CRISPY CHICKEN WITH CURRY POWDER


Another fried chicken recipe tayo ngayon. Pero ang tanong? Ano ang pagkakaiba nito sa mga fried chicken recipe na alam na natin at nabasa na natin sa ibang food blog? Well, fried chicken is fried chicken. Nagkakaiba lang ito sa kung papano mo ito pinasarap sa pamamagitan ng pagma-marinade. Ofcourse, masarap naman talaga ang manok with its natural flavor. Pero para maiba namanm bakit hindi natin lagyan ng iba pang pampalasa. At ito nga ang ginawa ko sa fried chicken entry natin na ito.


CRISPY CHICKEN WITH CURRY POWDER


Mga Sangkap:

1/2 kilo Chicken thigh fillet (yung may balat pa)

6 pcs. calamansi

1 tsp. curry powder

1 cup flour

1 egg beaten

1 8g sachet maggie magic sarap

salt and pepper to taste

cooking oil for frying



Paraan ng Pagluluto:

1. I-marinade ang manok sa katas ng calamansi, curry powder, asin, paminta at maggie magic sarap. Hayaan ng mga ilang minuto. Mas matagal mas mainam

2. Magpakulo ng mantika sa isang kawali. Mas maraming mantika mas mainam.

3. Isa-isang ilubog ang piraso ng manok sa binating itlog at saka igulong sa harina. Maaaring ilubog ulit sa itlog at igulong sa harina para mas crispy ang kalabasan.

4. Ihulog ito sa kumukulong mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay....Hanguin sa isang lalagyan.



Ihain kasama ng sawsawang tomato catsup or homemade gravy.



Enjoy!!!

Comments

cool fern said…
ang unique naman nito?
alam mo bang ang curry powder is popular na ginagamit ng mga indiano?india?
i think mahilig ang taga india ng curry powder?
Correct ka dyan....kahit yung mga muslim mahilig sa mga lutuin na may curry powder. Yung madidilaw na pagkain. Dito sa fried chicken na ito kakaiba talaga ang naging lasa..kung gusto mo ng mas spicy dagdag lang ng curry powder.

Dennis

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE