FRIED TILAPIA with HERBS


St. Peter's fish ang tawag ng iba sa tilapia. Nung una kong madinig o mabasa ito, isang malaking bakit ang naitanong ko sa sarili ko. Until mapanood ko sa isang CD yung movie na Jesus of Nazareth. Doon sa movie kung saan inutusan ni Jesus na ihulog ni Peter yung lambat niya sa dagat kahit na magdamag silang walang mahuli. Nang hanguin ni Peter ang lambat, napakaraming isda ang kanilang nahuli. At tilapia nga ang mga nahuli nila.

Sa panahon ngayon, ang tilapia marahil ang masasabi nating isda ng mahihirap. Mura lang kasi itong mabibili. Itong nabili ko, P95 per kilo ang halaga. 4 na piraso o 1.6 kilos. Tatlong klaseng luto ang pangkaraniwang pwedeng gawin dito. Inihaw, pesa at prito. Sa prito ako nauwi. So para hindi naman maging boring ang ordinaryong pritong tilapia, ginamitan ko ng mga available na herbs and spices.

Also, may bisita pala ako nung time na yun. Binisita ako ng kapatid kong si Shirley, ang aking Tita Melda, pamangkin kong si Lea at Tita Salve. Ito nga ang pinakain ko sa kanila kasama ang ginisang ampalaya. Nakakatuwa naman at nagustuhan nila ang pritong tilapia....hehehehe.


FRIED TILAPIA with HERBS

Mga Sangkap:

4 pcs. medium Tilapia

2 tbsp. rock salt

1 tsp. Dried Tyhme

1 tsp. Dried Basil

1 tsp. Dried Rosemary

1 tbsp. Garlic powder

1 tsp. maggie magic sarap

1 tsp. ground pepper

2 cups cooking oil


Paraan ng pagluluto:

1. Linising mabuti ang tilapia at hiwaan ito sa katawan.
2. Pagsamasamahin ang lahat ng sangkap maliban sa tilapia at cooking oil
3. Ikiskis ang pinaghalong sangkap sa katawan ng tilapia. Lagyan din ang loob at ang mga hiniwaan sa katawan. Hayaan muna ng mga 1 oras.

4. I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang sa maluto.

Ihain kasama ang sawsawang pinaghalong calamansi, toyo at sili.

Enjoy!!!

Comments

cool fern said…
tenks for the info..ngayon ko lang din nalaman na st peter's fish pala ang other name ng tilapia...
Dennis said…
Yes...Acutally nabasa ko din lang yun sa isa ding food blog. Kaya nung napanood ko yung Jesus of Nazareth na movie....nasabi ko...ah kaya pala tinawag na ganun. Try mo ito my friend...it really taste different. Pwede din ito sa ibang klaseng isda.

Dennis

Popular posts from this blog

Sinigang na Baboy

Tinolang Manok

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW