Tokwa at Kalabasa in Oyster Sauce


Eto ang isang pagkain na ayos na ayos sa mga nagda-diet o kaya naman sa mga taong nagbabawas sa pagkain ng baboy. Bukod pa sa napakadali nitong lutuin, simple lang ito pero masarap. At matipid din...hehehe. Magkano lang naman ang kalabasa at tokwa? Masarap ito sa pritong isda o pritong porkchop. Pero pwede din itong kainin as isang ulam. Try nyo masarap ito. Ano ba naman ang hindi sasarap pag may oyster sauce na kasama? hehehehe.


TOKWA at KALABASA in OYSTER SAUCE

Mga Sangkap:

1/4 kilo Kalabasa cut into small cubes

3 pcs. Tokwa cut also into small cubes

3 tbsp. Oyster Sauce

1 clove minced garlic

1 small red onion chopped

salt and pepper

Maggie Magic Sarap (Optional)


Paraan ng Pagluluto:

1. I-prito ang tokwa sa kumukulong mantika. Hanguin sa isang lalagyan.

2. Sa isang kaserola o kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika o butter.

3. Ilagay ang kalabasa... timplahan ng asin at paminta...lagyan ng kaunting tubig at takpan.

4. Kung malapit ng maluto ang kalabasa, ilagay ang tokwa at oyster sauce. Halu-haluin

5. Timplahan ng maggie magic sarap. Lagyan pa ng asin at paminta kung kinakailangan ayon sa inyong panlasa.

Hanguin sa isang lalagyan at ihain habang mainit.

Till next...marami pang susunod.

Comments

Cool Fern said…
you are right,dennis, pag lagyan mo ng oyster sauce ang mga niluluto mo sumasarap ang lasa talaga...noong isang araw nga nagluto ako ng ginisang ampalaya (sa tubig ko iginisa actually)nilagyan ko lang ng oyster sauce..naku ha ang sarap
Dennis said…
Yup...anything pag nilagyan mo nito...kahit nga kangkong eh....nagiging espesyal pag nilagyan mo nito. Di baleng wag mo nang lagyan ng seasoning kahit asukal lang ay okay na.

Thanks my friend...
Anonymous said…
ma try nga to mamaya.. hehehehe.. sa tingin ko masarap nga to..
Unknown said…
Good day po Mr. Dennis,

Ask ko lang po kung pwede ito samahan ng chicken? Thanks po!
Dennis said…
Pwede naman Mary Jane....kahit pork or shrimp ay pwede din. Sa mga vegetarian bagay na bagay ang dish na ito.

Thanks for the visit :)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

Sinigang na Baboy

Tinolang Manok