SPRITEY ROAST LIEMPO



Sa pagluluto, sa aking palagay, ay mas mainam na hindi gaanong gumamit ng maraming flavor o sangkap na pampalasa. Natatabunan kasi nito ang tunay na lasa ng niluluto. Halimbawa sa isda. Hindi ba mas nalalasahan mo yung sarap nito kung simpleng inihaw lang ang lutong gagawin dito? Tapos bawiin mo pa sa sawsawan. Panalo talaga.

Ito ang ginawa ko dito sa Liempo na nabili ko nitong isang araw. Tinimplahan ko lang ito ng asin at paminta at saka ko ibinabad sa Sprite, oo yung softdrinks, ang sarap ng kinalabasan. Try nyo ito...simple pero masarap.


SPRITEY ROAST LIEMPO

Mga Sangkap:

1.5 kilos Pork Liempo (piliin nyo yung manipis lang ang taba)

1 bottle 12 oz. Sprite

1 tsp. Freshly ground black pepper

1 tbsp. Rock salt


Paraan ng pagluluto:

1. Hugasang mabuti ang liempo.

2. Hiwaan o gilitan ang laman na parte ng karne para madaling makapasok ang pampalasa.

3. Paghaluin ang asin at paminta at saka ikiskis sa laman ng karne.

4. Sa isang plastic bag o zip block ilagay ang inasinang karne.

5. Ilagay ang sprite. Ibuhol ang plastic bag at hayaang mababad sa loob ng dalawang araw o higit pa.

6. Lutuin ito sa oven o sa turbo broiler sa init na 300 degrees sa loob ng 1 oras o hanggang sa pumula ang balat ng liempo.

7. Hiwain ng pa-cube bago ihain.

Ihain ito kasama ang inyong paboritong sawsawan.

Enjoy!!!!

Comments

vanessa said…
meron po ba kayong recipe para sa tuna or chicken sisig? konti lang kasi yung mga nakita kong recipe for both,at meron pang knorr seasoning. di ko type. ano kaya pwedeng substitute?
thanks! :)
Alam mo sa totoo lang...hindi ko pa na-try na magluto ng kahit na anong klaseng sisig...maybe because medyo spicy siya at baka hindi makain ng mga bata.

Hayaan mo i-try ko minsan na magluto nito.

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE