3 HERBS PAN-GRILLED LIEMPO


Here's another version of Inihaw na Liempo. Pero sabi ko nga komo wala kaming ihawan sa bahay, pan-grill na lang ang ginawa ko dito. In this version, 3 klaseng herbs ang ginamit ko para magpalasa sa liempo. Dried basil, dried oregano at dried rosemary. Lahat naman na ito ay available sa supermarket. And you know what? Ang sarap ng kinalabasan. Ito nga pala ang isa sa mga ulam na niluto ko nung may padasal sa bahay para sa Holy Family. Try nyo ito. Tingin ko mas masarap ito kung i-ihaw talaga sa baga. Or pwede din iluto sa oven o turbo broiler.



Eto yung pict nung bago ko pa lang pina-pan-grill.


Eto naman yung pict nung malapit ng maluto


3 HERBS PAN-GRILLED LIEMPO


Mga Sangkap:

1 kilo Pork Liempo

1 tbsp. Dried Basil

1 tbsp. Dried Rosemary

1 tbsp. Dried Oregano

1 tsp. ground pepper

2 8g sachet maggie magic sarap

1 tbsp salt

2 tbsp. brown sugar

1/2 cup soy sauce

Paraan ng pagluluto:

1. Paghaluin ang lahat ng sangkap maliban sa pork liempo, brown sugar at soy sauce

2. I-rub ang pinahalong sangkap sa karne. Hayaan ng mga 1 oras. Syempre mas matagal na i-marinade mas mainam.

3. Tusuk-tusukin ng kutsilyo ang karne para pumasok sa loob ang flavor ng mga spices

4. Lutuin ito sa non-stick pan or i-ihaw sa baga.

5. Ilagay ang brown sugar at soy sauce sa pinag-babadan ng karne.

6. Ito ang i-brush sa karne habang niluluto.

7. Hanguin sa isang lalagyan kung sa tingin nyo ay luto na.


Ihain na may sawsawang pinaghalong toyo, suka, kalamansi at ginayat na sibuyas.


Ang sarap nito...tiyak kong marami na naman kayong makakain sa ulam na ito.


Enjoy cooking!!!!

Comments

Cool Fern said…
tumataba na yata ako dito sa mga luto mo,dennis..hehehehe
sarap ng mga niluluto mo...
Hahahaha...thanks CoolFern....ako din yun ata ang pakiramdam. Well kung mapapansin mo naman sa trend, balance ang mga food na pino-post ko. May fish, pork, chicken, beef and ofcourse vegetables.

Maraming pang susunod na masasarap na lutuin....abangan....hehehe.

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE