CHICKEN LIVER in HOFAN NOODLES



Isa pa rin ito sa mga dish na inihanda ko nung nagpadasal ako sa bahay for the Holy Family. Actually, first time ko lang nagluto nito. Ang nasa isip ko nung pinaplano kong iluto ito ay yung beef hofan na natikman ko sa isang chinese restaurant. So why not chicken liver sa halip na beef. Bukod sa mas malasa ang chicken liver, mas mura ito as compare sa beef. Hofan noodles pala ay rice noodles. Para din itong bihon yun lang malalapad ang hibla nito. Masarap din ito sa mga soup.

Pwede kong sabihin na original ko ang recipe na ito. Ewan ko din lang. Pero wala pa akong nababasang recipe na katulad nito. Natutuwa nga ako sa kinalabasan dahil masarap talaga. Try nyo ito.



CHICKEN LIVER in HOFAN NOODLES

Mga Sangkap:

500 grams Hofan Noodles

500 grams Chicken Liver (Hiwain ng nais na laki)

1 pc. sayote (Hiwain na parang palito ng posporo)

1/2 cup Oyster Sauce

1 cup Pearl Dried mushroom (Ibabad sa 1 tasang tubig. Kung malambot na pigain ang katas at gayatin ng maliliit. Itabi ang katas ng pinagbabadan)

1 large onion chopped

4 cloves minced garlic

1 tbsp. Sesame oil

1 tbsp. brown sugar

salt and pepper

1 egg



Paraan ng pagluluto:

1. Ibabad sa tubig ang hofan noodles sa loob ng 30 minuto. Then alisin sa tubig.

2. Sa isang kawali, i-prito ang scrambled egg sa kaunting mantika.

3. Igisa ang bawang, sibuyas sa kaunting mantika sa parehong kawali

4. Ilagay ang atay ng manok at ginayat na mushroom. Halu-haluin hanggang sa maluto

5. Ibuhos ang katas ng mushroom para maging sabaw. Ilagay na din ang oyster sauce at timplahan ng asin at paminta. Hayaang kumulo ng mga 2 minuto

6. Ilagay na ang hofan noodles, sayote at asukal na pula. Halu-haluin hanggang ma-coat ang lahat ng noodles ng sauce.

7. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan sa ibabaw ng hiniwang pritong itlog.


Ihain habang mainit pa.


Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE