HOMEMADE BASIL PESTO


Last Christmas season nagkaroon ng kris-kringle sa office. Before ng revelation nagpo-post kami ng mga wish namin na gusto naming matanggap. Ang ni-request ko ay blender. Ang naka-bunot pala sa akin ay ang staff kong si Ian Linzag.

Nung ni-request ko ito, itong homemade pesto ang number 1 sa list ko na gagawin. At eto nga nagawa ko na ang pesto na gustong-gusto ko lalo na sa pasta.



HOMEMADE BASIL PESTO

Mga Sangkap:

150 grams Fresh Basil leaves

2 cups Cashiew nuts plain

10 cloves garlic

1 cup Olive oil

1 cup grated cheese (Keso de bola ang ginamit ko)

1 tsp. ground black pepper

1 tsp. Iodize salt


Paghaluin at durugin sa blender ang lahat ng sangkap ng by batch. Nung una kasi inilagay ko lahat sa blender, ang nangyari yung ilalim lang ang nadurog....hehehehe. Kaya ayun, inunti-unti ko na lang para ma-mix at madurog lahat.


Abangan ang pasta dish ko na niluto kasama ang homemade pesto na ito. Sarap....


Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE