CREAMY CORNED TUNA PASTA



Nasubukan nyo na ba yung bagong labas na corned tuna? Dalawang brand ang meron nito ngayon sa market. Yung San Marino at Century Corned Tuna. Sa dalawang ito mas nagustuhan ko yung sa Century. Mas malinamnam at parang corned beef nga ang lasa. At ang maganda pa dito, marami siyang laman. Konti lang yung oil na kasama.

Dito nabuo ang recipe natin for today. Para maiba naman ang breakfast namin, naisipan kong gumawa ng pasta dish na ito na ang sangkap ay corned tuna. Hindi naman ako nagkamali, masarap ang kinalabasan ng dish na ito. Okay na okay ito sa mga nagbabawas na sa pagkain ng karne. Try it! Madali lang itong lutuin.



CREAMY CORNED TUNA PASTA


Mga Sangkap:

400 grams. Spaghetti Pasta

1 can Century Corned Tuna

1 brick pack Alaska All Purpose Cream

1/2 cup butter

5 cloves minced garlic

1 large onion chopped

1/2 cup grated cheese

1 tsp. Dried Basil

Salt and pepper to taste


Paraan ng pagluluto:

1. Lutuin ang pasta ayon sa tamang paraan. Huwag i-overcooked.

2. Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.

3. Ilagay ang corned tuna. Halu-haluin.

4. Timplahan ng asin at paminta.

5. Ilagay ang all purpose cream at dried basil

6. Tikman at i-adjust ayon sa inyong panlasa.

7. Ilagay ang nilutong pasta at halu-haluin hanggang sa ma-coat ang lahat ng pasta ng sauce.

8. Hanguin at lagyan ng grated cheese sa ibabaw.

Ihain na may kasamang toasted bread o mainit na pandesal.

Enjoy!!!

Comments

cool fern said…
sarap naman nito...
Dennis said…
Correct ka dyan....na-inlove talaga ako sa corned tuna na ito. Para ngang gusto kong gumawa ng parang shawarma pero tuna ang laman....abangan...hehehehe


Dennis
keira said…
agree, maganda ngang alternative ang century corned tuna for folks na nagbabawas sa meat.
miguel said…
salamat sa recipe! ma-try nga to. tanong ko lang, pwede kayang lagyan pa ng cream of mushroom yung pasta? since healthy naman yung century tuna, babawi nalang sa ibang ingredients, hehe.
Dennis said…
Hi Miguel,

Tingin ko pwede...mas magiging creamy ang pasta mo niyan at tingin ko mas lalong sasarap. dont forget the butter ha...


Dennis
Anonymous said…
i tried this tito dennis.., :) sarap..!hehe! i feel like a pro..lol. i dont really cook..but with your blog nakakapagtry2 ako. its fun..! thank you! :)

Popular posts from this blog

Sinigang na Baboy

Tinolang Manok

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW