SARCIADONG DALAGANG BUKID na may WANSUY



Napakadali lang lutuin ng entry natin para sa araw na ito. Actually, may entry na akong ganito sa blog kong ito. Ang pagkakaiba lang ay tilapia ang ginamit ko sa una kong posting. Dito naman sa pangalawa, bukod sa Dalagang Bukid ang ginamit ko, nilagyan ko rin ito ng dahon na wansuy. Mas masarap ang pangalawa kong bersyon. Dahil siguro sa isda na ginamit ko at sa fresh wansuy leaves na inilagay ko. Try nyo ito. Para naman maiba sa ordinaryong pirito na ginagawa natin.


SARCIADONG DALAGANG BUKID na may WANSUY

Mga Sangkap:

1 kilo Dalagang Bukid

8 pcs. kamatis chopped

1 large onion

1 egg

4 cloves minced garlic

1 tbsp. chopped fresh wansuy leaves

Maggie magic Sarap

coking oil for frying

salt and pepper


Paraan ng Pagluluto:


1. Linising mabuti ang dalagang bukid at asinan. Hayaan ng mga 15 minuto.

2. I-prito ang isda at hanguin sa isang lalagyan.

3. Linisin ang kawali. Sa kaunting mantika, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.

4. Lagyan ng kaunting tubig. Durug-durugin ang kamatis sa pamamagitan ng sandok

5. Kung durog na ang kamatis, timplahan ng asin, paminta at maggioe magoc sarap ayon sa inyong panlasa.

6. Ilagay ang binating itlog. Halu-haluin.

7. Ibuhos ito sa ibabaw ng piniritong dalagang bukid.

8. Ilagay sa ibabaw ng ginisang kamatis ang chopped na wansuy leaves.


Ihain habang mainit. Pero sa totoo lang, mas masarap kainin ito makalipas ang mga ilang minuto. Mas nasipsip na kasi ng isda ang flavor ng ginisang kamatis.


Enjoy!!!!

Comments

Cool Fern said…
sarap nito ah...
ano ba ang ibang term ng wansuy,dennis?
kasi parang hindi ko kilala 'to?
'to ba yong celery?
nagtatanong lang po...
Dennis said…
Wansuy...mostly sa mga vietnamese restaurant ito madalas ginagamit nila. Yes para siyang celery...or cilantro o kaya naman ay kinchay... pareho ng shape yung dahon....pero iba talaga ang lasa na nagawa niya sa sarciado ko......hehehehe
Cool Fern said…
ah ok...tenks..
sige at maghahanap ako ng ganyan dito..ang marami kasi dito is celery
emsi said…
san po nakakabili ng maggioe magoc sarap? JK... :-P
Dennis said…
@ emsi....Maggie magic Sarap is just a seasoning granules...pwede kang gumamit kahit na anong seasoning. Available ito dito sa Pilipinas.

Thanks

Popular posts from this blog

Sinigang na Baboy

Tinolang Manok

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW