ALPAHOR / PININDOT / Ginataang Halo-halo



Siguro nagtataka kayo sa pangalan ng recipe natin for today. Sa amin sa Bulacan, Alpahor ang tawag dito. Dito sa Manila, kilala ito sa tawag na Ginataang Halo-halo. Sa bayan ng asawa ko Batangas, Pinindot naman ang tawag dito. Ang pagkakaiba lang ng luto sa Batangas, wala itong masyadong sahog. Bilo-bilo lang at sago ata ang laman.

Ito ay isang pagkaing pinoy na pang-meryenda o kaya naman ay pang-himagas. Masarap ito. Lalo na kung kumpleto ang sangkap. Itong niluto ko ay kaunti lang ang sahog. But what is important ay maipakita ko ang basic na sangkap at pamamaraan nito sa pagluluto.


ALPAHOR / PININDOT / Ginataang Halo-halo


Mga Sangkap:

4 cups Glutinous Rice Powder

1 tall can Coconut milk o kaya naman gata mula sa 2 niyog

4 pcs. Saging na Saba

3 pcs. Camote

2 cups Sago

3 pcs. Gabi or ube

2 pcs. pandan leaves

1/2 kilo sugar

1 tbsp. vanilla


Paraan ng Pagluluto:

1. Ilagay sa isang bowl ang powder na malagkit. Lagyan ng 2 cups na tubig. Halu-haluin. Lagyan pa ng tubig kung kinakailangan. Imasa hanggang sa wala ng powder na nakikita.

2. Hiwain ang saba, camote at gabi ng pa-cube. Hiwain ang dahon ng pandan ng mga 1 inch ang haba.

3. Sa isang kaserola, pakuluan ang gata. Kung niyog ang gagamitin, pakuluan ang ikalawang piga na gata. Kasamang pakuluan ang pandan. Hayaang kumulo sa loob ng mga 5 minuto. Halu-haluin para hindi mamuo ang gata.


4. Alisin ang mga dahon ng pandan na inilagay.

5. Ilagay ang bilo-bilo o yung malagkit na binilog-bilog, Saba, camote, gabi. Hayaang kumulo

6. Timplahan ng asukal ayon sa inyog panlasa. Ilagay na din ang vanilla.

7. Magtunaw ng glutinous rice powder sa kaunting tubig at ilagay sa niluluto para lumapot ang sabaw.

Palamigin bago ihain.


Enjoy!!!

Comments

Cool Fern said…
naku,dennis, this is my favorite..
BINIGNIT naman ang tawag nito sa cebuano..
sarap nito talaga
Dennis said…
E di papalitan ko ang title ng posting ko na ito? Dapat may "Alpahor / Pinindot / Ginataang Halo-halo / Binignit"

hehehehe.....thanks my friend

Dennis
i♥pinkc00kies said…
on of my favorite pinoy food! lots of sago, langka, bilo-bilo & saba please! :D
Dennis said…
Sinabi mo mypinkcookies....masarap din ito kung may kahalong latik...hehehehe


Dennis
i♥pinkc00kies said…
and I like eating it if galing sa ref.. :D yummy if malamig e!
maryjane2011 said…
ang galing nio po as of now i use your talent po.. eh ng titinda ako sa lugar namen.. kya you help me alot po sir.. good luck. post p po kyo ng meryendang pinoy.. :)
i♥pinkc00kies said…
saw this recipe again. nakaka-crave!

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy