NILAGANG BAKA


Napansin ko sa archive ng mga na-post ko ng recipe, wala pa pala akong entry para sa Nilagang Baka. Pero marahil komo nga simpleng lutuin lang ito kaya hindi ko masyadong nabigyan ng pansin. Meron ako post pero Bulalo yun. Although, pareho lang ang recipe at pamamaraan ng pagluluto nito. Mayroon akong ilang twist na ginawa para mas lalo pa nating mapasarap ang masarap na na nilagang baka.

Isa pa nga pala. Sa amin sa Bulacan, espesyal na ulam ang Nilagang Baka. Marahil ay sa mahal nabibili ang karne ng baka kaya ganito. Kung Linggo, ito ang madalas na ulam sa amin. At talaga namang hindi ka magsasawa sa sarap ng sabaw lalo pat naguuulan....hehehehe. Try nyo ito at subukan nyop din ang twist na ginawa at hindi ako mapapahiya...hehehehe.


NILAGANG BAKA


Mga Sangkap:

1 kilo Beef Brisket (o kahit anong parte o laman ng baka) cut into Cubes

2 taling pechay


1/2 Repolyo (hatiin at hiwa-hiwalayin ang mga dahon)

2 tangkay ng Leek (Gayatin ang white portion at hiwain naman ng 1 inch ang green part)

2 patatas (Pag-apatin)

1 carrot (hiwain ng pa-cube

2 pcs. Pearl dried mushroom

1 large onion (Quatered)

1 tsp. whole pepper corn



Paraan ng Pagluluto:


1. Sa isang kaserola, ilagay ang karne ng baka, lagyan ng tubig, asin, pamintang buo at pakuluan hanggang sa lumambot.


2. Kung malambot na, ilagay ang sibuyas, dried mushroom, patatas, carrots at yung white portion ng leeks


3. Kung malapit ng maluto ang patatas, ilagay ang pechay at repolyo.


4. Timplahan pa ng asin at paminta kung kinakailangan

Ihain habang mainit ang sabaw.


Enjoy!!!


Note: Nasaan ang twist? Yung paglalagay ko ng dried mushroom at carrots. Lalo na ang dried mushroom, nakakadagdag ito ng masarap na lasa at linamnam sa sabaw ng nilagang baka. Mainam ito lalo na kung konti lang ang karne ng baka na lulutuin. Hindi bitin ang lasa kung meron nito. Try it!

Comments

Cool Fern said…
sarap nito,dennis..
my comfort food...
maraming kanin ang makakain mo nito
Dennis said…
Correct!!! Ang importante sa lutuing ito ay mapasarap mo ang sabaw. Otherwise, parang wala lang....Try mo yung nilalagyan ng dried mushroom...sarap talaga.


Dennis
Cool Fern said…
how about kung fresh mushroom?na try mo na ba?
ang daming kasing klase ng fresh mushroom dito...na ngayon ko lang talaga sila nakita...
sarap ihalo sa mga gulay mo...yong meatless gulay...
Dennis said…
Hindi masyadong lalabas ang flavor kung fresh mushroom ang gagamitin mo. Yung dried mas malasa talaga. Yup...ganun ang ginagawa ata ng mga chinese. Kung gusto mo ng meatless na beef soup...yan ang ilagay mo.

Dennis
Anonymous said…
masarap to the best patis at kalamansi i try cooking it my family loves it salamat dens!

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy