BAKED TAHONG in a MICROWAVE OVEN Ver. 2
Eto yung pangalawang version ko ng Baked Tahong na na-post ko na last year of the same month. Yung unang version ay simpleng-simple lang ang pagka-gawa. This time, ginawan ko ng kaunting experiment with the toppings.
Wala naman talagang eksaktong recipe para sa baked tahong. Kahit yung paraan ng pagluluto ay magkakaiba din. Kagay nitong una at pangalawa kong version, microwave oven ang ginamit ko. Ofcourse pwede naman talaga sa regular oven, oven toaster o kaya naman ay i-ihaw.
With regards naman sa toppings, kahit ano ay pwede. Basta ang base lang niya ay cheese or butter. Kagaya ng nasabi ko sa itaas, medyo nag-experiment ako sa version kong ito. Try it! Ang sarap talaga nito. Sarap nito as ulam o kaya naman ay pulutan.
BAKED TAHONG in a MICROWAVE OVEN Ver. 2
Mga Sangkap:
1/2 kilo large size Tahong
1 cup Grated Cheese (quick melt or ordinary cheese)
1/2 tsp. Dried Basil
1/2 pc. White Onion finely chopped
1/2 tsp. Garlic powder
3 tbsp. Olive oil
1/2 tsp. Ground black pepper
3 tbsp. Chopped Onion leaves
1/2 tsp. maggie magic sarap
2 tbsp. Tomato Catsup
Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang kaserola, pakuluan ang tahong na binudbudan ng asin sa 1/2 tasang tubig hanggang sa bumuka ang ito. Hanguin sa isang lalagyan at palamigin.
2. Sa isang bowl, paghaluin ang lahat ng sangkap maliban sa tahong.
3. Tanggalin ang kalhating shell ng tahonhg na walang laman. Ayusin ang part na may laman sa isang microwaveable na lalagyan.
4. Lagyan ng pinaghalong sangkap ang bawat tahong.
5. Lutuin ito sa microwave oven sa loob ng 2 minuto o hanggang sa matunaw lamang ang cheese.
Ihain agad habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments