AVOCADO CON GELO



Eto na naman ang isang pagkain na hindi ko alam kung may ganito talagang recipe. Ito ang isa sa mga pagkain na inihanda ko noong bumisita ang Holy Family sa bahay namin. Naisip ko lang, kung pwede ang buko pandan, why not avocado and gelatin pandan. Pero habang papauwi ako pagkabili ko ng avocado, iniisip ko, ano kaya ang maipangalan sa dessert na ito. At nabuo nga ang Avocado con Gelo. Tingnan nyo naman, sa picture pa lang ay talaga namang nakakatakam na ang dessert na ito. Di ba match na match ang kulay ng avocado at pandan falvored gelatin? Try nyo ito at kakaiba talaga.


AVOCADO con GELO

Mga Sangkap:

2 pcs. medium size Avocado

1 sachet Mr. Gulaman (green color)

1 big can Alaska Evap

or

1 small can Alaska Condensed

5 pcs. pandan leaves

6 cups of water

sugar to taste (kung evap ang gagamitin)


Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang kaserola, magpakulo ng 6 cups na tubig at ilagay ang dahon ng pandan. Hayaang kumulo ng mga 5 minuto

2. Alisin ang dahon ng pandan sa kumukulong tubig at ibuhos ang Mr. Gulaman powder mix. Halu-haluin. Maaring lagyan ng 1 cup na asukal para naman may lasa ang gulaman. Hayaang kumulo ng mga 2 minuto.

3. Hanguin ito sa lalagyan na square at hayaang mabuo.

4. Kung buo na ang gulaman, hiwain ito ng pa-cube. Mga 1/2 inch at ilagay sa isang bowl.

5. Sa pamamagitan ng kutsara, scoop ang avocado at ilagay sa bowl.

6. Kung Evap milk ang gagamitin, maaring lagyan ng asukal ayon sa inyong panlasa. Kung condensed milk naman maaring wala ng asukal.

7. Ilagay sa fridge to chill bago ihain.


Maari ding lagyan ng all purpose cream kung nais.


Sarap nito talaga...hehehehe....enjoy!

Comments

Cool Fern said…
i love this ,dennis,,unique siya di ba?
i eat my avocado with just milk n sugar or condensed milk..or kung minsan sawsaw ko lang sa brown sugar ..dito sa california, ginagawa nilang salsa or hinahalo sa cobb salad..
Tama ka dyan CoolFern. Doon ko nakita abng pagka-flexible ng avocado. May nabasa nga ako inilalagay din ito sa california maki...o kaya naman sa mga spring roll.

Ok na ok din ito sa mga kids...hehehe

Dennis
inay erleen said…
galing mo sir! actually, sabi nga nung iba, ang pinoy lang daw ang kumakain ng avocado as dessert....kse karamihan ginagawa ito as salad or dip
Thanks Inay Erleen for visiting my blog.

Siguro nga totoo ang sinabi mo...iba talaga ang panlasa ng pinoy....hehehehe

Dennis

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE