LOVE DAY 2010


Happy Valentines Day!!! Ito ang araw na ipinagdiriwang natin ang araw ng mga puso. Hindi lamang ito para sa mga 2 taong nagmamahalan kundi sa mga taong walang pagod na mag-mahal. Sana lang araw-araw ay valentines day. Di ba naman ang sarap kaya na mag-mahal.


Last Sunday, nag-celebrate kami ng valentines day ng aking pinakamamahal na asawa na si Jolly at aming mga anak na sina Jake, James at Anton. Inumpisahan namin ito ng pagsisimba sa Glorietta at sinundan naman ng isang simpleng tanghalian sa Pizza Hut restaurant sa Glorietta 4 din.

Sa gabi naman ay nagluto ako ng special na dinner para sa aking mahal na asawa. Di ba sa pagluluto ko naman na-e-express ang aking pagmamahal? Kaya naman enjoy ang aking mga anak at asawa sa aking niluto.



Ang tatlong nilalang na naging bunga ng aking pagmamahal. Sina Jake, James at Anton.


Sana araw-araw ay Valentines day...para wala nang awayan...wala ng sakitan at wala nang luluha. Kung pag-ibig lang sana ang namamahay lagi sa ating mga puso, di ba kay ganda ng ating mundo.



Huwag nating kakalimutan na hindi tayo makakaibig sa ating kapwa kung hindi natin iniibig ang Diyos na unang nagmahal sa atin ng lubos. Dahil sa pag-ibig niya sa atin, ibinigay niya ang kanyang sarili para sa atin.
To my wife Jolly..... I love you will all my heart....to my kids Jake, James and Anton, I love you and Daddy will do everything to make you happy and a better person.
To all of you supporting this food blog, HAPPY VALENTINES DAY!!!!

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE