MGA BANAL NA ARAW - 2010
Sa ating mga Katoliko, ang mga Mahal na araw ang pinakamahalagang okasyon kung saan ginugunita natin ang pagliligtas na ginawa sa atin ng ating Panginoong si Hesus. Pinapaalala sa atin kung papaano Siya naghirap at namatay sa krus sa ikatutubos ng ating mga kasalanan. Nagsisimula ang mga Mahal na Araw sa Miyerkules de Abo at nagwawakas naman sa Linggo ng pagkabuhay. Pitong araw bago ang pasko ng pagkabuhay ang pinaka-yugto ng pagdiriwang. Ito ang tinatawag natin na Holy week. Sa mga katulad ko na nag-o-opisina, kadalasan ay hanggang Miyerkules Santo lang ang pasok. Marami ay nagsisiuwian ng kani-kanilang probinsya para dun gunitain ang okasyong ito. Nakakalungkot lang, dahil marami din sa atin na ginagawang bakasyon ang mga panahong ito. Marami ang nagpupunta sa mga beaches o kung saan-saan na pasyalan. Sana lang, magkaroon tayo ng mas malalim na pamamaraan ng pag-gunita ng mga Mahal na araw na ito. Magkaroon sana tayo ng mga sandali ng pagninilay sa ating mga ginawa lalo na yung hind...