang aking kapitbahay na si Ate Joy. Nagluto siya nito nung isang araw. Nang matikman ko, nagustuhan ko naman. At tinanong ko nga sa kanya kung papano niya ito niluto. Hindi ako ang nagluto ng entry nating ito for today. Ang aking helper na si Ate Minda ang nagluto nito. Kababayan ko ito kaya halos magkapareho kami ng timpla sa pagkain at marunong talaga siyang magluto. Tinuro ko lang sa kanya ang gagawin at alam niya agad kung papano. And take note, masarap ang kinalabasan ng lumpiang prito niya. LUMPIANG PRITO Mga Sangkap: 300 grams giniling na baboy 2 cups bean ...

Sinigang na Hipon

Image
Katulad ng paborito nating adobo ang sinigang ang isa sa mga lutuing Pilipino na maraming variety. Hindi lamang sa pangunahing sangkap nito katulad ng baboy, baka, isda o kaya naman hipon, maging sa pang-asim na gagamitin. Depende na lang siguro kung ano ang available sa inyong lugar. Di ba may gumagamit ng bayabas, yung iba naman santol, meron nga kamyas naman.... may nabasa nga ako lemon ang ginamit. Pangkaraniwan siguro na ginagamit natin ay ang sampalok. Komo nga nauso na ang mga instant na pangasim sa sinigang, matagal-tagal na din akong hindi nakakatikim ng sinigang na hindi instant ang pang-asim. Hayaan nyo pag nagkaroon ng pagkakataon i-post ko yung sinigang ko na hindi instant pang-asim ang gamit. hehehehe Siguro naman ay alam na natin ang pagluluto nito. Yun lang nagkakaiba-iba ang ating pamamaraan. Basta ang importante sa isang sinigang ay ang tamang asim nito. SINIGANG NA HIPON Mga Sangkap: 1 kilo Hipon or Sugpo (Hipon lang ang ginamit ko dito...mahal kasi ang sugpo eh...he...

Champorado at Tuyo

Image
Simple lang ang recipe natin para sa araw na ito. Alam ko alam na ninyo itong lutuin. Pero ang gusto kong pagtuunan ng pansin ay ang pagiging tunay na lutuing Pilipino nito. Hindi ko alam ang origin ng lutuin ito. Pero ang natatandaan ko maliliit pa kami ay pinakakain na kami ng ganito sa bahay. Ang isa lang na hindi ko maintindihan ay kung bakit tuyo ang naging ka-partner nito habang kinakain. Parang magka-kontra ang lasa nito pareho. Matamis tapos maalat naman ang isa. Ay ewan ko nga ba. Isa lang ang masasabi ko, masarap itong kainin lalo na kung umuulan. Hehehehehe The last time na umuwi kami ng San Jose, Batangas, sa mga biyenan ko, pinauwian kami ng purong tablea ng cacao. Alam mo naman sa probinsiya, basta may umuwi na mga kamag-anak, hindi mawawala ang pabaon pag sila ay aalis na. At eto nga, saging na saba at purong tablea ng cacao ang pinauwi sa amin. Ito siguro ang pagkakaiba ng Champorado na niluto kumpara sa mga champorado recipe na nakikita nyo sa ibang blog. Yung sa iba u...

Luncheon Meat and Mushroom Frittata

Image
Ang hirap na mag-isip ng pang-ulam o pagkain na pang breakfast. Halos every week na lang nagpapalit-palit lang sa hotdog, itlog, longanisa, tocino, tuyo, daing, etc. ang ating inihahanda. Minsan sinasalitan ko na lang ng sopas, arroz caldo o kaya naman champrado. Pero syempre iba yung kanin ang breakfast. Mas matagal ang busog. Para hindi maging boring ang pang-araw-araw nating almusal, maaring magplano at mag-isip ng mga luto na pepwedeng isalit sa mga ito. Katulad na lang ng recipe natin for today. Sa halip na simpleng prito lang ang ginawa ko sa luncheon meat ginawa ko itong frittata or torta. Madali lang itong gawin at tinitiyak kong magugustuhan ito ng mga kids. LUNCHEON MEAT AND MUSHROOM FRITTATA Mga Sangkap: - A can of 215 grams Purefoods Luncheon meat cut into small cubes - 1 small can Jolly sliced mushroom - 3 eggs beaten - a dash of dried basil - 1/2 cup of grated cheese - 1 tsp. minced garlic - 1 small onion chopped - salt and pepper to taste - olive oil Paraan ng pagluluto:...

Beef Broccoli in Oyster Sauce

Image
Tinanong ko ang asawa kong si Jolly kung anong ulam ang gusto niya for our dinner. Sabi lang niya, kahit ano basta huwag lang baboy. Hehehehe. Medyo takot pa siya kumain ng baboy ngayon. Although, wala pa naman kaso ng swine flu dito sa atin, siguro para sa kanya, mainam na rin yung nag-iingat. Dalawa ang pinagpipilian kong iluto, isda o kaya naman ay baka. Sa baka ako nauwi...hehehehe. Bagamat mahal ang kilo ng baka ngayon, ito pa rin ang naisip kong iluto. At sa isip ko nga, why not Beef Broccoli ang iluto ko. Nga pala, mahal din ang gulay na broccoli. Yung nabili ko kapiraso lang P45 na. Malaki lang ang tangkay....hehehehe BEEF BROCCOLI IN OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Beef Tenderloin thinly slice (bite size) 250 grams Broccoli cut into serving pieces (Yung tangkay pwede ding isama. Alisin lang yung balat o yung matigas na part) 1/2 cup Oyster sauce 1/2 cup soy sauce 1 thumb size ginger cut into strip 1 cloves garlic 1 medium size onion salt ang pepper 1 tbsp. cornstarch 1 8gram ...

My Sister Shirley's 40th Birthday

Image
Last May 16, umuwi kaming buong pamilya sa Bocaue, Bulacan para um-attend ng 40th Birthday ng kapatid kong si Shirley. Apat kaming magkakapatid at siya ang bunso. Bale siya ang sumunod sa akin. Kahit nga medyo mahirap ang buhay ngayon, talagang pinaghandaan ng aking kapatid ang kanyang kaarawan. Akala ko nga simpleng hapunan lang ang handa, yun pala madami din. At ang mga pagkaing inihanda...may pangkaraniwan at meron in namang bago. Mahilig ding mag-basa ng mga food magazines ang kapatid ko kaya naman ilan sa mga handa niya ay galing doon. Masarap lahat ng handang pagkain....yun lang medyo pinigilan ko ang aking sarili at mahirap na....hehehehehe. Above is my Tatang Villamor, di ba bagets na bagets pa rin? hehehehe Eto ang ilan sa mga handa, hindi pa kasi nakalagay yung iba. Yung nasa food warmer Pata Tim, tapos yung kasunod di ko alam ang tawag. Basta sa food magazine niya ito nakuha. Chicken barbeque, turbo chicken at yung nasa dulo ordinary pritong tilapia. Closer shot ng Chicken b...

Nilagang Spareribs ver. 2

Image
Here is another version of my Nilagang Spareribs. Dun sa una kong posting nilagyan ko ng saging na saba at kamote as extender. Di ba nga sa hirap ng buhay ngayon at sa tataas ng mga bilihin, kailangan na matuto tayong magtipid sa ating mga gastusin. Hindi naman ibig sabihin nito ay hindi na tayo kakain ng masarap, kailangan lang ay makapagisip tayo ng paraan o kaunting eksperimento para magawa natin ito. At isa nga dito ang pag-gamit ng mga extender. Sa recipe natin ngayon gumamit ako ng mais as extender. Di ba sa mga nilagang baka o kaya naman bulalo nilalagyan nila ito ng mais? Hindi laman extender ang nagiging papel ng mais sa lutuing ito. Nagpapalasa din ito sa sabaw ng nilaga. Sa lutuing ito, pwede ding gumamit ng baka o kaya naman ay manok. NILAGANG SPARERIBS Ver. 2 Mga Sangkap: 1 & 1/2 kilo Pork spareribs cut into bite size pieces 1/2 medium size repolyo 1 large potato cut into 1/8 size 1 bunch of pechay tagalog 1 tangkay ng leeks 1 large onion 2 pcs. yellow corn or sweet co...

Crack Pot Roast Beef

Image
Medyo sosyal ang entry natin for today. Crack Pot Roast Beef. Di ba ang gandang pakinggan? Hehehehehe. Nakuha ko lang ang recipe nito sa isa ding food blog. Nung mabasa ko ito, aba sabi ko ang dali lang. Ang medyo mabigat lang dito ay yung tagal ng pagluluto na gugugulin. Pero sulit naman ang matagal na ipaghihintay. Masarap talaga at para ka na ring kumain sa mamahaling retaurant. Sabagay, mahal naman talaga ang beef....hehehehehe. CRACK POT ROAST BEEF Mga Sangkap: 1 kilo Beef slabs (Ang ginamit ko dito ay yung cut sa batok. Pwede naman kahit saang part basta wag lang yung malitid) 1 cup chopped onions 1 cup chopped celery 1 cup soy sauce 1 cup red wine or vinegar 1 cup water 1 tbsp. whole pepper corn 1 8gram sachet maggie magic sarap (optional) 1 tbsp. cornstarch Paraan ng pagluluto: 1. Ilagay ang lahat ng sangkap sa isang palayok o kaserola at saka ilagay ang buong cut na beef 2. Pakuluan ito ito hanggang sa lumambot. Siguro mga 4 to 5 hours depende sa parte ng baka na ginamit 3. Ku...

Fried Tilapia with a Twist

Image
Tilapia, kung tawagin ng iba St. Peter's Fish. Nung una kong madinig ito, sabi ko, bakit? May tilapia na ba nung araw? Hanggang nung mapanood ko muli sa DVD yung movie na Jesus of Nazareth. Di ba may parte dun na inutusan ni Jesus si Peter na ihulog ang kanyang lambat sa dagat? At yun nga ang dami niyang nahuling isda. At dun sa movie tilapia ang isda na ipinakita. Nung mapanood ko ito sabi ko, dun kako siguro nakuha yung tawag sa tilapia na St. Peter's Fish. Hehehehe. Pangkaraniwan na sa atin ang ulam na pritong tilapia. Bukod pa sa masarap na isda ito, mura din ito na mabibili as compare sa ibang klase ng isda. So, para naman maiba ang ating ordinaryong pritong tilapia, nilagyan ko ito ng twist. And I tell you, masarap ang kinalabasan ng aking eksperimento.....hehehehe. Try nyo! FRIED TILAPIA WITH A TWIST Mga Sangkap: 1 1/2 kilo medium size tilapia 1 thumd size grated ginger 1 tsp. minced garlic 2 tbsp. chopped lemon grass or tanglad 1/2 cup vinegar salt and pepper 1 8gram sa...

Enseladang Talong sa Bagoong Balayan

Image
Sa pagluluto, importante na matutunan ang pagbe-blend ng mga flavors. Dapat din medyo matapang tayo to experiment. Di naman kasi dapat naka-depende tayo lagi sa recipe. Halimbawa, na-try nyo na bang paghaluin ang calamansi, suka at toyo para gawing sawsawan sa inihaw o prito? Try nyo at masarap talaga. Sa entry natin for today, yun ang naging inspirasyon ko. Ang pagmi-mix ng ibat-ibang flavors ng sangkap. Sabi ko nga walang exact na recipe sa isang lutuin. Depende ito sa panlasa ng nagluluto at ng kakain. Nga pala, masarap ang recipe nating ito sa pritong isda o kaya naman ay inihaw na liempo. Try nyo ito....masisira ang diet nyo pag natikman nyo ito...hehehehe. ENSELADANG TALONG SA BAGOONG BALAYAN Mga Sangkap: 5 pcs. medium size talong 4 pcs. medium size tomatoes 1 pc. medium size red onion 2 pcs. salted egg o itlog na pula 1/2 cup bagoong Balayan 4 pcs. calamansi Paraan ng pagluluto: 1. Ihawin o ilaga ang talong. Ako, niluto ko sa microwave ng mga 6 minutes. Palamigin muna saka balat...

Tamalis Batangas

Image
Ang entry natin for today ay isang kakanin. Medyo nalilito lang ako kasi ang dami palang variety ng kakaning ito. Nabasa ko sa net, ang tamalis pala ay galing sa isang pagkain na nag-originate sa Mexico. Ang tawag dito ay tamale. Isa itong pagkain na ang pangunahing sangkap ay giniling na mais. Sa amin sa Bulacan may dalawang klase nito. Yung isa ang tawag namin ay boboto. Giniling na bigas ito na niluto sa gata at may halong paminta. Korteng pyramid ang hugis nito at nilalagyan ng latik sa ibabaw at nakabalot sa dahon ng saging. Sa ibang lugar,yung iba naman may kahalong karne na parang menudo sa ibabaw. Sa bayan ng asawa ko sa San Jose, Batangas, iba naman ang tamalis sa kanila. Square ang hugis niya na nakabalot sa dahon ng saging. Malagkit na bigas ang sangkap nito at lihiya. Kapag kinakain ito, isasawsaw mo ito sa sauce na matamis at toasted na kinayod na niyog. Kung ikukumpara ito sa amin sa Bulacan, ang tawag namin dito ay suman sa lihiya. Yung nga lang kinayod na niyog at asuka...

TURON HALAYA

Image
Medyo busy ako ngayon sa kakaisip ng mga pagkain na maari kong i-share sa munting blog kong ito. Dahil sa mga feedback na natatanggap ko, mas lalo akong nai-inspire na magpatuloy pa at mag-post pa ng mga lutuin na alam kong gawin. Sana lang mai-share nyo din ito sa inyong mga kakilala. Pag nakikita ko kasi na marami ang nagbi-visit dito, mas natutuwa at nai-inspire ako. Keep on visiting Kagabi, ang original na plano ay gumawa ng turong munggo para pang himagas. Pero naisip ko, why not ube jam or halayang ube na lang ang gamitin ko. Kagaya na lang ng hopia, di ba may ube flavor na rin ito? So yun nga ang ginawa ko at nasiyahan naman ang mga anak ko sa kinalabasan. Sabi nga nung panganay kong anak na si Jake, Daddy gawa ka uli nung turon.....hehehehe. Madali lang itong gawin try nyo. TURON HALAYA Mga Sangkap: 1. Lumpia Wrapper 2. Ube Jam or Halayang Ube 3. Alaska condensed milk 4. Cooking oil 5. 1 tbsp. flour dissolved in water (Gagamitin ito na pandikit sa edge ng lumpia wrap...

Chicken Curry

Image
Pasensya na po kung medyo natagal ang pagpo-post ko ng mga bago kong niluto. Pero sabi ko nga, as promised, eto na naman ang mga bago kong niluto para sa inyo. Matagaltagal na din akong hindi nakakapagluto ng recipe natin for today. Isa ito sa mga paboritong ulam ng anak kong si Jake. Komo nga kagagaling lang nila sa bakasyon sa bahay ng aking biyenan, parang sabik na sabik sila sa luto ng Daddy nila...hehehehehe. Kaya eto simulan na natin. Madali lang ito at tiyak magugustuhan ng inyong buong pamilya. CHICKEN CURRY Mga Sangkap: 1.5 kilo Whole Chicken (Hiwain na parang pang adobo) 1 large potato cut into cubes 1 large carrot cut into cubes 1 large red bell pepper (Hiwain ng pahaba) 2 stalks of celery (Hiwain ng pahaba) 2 stalks of lemon grass (white lower portion) chopped 3 tbsp. thai fish sauce or patis 2 tsp. of curry powder 1 small can Alaska evap (Yung red label) 1 cloves minced garlic 1 large onions chopped 1 thumb size ginger cut like a match sticks 1 tbsp. cornstarch 1 8gram Mag...

Egg Canapes

Image
Madali lang ang entry natin for today. Ilaga lang ang itlog at konting halo halo ayos na. Actually, masarap na handa ito sa mga parties or cocktails. Wala lang naisipan ko lang na gumawa nito last night. Marami pang mayonaise na sobra dun sa ginawa kong kani & cucumber salad and presto may bagong recipe na naman ako. Di ba nga kaming mag-asawa lang sa bahay, so hindi talaga ako nagluluto ngayon ng pangmaramihan lagi....hehehehe. Ang masasabi ko lang, marami kang pwedeng gawin sa recipe na ito. Siguro kailangan lang ng konting imagination at tamang pag-blend ng mga sangkap para mas lalong sumarap ang food. EGG CANAPES Mga Sangkap: 4 large size hard boiled egg 1/2 cup Lady's Choice mayonaise 1/2 cup grated cheese 1 tbsp. chopped fresh basil leaves salt and pepper Paraan ng paggawa: 1. Balatan ang nilagang itlog. 2. Bago hiwain sa gitna ang itlog, tapyasan muna ng kapiraso ang magkabilang gilid ng itlog para madaling tumayo pag nahati na. 3. Hatiin sa gitna ng pula ang itlog 4....

Kani and Cucumber Salad

Image
On diet ang wife ko ngayon. Medyo naramdaman na daw niya na tumataba siya. Hehehehe...Kaya naman nung isang araw, kani sticks or crab sticks lang ang kinain niya with mayonaise. Kaya nung makita ko yung natira pang kani sticks sa fridge, kani salad agad ang naisip ko na gawin. At eto na nga, natuloy din ang salad na gusto kong gawin. But instead na pure kani lang ang gagawin ko, naisip kong bakit hindi ko haluan ng iba pang gulay ang salad. At yun nga, hinaluan ko ng pipino, singkamas at carrots. Masarap naman ang kinalabasan. Ito din pala ang kinain ko for dinner that night. Nakakabusok naman....hehehehe. At siyanga pala, nilagyan ko din ng mani ito para mas sumarap pa. KANI AND CUCUMBER SALAD Mga Sangkap: 10 pcs. crab or kani sticks 2 pcs. medium cucumber 1 medium size singkamas 1 medium size carrots 1 cup Lady's choice mayonaise 2 tbsp. chopped adobong mani salt and pepper Paraan para gawin: 1. Hiwain ang crab sticks at lahat ng gulay ng pahaba. Mga 2 inches na maninipis na ...

Spicy Thai Chicken Basil

Image
Kagaya ng Adobo nating mga Pilipino, ang lutuing Thai na ito ay marami ding variety. Nai-post ko na ang unang kong version at ito ang pangalawa. Komo nga laman lagi ng balita ang swine flu virus, medyo iniiwasan muna namin na kumain ng baboy. Kaya eto, chicken dish ang niluto ko kagabi for our dinner. Sa entry natin for today, just like most of the Thai dishes, ginawa ko itong medyo spicy. At nakakatuwa naman at masarap ang kinalabasan. Hindi siya spicy na spicy. Kung baga, tamang-tama lang ang anghang nito sa aking panlasa. Also, gumamit ako dito ng Thai fish sauce o patis natin na galing Thailand mismo. Try it! Magugustuhan ninyo ito. SPICY THAI CHICKEN BASIL Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Breast cut into small pieces 2 cups of fresh basil leaves 1/2 cup soy sauce 3 tbsp. Thai Fish Sauce or patis 1 tbsp. Lee Kum Kee Chili Garlic Sauce 1 cloves minced garlic 1 medium onion chopped 1 thumb size ginger grated 1 tbsp. sugar 1 tsp. cornstarch Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kaserola, igisa ...

Corned Beef Frittata

Image
Sa hirap ng buhay ngayon at sa mahal ng mga bilihin, dapat ay wala tayong nasasayang na pagkain. Dito pumapasok ang pagkatuto natin na mag-recycle ng mga leftover na pagkain. Kagaya nitong recipe natin for today. Corned beef ito na tira-tira namin nung isang araw. Di ba nga dalawa lang kami sa bahay ngayon? Kaya ayun nag-kasya sa amin ang lutuing ito at masarap ha. Sabi nga, kailangan lang nating maging innovative para makagawa ng isang masarap na putahe. Try nyo ito, pwede nyo ding gawin ito sa iba pa ninyong leftover na pagkain kagaya ng hotdog, ham, or kahit chicken or pork man. Bakit pala frittata? Actually nabasa ko lang din ito sa isa pang food blog. Di ko alam kung anong salita ito....pero dito sa atin torta ang ang tawag dito. CORNED BEEF FRITTATA Mga sangkap: 1 cup Corned beef guisado with potato 3 eggs fresh basil leaves 2 tbsp. olive oil 1/2 cup grated quick melt cheese Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang non-stick pan, maglagay ng kaunting olive oil 2. Ilagay ang leftover na g...

Fish and Chips in Creamy Herbed Dip

Image
Tayong mga Filipino, hindi tayo sanay na kumain ng ulam na walang kanin. Kung baga hindi kumpleto ang araw natin pag hindi tayo naka-kain ng kanin. Sa mga western countries, kabaligtaran naman sila natin. Sila, kahit sandwiches lang o kaya naman pasta, okay na sa kanila. Sa UK at US pangkaraniwan sa kanila ang recipe natin for the day. Yun bang mga pagkain na may kasamang chips or fries. Dito sa atin medyo nasasanay na tayo dahil sa dami ng mga fastfood chain na nag-se-served ng mga ganitong pagkain. Actually, madali lang ang recipe natin. Try nyo ito. FISH AND CHIPS IN CREAMY HERBED DIP Mga Sangkap: 1/2 kilo Fish Fillet (Pwedeng tuna, lapu-lapu o kaya naman Cream of Dory) Hiwain ng pahaba 6 pcs. calamansi 1 egg 1 cup all purpose flour 1 8gram sachet Maggie Magic Sarap Salt and pepper 3 large potato (Hiwain na parang french fries. Pwede ding pabuilog na manipis.) 3 cups cooking oil For the dip: 1/3 cup butter 1/2 cup all purpose flour 1 small can Alaska Evap 1 tbsp chopped fresh basil...