PRE-ANNIVERSARY SURVEY

Parang kailan lang nung una kong ginawa ang food blog kong ito. It's January 13, 2009 ang kauna-unahan kong post. So, malapit na pala talaga ang anniversary natin.

Gusto ko lang sanang samantalin ang pagkakataong ito na pasalamatan kayong lahat na patuloy na tumatangkilik. Last December 29, 2009 na i-register ang pinakamaraming taong nag-visit sa isang araw. Umabot din ng 281 tao ang bumisita at 746 naman ang number of pages na na-view (Siguro naghahanap ng ihahanda sa bagong taon....hehehehehe?) . Kaya naman tuwang-tuwa ako sa pangyayaring ito.

Bilang paghahanda sa ating unang taong anibersaryo, hiling ko sana na bumoto kayo sa inyong top 10 na paboritong recipe na nai-post ko dito. Email nyo sa akin sa denniscglorioso@yahoo.com ang inyong boto at ita-tally natin at ipo-post ko sa mismong araw ng ating anniversary.

Also, maari din kayong maglagay sa inyong email ng mga request at suggestions kung papaano pa natin mapapaganda ang ating munting tambayang ito.

Muli, salamat sa inyong lahat. Special mention ang aking kaibigang si CoolFern na walang sawang suporta na kanyang ibinibigay sa blog kong ito.

God Bless sa ating lahat!!!

Comments

cool fern said…
ok,i will..
cool fern said…
hahaha..salamat sa pag-special mention mo sa akin...
kami nga ang dapat magpasalamat sa 'yo, ano ka jan?
marami kaming natutunan sa blog mo no?
jacinto_nantes said…
yehey!!! marunong na ako magluto tnx dennis
CoolFern...saan na yung survey mo? Always, thankful ako sa mga kagaya mo. Not because of the praises..pero alam mo yung pagkakaibigan because of this blog.

Happy anniversary!!!!


Dennis
jacinto_nantes..... Salamat kaibigan. Ano pala recipe yung nagawa mo na using my blog? Share mo naman wsa akin. :)

Dennis

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

TORTANG ALIMASAG (Crab Meat)