PORK BINAGOONGAN with TOMATO SAUCE
Meron na akong recipe na pork binagoongan sa archive. Pero itong entry ko na ito for today is another version. Eto nga at kakatapos ko lang kainin ang dish na ito as my lunch dito sa office. hehehehe. Very common na nilalagyan ng gata ang binagoongan. Pero itong ginawa ko, nilagyan ko naman ng tomato sauce. Actually nakuha ko yung recipe sa label nitong bagong labas na tomato sauce ng Del Monte. Nung una talagang nagduda ako sa kung ano ang kakalabasan ng dish na ito. Binagoongan na may tomato sauce? Pero sinubukan ko pa din. Akala nga ng asawa ko caldereta....hehehehe. Try nyo masarap siya. Mas masarap siguro kung medyo spicy ng kaunti ang sauce. PORK BINAGOONGAN with TOMATO SAUCE Mga Sangkap: 1/2 kilo Pork Kasim cut into cubes (adobo cut) 1 tetra pack Del Monte Sulit Sinangkutsa Tomato Sauce 2 tbsp. Bagoong Alamang (yung nasa bottle na ang ginamit ko...guisado na) 1 large onion chopped 4 cloves minced garlic 1 tbsp. brown sugar salt and pepper to taste Paraan ng Pagluluto: 1. Timpla...