CHICKEN with BUTTER, GARLIC & MIX VEGETABLES


Sa bahay, basta chicken ang ulam siguradong busog na busog ang aking mga anak sa kain. Kahit anong luto ang gawin ko, siguradong magugustuhan nila. Kaya naman, hindi nawawala ang manok uting naggo-groceries ako. Sabagay, mas mainam na ang manok kesa sa baboy o ano mang red meat na available sa market.

Itong dish na entry natin for today is actually walang plano. Basta inihalo ko lang kung a no ang available sa fridge at ito na nga ang kinalabasan. The basic gisa lang naman ang ginawa ko then add lang ako ng mga pampalasa at konting dried herbs. In this dish, knorr chicken cubes pala ang ginamit ko.



CHICKEN with BUTTER, GARLIC & MIX VEGETABLES

Mga Sangkap:

1 kilo Chicken legs cut into serving pieces

2 cups Mix Vegetables (Carrots, peas, corn)

1/2 cup Butter

1 head Minced Garlic

1 large size White Onion Sliced

1 pc. large Tomato sliced

1/2 tsp. Dried Basil

1 pc. Knorr cubes

Salt and pepper to taste

1 tsp. cornstarch

Paraan ng Pagluluto:

1. Timplahan ang hiniwang manok ng asin at paminta. Hayaan ng mga 30 minuto.

2. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang bawang hanggang sa mag-golden brown ang kulay. hanguin sa isang lalagyan.

3. I-prito ang manok hanggang sa pumula lang ng kaunti ang balat nito.

4. Ilagay na ang kamatis, sibuyas at knorr cubes. Lagyan na din ng 1 tasang tubig. Haluin ng bahagya at takman hanggang sa kumonte na ang sabaw.

5. Ilagay ang mix vegetables. Halu-haluin.

6. Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.

7. Tikman at i-adjust ang lasa.

8. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang piniritong bawang.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Maka-manok pala ang mga chikiting mo kuya. Kami dito ay hindi masyadong mahilig sa chicken. Pork ang paborito namin ni hubby. ;-)
Dennis said…
Hinay-hinay sa pork J.....maraming sakit ang dala niyam....hehehehe
mommy ara said…
hi po. i tried this chicken recipe today for lunch, nagustuhan ng mag-ama ko. thanks for sharing po. =)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy