CHICKEN HAMONADO




Binisita kami sa bahay ng image ng The Holy Family last June 24. Bale one week na mag-stay ito sa amin and after a wek ililipat naman sa ibang bahay. It's a blessing. Kasi ba naman by this nagkaroon kami ng pagkakataon na mag-pray ng buong pamilya. Take note ha...ang mga kids ang sumasagot sa pag-recite ng rosary....hehehehe.

Syempre, komo blessing ang mga ito para sa amin, nag-share din naman kami ng blessings sa iba. At eto nga, nagluto ako ng espesyal na pagkain para sa mga magdarasal. At isa na dito ang recipe natin for today. Chicken Hamonado. Kung nasasarapan kayo sa Pork Hamonado na nai-feature na natin sa blog na ito, natitiyak kong magugustuhan nyo din itong recipe na ito.




CHICKEN HAMONADO


Mga Sangkap:


15 pcs. Chicken thigh
2 cups Del Monte Pineapple juice
1 cup Brown sugar
Salt to taste
1 tsp ground pepper
2 large red onions chopped
1 head minced garlic
Paraan ng pagluluto:
1. Paghaluin ang lahat ng sangkap sa isang lalagyan. Hayaan ng mga 2 oras. Mas matagal na marinade mas mainam.
2. Ilagay sa isang kaserola o non-stick pan at hayaang kumulo at maluto ang manok.
3. I-adjust ang lasa base sa nais nyong alat at tamis.
Ihain habang mainit.
Ang dali lang di ba? Ang secret para mas sumarap ang lutuing ito ay yung matagal mo itong i-marinade. Also, pwedeng lagyan ng cornstarch ang sauce para mas lumapot. Ang tamang lasa nito ay yung nag-aagaw ang alat, tamis at asim ng pineapple juice.
Enjoy cooking!!!!

Comments

Cool Fern said…
dennis, my mother in law used to fry or brown the pork hind leg naman ang ginagamit niya sa hamonado bago pakulu-an with the rest of the ingredients..baka mas ok din kung i pan fry muna ang chicken para mag brown siya and then pakulu-an with the rest of the ingredients?what do u think?..just a thought...
Correct ka dyan.....pork talaga ang original na recipe nito. Chicken is just a variety of this recipe.

Yup....pwedeng i-pan-fry muna yung manok...dapat lang mabilisan...baka kasi masunog naman yung balat...di ba may sugar ang sangkap?
Cool Fern said…
madalian lang talaga para lang mag brown ang chicken
Correct. Ang alam ko kasi kaya pinipirito muna ang manok o ang pork bago lutuin...ay para ma-sealed-in yung flavor sa loob ng karne. But it this case kasi ma kailangan nung karne nung flavor na galing dun sa sauce. Mag-ba-brown din naman yung meat habang tumatagal because of the soy sauce and the brown sugar.

Di ba? :)
Cool Fern said…
ah ok..tenks for the information...
quejadasmc said…
may soy sauce palang nilalagay bikit di mo sinama sa sangkap?
It's optional my friend..just to add color to the dish.

Dennis
rasshell said…
hi po.. gusto ko po sana try yung recipe nyo chicken hamonado.. kaya lang problem ko yung sukat ng bawat ilalagay na sahog.. like yung brown sugar.. usually po kasi pag bumibili kami ng manok or baboy half kilo lang po..pano po pag ganun?
pinoivegas said…
I cooked chicken hamonado twice this week,puro tantya lang ang mga sanggkap masarap nman kinalabasan.....my favorite sa mga handaan sa Pinas....curious lang saan ba nag originate ang recipe na ito?.....all along I thought sa Bulacan....
vhie said…
tnx po bday q tom try q magluto chicken hamonado
Dennis Glorioso said…
Happy Birthday Vhie....I'm sure magiging click ito sa iyong mga bisita. Regards
Anonymous said…
Hello po,nag try po ako nitong recipe,masyado pong maalat ang lab as,madami yong 3 tbsp na as in na nakasulat sa ingredients,napalpak tuloy luto
La nmn nklgay na 3tbsp ng asin.
This comment has been removed by the author.
Maganda po siguro kung per kilo ng chicken ang ingredients... thank you

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE