PAN-FRIED PINK SALMON with MANGO SALSA


Last May 8, a day before Mothers Day, sinorpresa ko ang aking asawang si Jolly ng isang simpleng dinner sa bahay. Kaming dalawa lang sa bahay ngayon. Di ba nagbabakasyon ang aming mga anak sa biyena ko sa Batangas?

Buti na lang at maaga siyang nakauwi nung gabing yun at hindi ako nagutom sa paghihintay sa kanya. Hehehehe. So bago pa siya nakadating ay naihanda ko na ang dinner na sorpresa ko sa kanya.

Ang inihanda ko sa kanya ay itong entry natin for today. Pan-fried Pink Salmon in olive oil at may kasamang mango salsa. Gumawa din ako ng Barako coffee Jelly para naman sa pang-himagas.

Overall, nasiyahan naman ang asawa ko sa aking inihanda. At ang pinaka-finale? A gold bracelet for her. Not too expensive but nice.


PAN-FRIED PINK SALMON and MANGO SALSA

Mga Sangkap:
2 slices Fresh Pink Salmon
Salt and pepper to taste
½ tsp. Dried basil
2 tbsp. Olive oil
For the mango salsa:
1 whole ripe mango
½ cup cucumber
2 pcs. Tomatoes
½ White Onion chopped
1 tbsp. Rice wine
2 tbsp. chopped Kinchay
1 tsp. White sugar
3 tbsp. Olive oil
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ang pink salmon ng asin, paminta at dried basil. Hayaan ng mga 30 minuto. Mas matagal mas mainam.
2. I-prito ito sa kaunitng olive oil sa isang non-stick pan hanggang sa maluto. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Para sa mango salsa, hiwain ang mangga, pipino, kamatis, kinchay at sibuyas sa maliliit na piraso.
4. Ilagay ito sa isang bowl at timplahan ng asin, paminta, olive oil, rice wine, asukal, asin at paminta.
5. Tikman at i-adjust ayon sa inyong panlasa.

Ihain ang nilutong pink salmon kasama ang ginawang mango salsa.

Enjoy!!!

Comments

☺lani☺ said…
mukhang masarap!try ko minsan, paborito ko ang salmon!
tatess said…
ang sarap tingan ng fish at salsa. at sweet mo naman ke wifey.

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE