FRIED CHICKEN - My Other Version


As promised, narito ang recipe nung isang dish na inihanda ko nitong nakaraang birthday ng anak kong si James. Madali lang itong gawin, although, dalawang beses itong lulutuin. Ginaya ko ito dun sa original na fried chicken ng KFC. Ofcourse di ko naman alam ang mga spices na ginagamit nila. Kung baga, eto ang version ko ng KFC fried chicken. Try nyo ito!


FRIED CHICKEN - My Other Version

Mga Sangkap:

1 kilo Chicken drumstick (or kahit anong part)

3 tangkay ng tanglad o lemongrass

2 pcs. laurel Leaves

1 tsp. dried basil leaves

1 large red onion chopped

1 head minced garlic

1/2 cup rock salt

1 egg

1 tsp. whole pepper corn

1 cup All purpose flour

1 8g sachet maggie magic sarap

cooking oil for frying


Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang kaserola, ilagay ang lahat ng sangkap maliban sa harina at mantika. Lagyan ng tubig. Dapat lubog ang mga manok.

2. Pakuluan ito sa loob ng mga 30 minuto o hanggang sa maluto ang manok.

3. Hanguin ito mula sa pinagpakuluan at palamigin.

4. Kung malamig na, ilagay ang binating itlog sa manok at hayaang ma-coat ang manok ng itlog.

5. Igulog ang manok sa harina at i-prito sa kumukulong mantika. Hanguin kung mag-golden brown na.

Ihain na may kasamang catsup or home made na gravy.

Enjoy!!!

Comments

Cool Fern said…
okay 'to..kasi alam mong lutong luto na talaga ang manok bago i-deep fry
Yup. Tama ka dyan. At saka yung flavor ng herbs na kumapit dun sa manok habang pinakukuluan. Sarap talaga nito...hehehe

Dennis
Anonymous said…
thx sa recipe mo.. hehehe

im already doing it now!! for lunch with my wife.. i hope she will like this..

DFC= Dennis Fried Chicken hehe

xD
Hahahaha....okay yun ah...

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE