TENGALING (Crispy Pork Ears)


Noon ko pa gustong magluto nito, kaso hindi ako nagagawi ng palengke para makabili ng tenga o ulo ng baboy. Madalas kasi sa supermarket ako namimili ng pagkain namin sa araw-araw. Pero nitong isang araw, napadaan ako sa Farmers market at yun nga nakabili ako ng ulo ng baboy na gagamitin ko sa pagluluto ng Tengaling.

Siguro magtataka kayo? Papano yun? Bibili ba ako ng 1 buong ulo ng baboy? Papano ko siya aalisin sa buto o dun sa bungo ng baboy? May nabibili sa palengke na tanggal na ang buto. Ang tawag dun ay maskara. O kaya naman pwede nyong patanghal na sa matadero yung buto.

Sa isang sikat na Filipino restaurant ko unang natikman ang lutuing ito. Masarap talaga siya na pulutan o kaya naman ay pampagana bago kumain sa isang kainan. Pwede din itong pika-pika sa mga salu-salo o party. Yun lang, medyo hinay-hinay sa mga may highblood....hehehehe. Sarap nito lalo na pag may sawsawang suka na may sili.....hehehe. Try nyo ito!



TENGALING (Crispy Pork Ears)

Mga Sangkap:

500 grams to 1 kilo Tenga at ulo ng Baboy

Tanglad o lemon grass

1 thumb size na luya

1/2 cup rock salt

1 large onion

1 tsp. whole pepper corn

1 8g sachet maggie magic sarap (optional)

cooking oil for frying


Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang kaserola, ilagay lahat ng sangkap maliban sa mantika. Lagyan ng tubig. Dapat lubog ang karne.

2. Pakuluan ang karne hanggang sa lumambot.

3. Hanguin sa isang lalagyan at palamigin.

4. Hiwain ayon sa nais na laki. Ilagay sa freezer. Hayaan ng mga dalawang araw sa fridge para mag-yelo. Gawin ito para hindi pumutok habang pini-prito.

5. Kung pi-prituhin na, magpakulo ng mantika sa isang kaserolang o kawaling may takip.

6. I-prito ang karne direct from the freezer sa kawali. Takpan para hindu tumilansik ang mantika.

7. Hayaang maluto hanggang sa lumutong ang balat.

8. Hanguin sa isang lalagyang may paper towel

Ihain kasama ng sawsawang pinaghalong suka, calamansi, toyo, asin, sibuyas at sili.

Enjoy!!!

Comments

Cool Fern said…
gusto kong subukan 'to kaya lang nakakatakot baka matilamsikan ako ng mantika nito?
masarap na masarap siguro 'to ano?
anyway, someday.susubukan ko 'to kung makabili ako ng maraming mantika for my deep fryer..
naka tago lang si deep fryer ko sa garage sa ngayon...
ilalabas ko na naman for this recipe..
Para hindi magtilansikan ang mantika..ilagay mo nga sa freezer yung pinalambot na tenga at ulo ng baboy ng mga 2 araw. You will see hindi siya masyadong mapuputukan at titilansik ang mantika.

Dennis
Cool Fern said…
ah ganun ba?sabi mo kasi na takpan ang kawali para wag matamaan ng tilamsik ng mantika?so naisip ko na gamitin si deep fryer na lang para safe?
May tilamsik pa rin kahit papano kaya kailangan na takpan...Sorry wala kaming deep fryer....hehehehe


Dennis
Cool Fern said…
'lam mo bang very useful siya?

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE