MANDARIN ORANGE CHICKEN


Ito yung isang dish na niluto last Holy Thursday nung nagbakasyon kami sa Batangas. Actually, ginaya ko yung orange chicken ng chowking. Yun lang hindi spicy itong sa akin. Also, wala akong sinunod na recipe, kumpbaga parang experimental.

Ang totoo hindi ako ganun ka-satisfied sa finish product ko. Parang may kulang. Although napuri naman ito ng mga kumain.


MANDARIN ORANGE CHICKEN

Mga Sangkap:

1 kilo Chicken thigh fillet cut into serving pieces
Salt and pepper to taste
½ tsp. Maggie magic Sarap
1 egg
1 cup Flour
2 cups Canned Mandarin Oranges (reserve the juice)
3 cloves minced garlic
1 medium size White onion sliced
1 thumb size ginger sliced
2 tbsp. butter
½ cup soy Sauce
1 tbsp. cornstarch
2 tbsp. brown sugar

Paraan ng Pagluluto:
1. I-marinade ang chicken fillet sa asin, paminta, Maggie magic sarap at sa juice ng mandarin orange. Hayaan ng mga 30 minuto. Mas matagal mas mainam.
2. Alisin sa marinade mix ang manok at ilipat sa isang bowl.
3. Ilagay ang binating itlog at halu-haluin hanggang sa ma-coat ng itlog ang lahat ng manok.
4. Ilipat naman ito sa isang plstic bag at ilagay ang harina. Alug-alugin ito hanggang sa ma-coat ang lahat na parte ng manok.
5. I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang sa mag-golden brown. Hanguin sa isang lalagyan.
6. Sa isang sauce pan, i-gisa ang luya, bawang at sibuyas sa butter.
7. Ilagay ang toyo at yung pinagbabadan ng manok.
8. Timplahan ng asin at paminta ayon sa inyong panlasa.
9. Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce. Maaring lagyan ng kaunting tubig para makuha ang tamang lapot ng sauce.
10. Huling ilagay ang mandarin orange. Hayaan lang ng ilang sandali, huwag masyadong haluin para hindi madurog yung oranges at saka ibuhos ang sauce sa ibabaw ng piniritong chicken fillet.
Ihain kasama ang mainit na kanin.
Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE