MANGO ROYALE


Ito ang dessert na ginawa ko last Christmas for the Noche Buena. Medyo late ko na ito pinost kasi nga medyo sablay ang naging finished product. Manggo ang itinawag ko dito. Pero sa iba manggo float naman ang tawag.

Sablay, kasi hindi nabuo ang cream at gatas. Nang i-review ko yung recipe may nakita nga akong mali. Sa halip na isang can lang na condensed milk, dalawa ang nailagay ko. Kaya pala hindi nabuo.

Pero sa totoo lang, masarap ang kinalabasan ng dessert na ito. Ito nga ang naunang maubos sa noche buena na inihanda ko.

Sa recipe na ito tama na ang proportion ng mga sangkap na inilagay ko. Take note din, may ginawa akong twist kung papaano ito mapapasarap pa.



MANGO ROYALE

Mga Sangkap:

1 kilo Hinog na mangga

2 cups All Purpose Cream

1 cup Condensed Milk

3/4 cup Unsalted butter (melted)

1-1/2 cup Crushed Graham cracker



Paraan ng pag-gawa:

1. I-chill muna ang cream at condensed milk sa fridge ng overnight.

2. Tunawin ang butter sa sauce pan at ibuhos sa dinurog na graham cracker.

3. Halu-haluin hanggang mag-buo-buo ang butter sa graham.

4. Ilagay sa isang pyrex at i-press sa bottom ng lalagyan ang graham na may butter.

5. Ilagay sa freezer para tumigas ang base ng pie.

6. Hiwain ang magkabilang pisngi ng mangga. Yung kalhati, hiwain ng pa-strip para sa toppings. Yung kalhati naman, hiwain ng pa-cubes na maliliit.

7. Paghaluin ang cream, condensed milk at hiniwang maliliit na cubes na mangga.

8. Ibuhos ito sa pinatigas na crust.

9. Ilagay sa ibabaw ang hiniwang pa-strips na mangga.

10. Ilagay muli sa freezer para ma-set o mabuo.


Ihain kasama ang inyong matamis na ngiti sa labi.


Enjoy!!!!

Comments

cool fern said…
sarap nito ha?
Yan ang unang naubos sa lahat ng niluto ko....yun nga lang nasobrahan sa evap kaya hindi nabuo masyado...hehehehe


Dennis
Anonymous said…
Sir Dennis tnxs dito sa recipe mo ksi ito yung ginawa ko lang new year eve. namin talagang panalo at nasarapan silang lahat.hehehe
Dennis Glorioso said…
Thanks din and Happy New year. I hope you continue su pporting this blog.
Anonymous said…
Ofcourse sir! isa ako sa mga taga subaybay ng blog mo sir. andrew
Dennis Glorioso said…
Thanks Andrew....request naman...paki-click naman din yung mga ads para maka-earn ako ng points para magkaroon ako ng konting revenue. Share this also to your friends para lumakas ang traffic at mas tumaas ang points ko. hehehehe

Happy New year to you and your family.

Dennis

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE