PORK STRIPS in SPICY COCONUT MILK SAUCE



This is one dish na noon ko pa gustong iluto. Yun lang hindi ko magawa at baka hindi makain ng mga anak ko. Medyo maanghang kasi ito.


Halos kapareho ito ng Bicol Express na tinatawag natin. Pero hindi naman ito gaanong maraming sili at mild like ang pagka-anghang. Wala din itong bagoong alamang na kasama.


Sa mga mahilig sa mga dish na may gata para sa inyo ito. Panigurado akong magugustuhan nyo ito. Bukod sa simple lang itong lutuin, may masarap talaga itong ulamin.




PORK STRIPS in SPICY COCONUT MILK SAUCE

Mga Sangkap:
1/2 kilo Pork pigue or kasim cut into strips
2 cups kakang-gata
6 pcs. Siling pang-sigang alisin ang buto then slice
1 thumb size Ginger sliced
4 cloves minced garlic
1 medium size White Onion sliced
salt and pepper to taste
2 tbsp. Butter

Paaan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang karne ng baboy na hiniwa. Hayaan ng mga 15 minuto.
2. Sa isang non-stick pan i-prito ang karne sa butter hanggang sa pumula ng kauntin ang mga side nito.
3. Itabi sa gilid ng kawali ang karne at igisa ang luya, bawang at sibuyas. Haluin kasama ng karne.
4. Lagyan ng isang tasang tubig at takpan. Hayaang kumulo hanggang sa maluto at lumambot na ang karne. Lagyan ng tubig kung kinakailangan pa.
5. Ilagay ang gata ng niyog. Kayaang kumulo ng mga 2 minuto.
6. Tikman at i-adjust ang lasa. timplahah pa ng asin at paminta kung kinakailangan
7. Huling ilagay ang hiniwang siling pang-sigang. Halu-haluin ng mga 1 minuto.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Wow mukhang masarap ito. Susubukan ko with lechon kawali para crunchy! Thanks for sharing, bossing!
Dennis said…
That's a good idea J.....Kaya lang dito kasi sa amin walang natitirang lechong kawali....hehehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy