HONEY-SOY PORKCHOPS


Another simple but delicious dish ang entry natin for today. Simple din lang ang mga sangkap, ganun din ang paraan ng pagluluto.

Ayos na ayos ito na pamalit sa pangkaraniwang luto natin sa porkchops na prito o kaya naman ay pa-bistek. Ang mahirap kasi sa porkchops, masyado itong dry iluto. Kaya naman tamang-tama ang paraan ng pagluluto natin sa entry nating ito.

Try it! I'm sure magugustuhan ito ng inyong pamilya.


HONEY-SOY PORKCHOPS

Mga Sangkap:
8 pcs. of Porkchops
1/2 cup Soy sauce
1/2 cup Honey
2 tbsp. brown sugar
1 large onion sliced
1/2 Lemon
1 tsp. Lemon zest (ginadgad na balat ng lemon)
2 tbsp. butter
salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang porkchops sa asin, paminta, katas at zest ng lemon sa loob ng 30 minuto o higit pa.
2. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang porkchops sa butter hanggang sa pumula lang ng kaunti ang magkabilang side nito. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Sa parehong kawali igisa ang sibuyas.
4. Ibalik ang piniritong porkchops at ilagay ang toyo at 1 tasang tubig. Maaaring takpan. Hayaang maluto hanggang sa umunti na lang ang sabaw.
5. Kung kakaunti na lang ang sabaw, ilagay ang honey at ang brown sugar. Hinaan ang apoy para hindi masunog agad ang honey.
6. Hanguin sa isang lalagyan ang ibuhos ang natirang sauce sa ibabaw.

Ihain kasama ang mainit na kanin.

Enjoy!!!!

Comments

isang maybahay said…
Sir sa picture pa lang nagutom na ako hehehe. Susubukan ko ito!
Masarap talaga ito.....try it.

DEnnis

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE